Luna “Migs, kailan kayo huling nag-usap ni Jigo?” tanong ko. We’re in the music room. Kami dalawa na lamang ang naiwan doon. Katatapos lang ng weekend rehearsal namin. Magpe-perform kasi kami sa Campus Christmas Party bago mag-declare ng holiday vacation ang eskwela. Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo at tila nag-isip. “After the burial of your mom. Bakit?” I pursed my lips and heaved a sigh. “Wala ba siyang nababanggit sa’yo? Mga problema niya?” Nag-angat siya ng tingin sa akin habang inaayos niya ang kable ng mga mikroponong ginamit kanina. “Wala. At kung meron man, hindi ba dapat, ikaw ang una niyang pinagsasabihan?” balik-tanong niya sa akin. Oo nga naman. Ako ang girlfriend niya. Isn’t he supposed to tell me what’s running on his mind? Pero

