Luna We stayed in his condo the whole day. Nag movie marathon, food trip, at binisita namin ang music room niya roon. Tinuruan niya akong mag-piano. And damn this man, he can sing as well, too! “Ang ganda ng boses mo!” I said surprisingly. Ngumuso siya. His lips protruded sexily. “I never got serious with music. But when I was younger, I used to join recitals in schools.” “Talaga? Ang galing naman!” He smiled. “My mother taught me how to play the piano.” I smiled at him, too. Sa paraan ng pagku-kwento niya sa akin tungkol sa kanyang ina at kung paano niya ito ilarawan ay punung-puno iyon ng pagmamahal. Alam kong mahal na mahal niya ang kanyang ina at ganoon rin ito sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi maalala si Mama. Ipinilig ko ang aking ulo. Ayokong ipa

