CHAPTER 11

3794 Words
Luna     “Ayun, Jigo! Pitasin mo!” sigaw ko sa kanya.   Mahigpit ang bawat kapit ni Jigo sa malalaking sanga sa puno ng mangga rito sa bakuran. May mga mangilan-ngilang bunga na kasi na pwede ng kainin. Karamihan kasi ay mga bulilit pa. Ito ang naisipan naming gawin pagkatapos naming maglaro ng board games.   “’pag ako talaga nahulog dito a” malakas na sabi niya.   “Kaya nga kumapit ka dahil wala akong pampa-ospital sa’yo ‘pag nahulog ka!”   Pinitas niya ang isang bungkos ng mangga at maingat na inihulog sa akin. Sakto! Buti hindi bumagsak sa lupa.   Lumipat siyang muli sa isang malaking sanga at tumingala para maghanap pa ng pwedeng mapitas.   “Eh ‘di saluhin mo ako ‘pag nahulog ako.” he said casually.   Tumawa ako sa sinabi niya. “Ano’ng pinagsasabi mo?”   May pinitas na naman siyang ilang pirasong mangga at inihulog iyon sa akin.   “Sabi ko, saluhin mo ako ‘pag na-fall ako sa’yo!” Malakas na sabi niya. He jump from that high branch!   “Hoy!” malakas na sigaw ko nang makita ko siyang tumalon. Awtomatiko pa akong napapikit at inangat ang isang braso ko dahil babagsak siya sa harapan ko.   Narinig ko ang malakas na pagbagsak niya sa lupa. I quickly opened my eyes to check on him. Nagpapagpag siya ng kanyang mga kamay at sa ibang bahagi ng kanyang pantalon. Nang tingnan ko siya, he’s smirking at me.   “Hindi mo naman ako sinalo---“   “Paano kita sasaluhin eh ang laki-laki mo!” ani ko.   Humalakhak siya sa sinabi ko. Then he pinched my nose. “Ang cute mo.”   Pumasok kami sa loob ng bahay para hugasan ang mga mangga. Habang binabalatan ko ang mga iyon, nag-presinta si Jigo na bumili ng alamang at luya sa tindahan. Pagbalik niya, bitbit niya na ang mga binili niya.   “Marunong ka bang magbalat?” tanong ko sa kanya.   He pouted. Tsk. I shook my head. “Kumain lang yata ang alam mo, eh.”   He gave me a sweet smile. Lumabi lang ako sa kanya.   Pagkatapos kong balatan ang mga mangga ay isinunod ko ang paggisa ng bagoong. Nilagyan ko iyon ng brown sugar dahil iyon ang request ng herodes. Pagkatapos maluto at maisalin iyon sa losang mangkok, niyaya ko siyang kumain sa bakuran namin. Ipinalabas ko rin kay Jigo ang ang mahabang sofa namin na yari sa kawayan at isang maliit na mesa.   “Sarap talaga ng luto mo.” Aniya habang sinasawsaw ang mangga sa bagoong.   “Bagoong lang naman ‘yan.” I said. Nage-enjoy na rin ako sa kinakain namin habang nagi-isip kung ano’ng magandang ulamin para sa tanghalian. Pero naalala kong dadalaw pala ngayong si Martin. Naku! Mukhang makakapagluto ako ng ilang ulam ng wala sa oras.   “Hanggang ano’ng oras ka rito?” I asked. Jigo just glared at me.   “Nage-enjoy pa lang ako ngayon pero bakit pakiramdam ko gusto mo na akong umalis?” aniya.   Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Martin’s calling. I warned Jigo to shut up at tinalikuran ko siya.   Tumikhim ako bago ko iyon sinagot. “Hi!” Masayang sagot ko sa kanya.   He chuckled. “What are you doing?” he asked. Naiisip ko ang itsura nia habang nakabungisngis siya. Ang gwapo!   “Mmm... kumakain ng mangga!” I answered. Teka, ‘di ba busy ito ngayon sa trabaho?   “Sarap naman. I hope I can finish all these things as early as possible.” Aniya.   I cringed my nose and my lips formed into a grim line to suppress my giddiness. I know what he meant. Kahit hindi ko iyon itanong sa kanya, alam kong dahil iyon sa pagpunta niya ngayong hapon dito sa amin. Martin was very frank on his intention towards me. Ako lamang itong medyo naga-alangan.   “Eh ‘di tapusin mo na para… maaga kang makabisita rito!” I said sabay tawa.   Panay ang kalabit ni Jigo sa balikat ko. Nakakainis! Ilang beses kong tinapik ang kamay niya habang matalim ko siyang pinandilatan.   “Someone’s excited to see me, eh?”   I giggled. Naalala ko ang mga lulutuin ko ngayong gabi. “Ano palang gusto mong hapunan?   “It’s on me, Luna. Ako na ang magdadala.” Aniya.   Umiling ako na para bang nakikita niya iyon. “Ikaw ang bisita ko. Ako dapat ang magha-handa. Pero hindi ito katulad no’ng mga pagkain na ino-order mo kapag lumalabas tayo, ah?”   “Fine. If that’s what you want then, baby.” Mahina ang pagkakasabi niya sa huling mga salita niya.   Pero hindi ako bingi. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkakarinig ko roon. At dahil sa narinig ko, pakiramdam ko, may mga kulisap na nagliliparan sa tiyan ko. Kinikilig ako!   “Ibababa ko na ito. Tapusin mo na ‘yan, Mart.” Nakangiting turan ko sa kanya.   “I will. Please take care.”   Nag-init ang pisngi ko sa simpleng paalala niya sa akin. Pakiramdam ko, importante ako. Pakiramdam ko, importanteng tao ang turing niya sa akin.   “O-oo. Ikaw din.” Ani ko.   Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa napuputol ang tawag na iyon. Tanging ang malalalim na paghinga lamang niya ang naririnig ko sa kabilang linya. I decided to end the call at itinabi ang cellphone ko.   “Oh, sino na naman ‘yon at mukhang ipagluluto mo pa?” iritable niyang tanong sa akin.   Kumuha ako ng mangga sa pinggan at isinawsaw iyon sa bagoong. “Si Martin.” I bit my lower lip while smiling at him.   “Bagoong lang itong niluto mo para sa akin tapos siya? Lulutuan mo ng ulam!?” reklamo niya.   I grimaced. “Huwag kang mag-alala, lulutuan din kita ng gulay, with sea foods pa!” pagmamalaki ko. Pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay agad akong nag-isip ng pwedeng lutuin para sa tanghalian.   Pagkatapos naming maubos ang meryendang mangga, si Jigo na ang nagdala ng mga ginamit namin sa loob ng bahay. Pumunta ako sa maliit na garden ko para mamitas ng talong, siling haba, at ampalaya. Inilapag ko ang mga napitas sa mesa. I asked Jigo to wash it para pagbalik ko, maghihiwa na lamang ang gagawin ko. Nagtungo ako sa tindahan ni Aunty Esther para bumili ng sitaw at kalabasa.   Pagbalik ko sa bahay ay isa-isa kong inilibas sa plastic bag ang mga pinamili. Sinilip pa iyon ni Jigo. Kinuha ko ang sangkalan at kutsilyong panghiwa saka inilagay rin sa mesa. Tinungo ko ang tokador para kunin ang isa pang rekado.   “Nasaan ‘yong seafood na sinasabi mo?” tanong niya sa akin. I glanced at him at kita ko sa kanyang ekspresyon ang pagtataka.   Kinakapa ko ang bahaging iyon ng estante. Nang mahawakan ko ang plastic ay agad ko iyong kinuha.   “Meron. Ito oh, tuyo. Lalagyan ko pa ng konting dilis.” Pagmamalaki ko sa kanya. Kita ko sa kanyang mga mata ang matinding dismaya. Ibang seafoods yata ang inasahan niya. Sorry na lang dahil ito lang ang keri ng budget ko.   Naupo na ako at nag-umpisang maghiwa habang natutulalang nakatayo si Jigo sa tabi ko. Nang sulyapan ko siya’y nakangiwi na ito sa ginagawa ko.   “Jigs, kung ayaw mong kainin ang lulutuin ko, umuwi ka na sa inyo.” Pabiro kong sabi sa kanya.   