DAHIL nawawala ang folder nila ay nagpatawag ng meeting si Mr Montero. "It's been a while, guys. Pero wala pa rin ba tayong lead kung nasaan ang folder? If I'm not mistaken, nawala iyon noong isang buwan. Meaning, ganoon na rin katagal nating hinahanap," paunang pahayag ni Mr Montero matapos batiin ang bawat isa. "Iyon ngayon ang problema, Boss. Dahil kahit ano'ng gawin naming paghahanap ay wala talaga," lakas-loob na sagot ng isa. "Kung nawala iyon ay wala na tayong ibang choice kundi ang tanggapin ito. Dahil wala rin namang nakakaalam kung saan nahulog o nawala---" 'No! I must be imagining. Dahil ako ang may hawak sa folder na iyon. Kung bakit kasi naisipan kong mag-jeep ng araw na! Tama! Nang dahil sa pag-inat ng babaemg salot na iyon ay baka nabitawan ko. Ngunit saan ko ngayon haha

