"DAMN you, people! Wala na mga kayong magawa sa buhay ay gusto n'yo pa yata kaming patayin!" Ngitngit ni Surene nang may nagpaulan sa kanila ng mahal niyang Sablay Dulay ng bala. Subalit nagulat naman si Sablay dahil imbes na buksan ang top part ng kotse niya ay binasag ang windshield. "What's are you doing, Lampa ko?" maang niyang tanong. "Just keep quiet and focus your attention on the road, Sablay ko. Akin na ang granada. Now na nasa malapit na sila!" tugon nitong hindi man lang siya pinagkaabalahang lingunin o mas tamang sabihing nasa battlefield ito. Sa tinuran ng kasintahan ay dali-daling inabot ni Sablay ang granada. Sa tulad niyang isang military officer ay lagi siyang handa! Simple lang kotse niya kaya't walang mag-aakalang completo ang armas pandigma sa loob. Laging may laman