Kinamot niya ang likod ng kanyang tainga at hinila ang bakanteng upuan sa tabi ko. Natutuwa talaga ako kapag nasisira ko ang trip niya. Ang sarap pikunin!   Tinulungan na lamang niya ako sa paghahanda ng uulamin mamayang tanghali. Hinimay niya ang tuyo habang ako ay naghihiwa ng mga gulay. Nagsaing na rin ako ng kanin. Dinig ko’y nagpunta na naman si Mama sa bahay ng kaibigan niya. I shook my head, hindi na talaga nagsawa iyon.   Hindi na rin namin siya hinintay para kumain sa pananghalian dahil hindi namin siya mahagilap. Hindi ko rin naman pwedeng paghintayin ang bisita ko dahil baka malipasan siya ng gutom.   After we ate, nagyaya siyang tumambay sa bakuran namin. Doon kami pumwesto sa lilim ng puno ng mangga habang naglalaro kami ng scrabble.   “So… maga-aral ka na talaga, ah?” tanong niya sa akin.   Inilapag ko ang tiles sa board para bumuo ng salita. Sinagot ko siya nang hindi siya tinitingnan. “Oo. Iyon talaga ang pangarap ko.” I answered.   Matapos kong tumira, I looked at him pero imbes na nakatingin siya sa nilalaro namin, his eyes darted on me.   “Eh ‘di hindi ka na magba-banda?” tanong niya ulit.   “Magba-banda pa rin basta may offer at hindi masasagasaan ang schedule ko sa eskwelahan.” Pumulot ako ng apat na piraso mula sa mga nakataob na tiles at inilagay iyon sa letter holder.   Inilatag niya sa board ang sagot niya. “Paano kapag tumumal ang tugtog?”   I shrugged my shoulders. “Magha-hanap na lang ako ng part time na trabaho o kaya maga-apply na scholar sa school. Kahit ano. We’ll cross the bridge when we get there.”   He sighed. Napansin ko ang pagbuga niya ng malalim na paghinga that’s why I asked him again. “Ba’t mo naitanong? Alam mo ba, Jigs? Si Miguel nagta-trabaho na sa campus na papasukan ko.”   He scoffed. “Kaya ba roon ka nag-enrol?”   Mula sa mga tiles na nakaharap sa akin, umangat ang tingin ko sa kanya. Umiling ako bilang tugon ko sa kanyang tanong.   Ngumisi siya. “Okay, sabi mo eh.”   “Ikaw ba, Jigo? Ano’ng balak mo? Balak mo bang gawing career ang pagtugtog?” tanong ko.   Natigilan siya sa sinabi ko at bahagyang nag-isip ng isasagot. Kalaunan, nagkibit-balikat lamang siya.   “Siguro. Hindi ko alam. Baka tumulong na lang ako kila Mama sa negosyo.” Sagot niya.   Tumangu-tango ako. Oo nga pala. Mayaman ang pamilya nila Jigo. Their family owns the largest supermarket in the city. May mga iba’t-ibang branches pa iyon dito. Maliban doon ay may resort pa sila at nagba-buy and sell ng corn at palay. Kaya hindi ako magtataka kung bakit hindi pa niya iniisip ang maghanap ng trabaho dahil patuloy lamang ang pagpasok ng pera sa kanilang buhay. Hindi problema ang pera sa kanya.   “Eh ‘di maganda! Sabagay, kayu-kayo lang din naman dapat ang magpatakbo no’n. Hindi magandang ipagkatiwala sa ibang tao.” I said.   He nodded. Nang makabuo ako ng salita, mabilis kong inilagay ang mga tiles ko sa board. Nakangiti akong tumingin sa kanya. “Ikaw na!”   Nakarinig ako ng ilang katok mula sa gate. Pareho kaming napalingon ni Jigo roon. My jaw dropped when I saw Martin standing there and smiling at me.   Ang bilis niyang natapos sa trabaho! Sa tingin ko’y wala pang alas tres ng hapon. I expected him to come as early as 6 p.m. Pero dahil nandito na nga siya, malugod ko siyang tinaggap sa bahay namin.   Mabilis akong tumayo at patakbong tinungo ang gate. Bahagya pa akong natapilok pero mabilis ko ring naayos ang pagtayo ko.   “Luna, careful!” maagap niyang sabi sa akin.   