SA isang lumang gusali sa San Juan La Union. Habang hinihintay ang shipment na manggagaling sa Manila ay nag-uusap-usap ang mga kasali. "Hepe, nasaan na raw ang kausap natin? Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" tanong ni General Valderama. Bakas sa hitsura ang pagkabagot. Patunay lamang ang mayat-mayang pagsulyap sa pambisig na orasan. "Parating na iyon, General. How about your men? Nakapuwesto na ba silang lahat?" balik-tanong ng Hepe. "No problem about my men, Chief. Dahil kanina pa kami naghihintay. Patunay na nakahanda na kaming lahat." Tumango-tango pa ang heneral. "Good, General. Dahil sigurado akong makakarami tayo sa pagkakataong---" Kaso hindi na natapos ng hepe ang pananalita. Dahil dalawang sasakyan ang magkasunod na dumating. Kaya naman ay nagsitayuan sila upang salubungin