I smiled at him sweetly nang makalapit ako sa kanya. And then I realized, kahit magkasama lang kami kahapon, I missed him already!   “Ang aga mo!” I told him. Agad kong binuksan ang gate para makapasok siya. Napansin ko ang mga hawak niyang dalawang karton ng pizza at isang malaking eco-bag.   “I bought snacks for us. Ang nasa bag ay mga rekado. I think it’s better if I’ll join you cooking?” Nakangiti niyang tinuran sa’kin. Pero lumampas ang tingin niya sa aking likuran.   Saka ko lamang naalalang kasama ko rin pala si Jigo! Muntik ko na siyang makalimutan dahil kay Martin!   “Uhh, bumisita rin si Jigo.” I calmly said. Lumipat ang tingin sa akin ni Martin. Mataman niya akong pinagmasdan ngunit kalauna’y ngumiti siya sa akin.   “It’s okay. Ask him to join us.” Sabi niya.   Kinuha ko sa kanya ang hawak niyang karton ng pizza. “Halika! Doon na tayo sa pwesto namin. May bakante pang upuan doon” ani ko.   Tumayo si Jigo habang palapit kaming dalawa ni Martin sa kanya. Sa akin lang siya nakatingin. Hindi nakatakas sa akin ang klase ng pagtitig ni Jigo. May halong iritasyon at panlulumo? Hindi ko alam. Jigo is sometimes distant to me but his expressions are transparent.   “Aalis na ako, Luna.” Malamig na sabi niya sa akin. I was alarmed when I heard him said goodbye to us.   Mabilis kong inilapag ang mga karton sa mesa at tiningnan siya. “Jigs, mag-meryenda ka muna!” yaya ko sa kanya but he shook his head and refused.   “Hindi na. Sa susunod na lang.”   Malungkot ko siyang tiningnan. Alam kong hindi naging maganda ang una nilang pagkikita pero I am really hoping na sana’y magkaayos na sila sa pagkakataong ito.   “It’s okay. Please join us.” Ani Martin. Nagtama ang tingin naming dalawa. I smiled at him.   Umiling pa rin si Jigo at tuluyang lumapit sa akin. Marahan niyang pinisil ang ilong ko at saka ngumiti. “Salamat sa oras, baby cakes. Next time ulit.” Bago inilipat ang mariin na tingin niya kay Martin.   Wala na rin akong nagawa kundi ang hayaan na lamang siyang umalis. Mukhang hindi pa talaga okay si Jigo sa kanya.   “Mart, pasok tayo. Aayusin ko lang itong mga dinala mo.” Anyaya ko sa kanya.   We went inside our house. Bahagya akong na-conscious sa ayos ng bahay namin. Maliit ‘yon pero nang pumasok siya, pakiramdam ko, mas lalo iyong lumiit. Pinaupo ko siya sa lumang sofa namin habang inilapag ko ang kanyang mga bitbit. Inilabas ko iyon sa bag isa-isa. Lumapit siya sa akin para tumulong.   “Where’s your mom?” he asked. Inilagay ko muna ang karne sa loob ng ref habang ang mga gulay ay sa kitchen counter ko inilapag kasama ang ibang rekado.   Tipid akong nangiti at umiling. “H-hindi ko rin alam eh. Kanina ko pa rin siya hinahanap.” Nagtimpla ako ng juice sa pitsel at kumuha ako ng dalawang baso para sa aming dalawa.   “We should stay outside, then.” He said.   “Huh?” taking tanong ko.   “Let’s wait her outside.” Nakangiting sinabi niya sa akin. Hindi ko na rin siya napigilan dahil tuluyan na niyang binuhat ang pitsel at lumabas ng bahay. I heaved out a sigh at sinundan ko na lamang siya roon.   Inayos namin ang mga nakakalat na scrabble at itinabi namin iyon ng maayos. He opened the boxes of pizza at nagsimula na kaming kumain.   “So… the guy calls you baby cakes, huh?” he asked.   Ngumiti ako habang ngumunguya. Nang malunok ko ang kinakain ko, saka ako nagsalita.   “Ewan ko ba roon. Ngayon lang siya ganoon sa akin. Dati, he was cold as ice towards me. Ngayon…” I shrugged my shoulders.   “The guy actually likes you, Luna.” Aniya.   I raised my brow. “Tulad ng pagkagusto mo sa akin?” I teased him.   Siya naman ngayon ang natigilan. Binitawan niya ang kanyang pagkain at inilapag sa box. Unti-unti siyang lumapit sa akin until our distance are close enough to reach me.   “Walang makakapantay sa pagkagusto ko sa’yo, Luna.” He said huskily. Mataman ang titig niya sa aking mga mata. Masuyo pero mataman.   I gulped. Magkahalong kaba at kilig ang aking naramdaman pero hindi ako nagpadaig doon. Muli siyang nagsalita.   “You’re oblivious of other people’s feelings towards you, baby. But I’ll make sure that you can recognize what I feel for you. Ako lang, Luna, ang makakapagparamdam sa’yo niyan.” He smirked.   “M-Martin…” I said. I tried to smile widely at him to ease the sweet tension that starts to build between us. Why is he suddenly acting like this?   Lumayo siya ng bahagya sa akin at muling nagsalita. “Gusto kong maging kumportable ka sa akin, Luna. Kikilalanin mo ako at ganoon din ako sa’yo. I wanted you to know everything about me.”   “At ganoon ka rin sa akin? ‘di ba?” Ani ko.   Tumango siya at saka sumubo ng pizza.   Ang mga sumunod na pinag-usapan namin ay puro sa nalalapit na pasukan. Aniya, ibang-iba raw ang high school sa college kaya dapat ay paghandaan ko raw ito para hindi ako ma-culture shock.   “And if you’re comfortable too, it’s better if you can find good friends.” Aniya.   I nodded in agreement. “I’ll take note of that. No boyfriends allowed too while I’m studying!” I unconsciously said. I poured juice in our glasses at ibinigay ko ang isa sa kanya.   He looked at me and accepted the glass. Siya naman ang natigilan bago tumango sa sinabi ko. “Then I’ll take note of that, too.” Then he winked at me.   I chuckled. “Talaga? Hindi mo ipipilit?”   Umiling siya. “No.” Nangingiti niyang sagot sa akin.   Sa haba ng naging usapan namin, hindi ko namalayang mag-aalas singko y media na pala ng hapon. Kung hindi ko pa napansing dumidilim na ay hindi ko pa titingnan ang oras.   Niligpit namin ang mga nasa bakuran bago kami pumasok sa loob ng bahay. Niyaya ko na siyang magluto ng hapunan. Naaaliw akong panoorin siya habang naghihiwa siya ng karne sa sangkalan habang ako ay abala sa mga gulay.   “Hindi ko alam na marunong ka pala sa gawaing bahay?” I asked.   Patuloy pa rin siya sa paghihiwa habang sinasagot niya ang bawat tanong ko. “We were thought independence at a very young age, Luna. Tulad mo, maaga rin kaming namulat sa mga ganitong bagay. Hindi pwedeng wala kaming alam.” He said.   Namangha ako sa kanyang isinagot sa akin. Kahit mayaman pala sila ay hindi sila hinayaan ng kanilang mga magulang na lumaking walang alam na trabaho. Halos pareho lang pala kaming dalawa. Ang pinagkaiba nga lamang ay ang sa kanila’y ginabayan ng kanilang mga magulang habang ako’y pilit na nahinog sa paglipas ng panahon.   Ako ang nagluto ng ulam namin. He volunteered as my assistant in the kitchen. Taga-abot, taga-hugas at taga-linis ko siya rito. Nahiya pa ako dahil imbes na maupo lamang siya at hintaying maluto ang pagkain ay tumulong pa siya sa akin.   “That’s what assistants do. Just let me do it.” Then he smiled at me.   Nang makapaghain na kami ay naghintay pa kami sandali kay Mama. Pero ang isiping baka lasing na naman siya kasama ang mga barkada niya ang nagbigay sa akin ng pag-aalala.   “Ano’ng oras uuwi ang mama mo?”   I looked at him with disappointment on my eyes. Umiling ako. “Hindi ko alam. Kaninang umaga naman ay nandito siya. Sinabi ko pa sa kanya kagabi ang pagpunta mo rito ngayon.” Malungkot na sabi ko.   Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig. “Let’s wait for her a little longer. Maya-maya siguro’y darating na siya.”   Pero lumipas pa ang tatlumpung minuto ay hindi umuwi si Mama. Lumalamig na ang pagkain at lumalalim na rin ang gabi. Baka malipasan na kami ng gutom kapag hinintay pa naming siya dahil sigurado akong uuwi na naman siyang lasing.   Niyaya ko nang kumain si Martin. Kahit sinabi niyang hintayin pa namin si Mama ay ako na mismo ang nagsabing baka hatinggabi na siya makauwi. Wala na rin naman siyang nagawa nang ako na mismo ang humila sa kanya patungo sa dining table.   I tried my best not to show to Martin how sad I was when she wasn’t able to come home and meet him, knowing that he was very eager to know her. Gustung-gusto kong makilala ni Mama ang mga taong nagpapasaya sa akin pero sa tuwing nagri-reach out ako sa kanya, she always turns me down. Nagbukas na lamang ako ng panibagong topic para iwala ang panghihinayang ko. Mabuti na lamang at mukhang interesado si Martin at tuluyang nawala sa isip namin ang matagal na paghihintay sa nanay ko.   “You cooked well, huh? Kanino mo natutunan ito?” he asked habang ninanamnam ang kare-kare na niluto ko.   “Kay Aunty Esther, dati rin kasi siyang nagbe-benta ng lutong ulam kaya natuto na rin ako kapag pinapanood ko siyang magluto.”   “How about your mom?”   I smiled. “Kay Mama ko natutunan ang magsaing ng kanin. Pero no’ng bata pa ako, nalimutan ko ang isinalang ko dahil sa paglalaro. Nasunog ‘yong kanin kaya pag-uwi ko, hagupit ni Mama ang sumalubong sa akin.” I laughed at my best pero natigilan lamang si Martin sa ikinwento ko.   “She beat you?” he asked me unbelievably. His brows furrowed.   I gave him a small smile. “Kasalanan ko rin ‘yon kasi iniwan ko ang sinaing ko para makapaglaro. Iyon na kasi ang huling bigas namin kaya hindi ko siya masisisi kung nagalit siya.”   Bumigat ang paghinga niya and his lips formed a thin line. Tila nagpipigil na bumuhos ang galit niya habang nag-iisip ng isasagot sa akin. I smiled at him to make sure that I’m okay and there’s nothing to worry about.   “Luna…” aniya. He licked his lower lip bago hinawakan ang aking kamay. “Hindi magandang nasasanay ka sa ganyan. Hindi pananakit ang katapat ng bawat pagkakamali, be it physically or emotionally.”   I smiled at him. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, hulog ng langit itong si Martin sa akin. He knows how to hit my insides. He can feel every bit of my emotions growing in my heart. He can see what’s on my mind.   In short, he can rule my whole system.   I bit my lip and held his jaw. It was shaved. Noong una ko siyang nakita, may stubble siya which looked him manlier. With his cleaned and shaved jaw, bumata siyang tingnan.   Hindi ko napigilan ang sarili ko. The man I adore is in front of me. Titig na titig din siya sa akin. I gulped as I looked at his lips and notice that his jaw clenched.   Mabilis kong tinawid ang pagitan namin at dinampian ko siya ng halik sa labi. It was a soft, long kiss. And at that moment, I finally knew and realized my feelings for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD