CHAPTER 3

3338 Words
Luna     Hawak ko pa rin ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa kabilang wing ng bulding. Nang masiguro kong hindi na kami abot-tanaw ng lalaking nangha-harass sa akin ay binitawan ko na ang kamay niya.   “Pasensya ka na talaga. Wala akong ibang choice kung ‘di ang gawin ‘yon.” Paghingi ko ng dispensa sa kanya. When I looked into his eyes, I saw his playful stares at me. Or amusement? Hindi ko alam.   He shrugged his shoulders. Nakapamulsa na siya ngayon. “I don’t mind if you tell everyone that I’m your boyfriend.” Amused by his answer, I frowned at him. “Bakit?”   “So men like them won’t bug you anymore?” balik-tanong niya sa akin.   I chuckled at his answer. “Hindi pwede ‘yon. Saka… Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend mo? Baka mamaya sugurin ako.” I stopped when I realized my unnoticeable conclusion about him.   Humalakhak siya sa sinabi ko. Nahiya tuloy ako dahil sa mga salitang binitawan ko.   “Don’t worry, walang susugod sa’yo.” He said. He slightly bowed at me para magpantay ang tingin namin. Saka ko lang nalaman na… hindi pa pala umabot ang taas ko sa balikat niya.   My lips parted by his answers. Hindi ko alam kung bakit pero I felt something inside of me. Parang nagdiwang ang kalooban ko sa narinig ko sa kanya.   I nodded and gave him a small smile. “S-sige, alis na ako.”   Tinalikuran ko na siya at humakbang na para tunguhin ang dagat. I’ll stay there for a while. Maliwanag naman ang ibang parte ng beach dahil may mga seaside cottages at restaurants. Tatambay na lamang ako roon sa hammocks na gawa sa rattan para panoorin ang dagat.   “Wait!” tawag niya sa akin.   Lumingon ako ng may pagtataka. Lumapit siya sa akin. “Hindi ka pa ba babalik sa kwarto mo?”   Umiling lamang ako. “Pupunta ako sa beach. Papanoorin ko ang dagat. Hindi pa ako nakakapamasyal simula noong nakarating kami rito.”   “Can I join you?” maagap niyang tanong.   My brows creased when I heard him. I’m not innocent…but I don’t want to assume either.   Maybe giving him the benefit of the doubt won’t hurt me, right?   Akma na akong sasagot nang bigla siyang magsalita muli. “But… if you’re not comfortable---“   “Okay lang.” I nodded at him.   Tinungo ko ang mga duyan na nakatali sa nakayukong puno ng niyog. The hammock is large. Kasya ang dalawa hanggang tatlong tao. Dahan-dahan akong naupo roon. I felt comfortable when I sat down in there.   Nakita kong papalapit na ang kasama ko kaya bahagya akong umusog pa-gilid. I tapped the space beside me, telling he could sit here. Naupo nga siya roon pero sa laki niya, bahagyang gumalaw ang duyan kaya hindi sinasadyang mapasandal ako sa kanya.   I shrieked out but he held my right hand and my left shoulder for support. Nagtama ang mga mata namin. His beautiful brown eyes captivated me. Tila nangungusap, tila humihigop ng lakas.   Agad kong inayos ang sarili ko sa pagkakaupo at bahagyang natawa para maalis ang hiyang namumuo sa akin. He just looked at me seriously.   “Ang laki mo kasi…” kinamot ko ang likod ng tenga ko kahit hindi naman makati iyon.   “Sorry… Are you okay?” he asked. I smiled to assure him that I’m fine.   “Yes.” Tipid kong sagot sa kanya. Isinandal ko ang katawan ko sa gilid ng duyan habang ang isang binti ko’y naka-crossed leg. Nag-enjoy ako sa tahimik at payapang tanawin. Tanging ang tunog ng hampas ng mga alon ang naririnig ko at ang malamig na simoy ng dagat ay hindi ko alintana. The moonlight is shining brightly.   Ang tagal kong hindi nakaramdam ng ganitong klaseng peace of mind. Simula noong inako ko na ang responsibilidad para mabuhay kaming mag-ina, puro sakit na lang ang naramdaman ko dulot ng iba’t-ibang kadahilanan.   Ang sabi ng iba, maswerte pa raw akong maituturing dahil may magulang pa ako sa tabi ko, may maayos na tinitirhan, at may mapagkakakitaan.   Pero bakit pakiramdam ko, hindi naman ako maswerte? Pakiramdam ko, para akong pinarurusahan?   Isang dekada na akong nagbabanat ng buto. Disi syete na ako ngayon pero hindi pa rin ako tumitigil kakakayod para may ipambuhay kami ng nanay ko. I heaved out a deep sigh. Kasabay ng pagbuga ko ng hangin ay ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alintana na may kasama ako ngayon. Tanging ang tahimik na pagtangis at ang mabilis na t***k ng puso ko ang nagpapabingi sa akin sa mga oras na iyon.   Bahagya akong kumalma ng makita kong may puting panyong nakalahad sa harapan ko. Tinignan ko ang lalaking katabi ko. Nang hindi ko pa rin kinukuha iyon sa kanyang kamay ay siya na ang nagpahid ng mga luha sa mukha ko.   I chuckled to ease the tension I made between us. Baka mamaya ay natakot ko pa itong kasama ko dahil bigla na lang akong umiiyak. Isipin pa niyang baliw ako!   “S-sorry… Na-carried away lang.” nangingiti kong sinabi sa kanya.   Seryoso niyang pinunasan ang mga luha ko. When he was done, he handed it to me. I took it from him. Good thing he offered me the handkerchief because a new wave of tears rolled down on my face again.   “Pitong taong gulang pa lang ako, kailangan ko ng kumayod para may makain kami ni Mama. Maswerte lang ako kasi… kinuha akong tindera ni Aunty Esther sa talipapa niya noon. Minsan, umuwi ako sa bahay. Tuwang-tuwa ako kasi ang laki ng kinita ko sa talipapa.” I stopped for a while para makahinga. Then I continued talking. “Kinuha ni Mama ‘yong pera. Ang sabi niya, ibibili niya ng pagkain namin. Hinintay ko siya no’n… Kaso gutom na gutom na ako kaya… bumalik ako kila Aunty Esther para humingi ng kanin. Hinanap nila sa akin ‘yong sahod ko pero noong nalaman nilang kinuha ni Mama ‘yon, sumugod siya sa kabilang kanto. Doon namin nakita si Mama.”   “Ano’ng ginagawa ng Mama mo roon?”   “Tumotoma ng gin.” Nang tignan ko siya, nakakunot ang kanyang noo. Hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.   “Tumotoma, umiinom ng gin. Pinang-inom ni Mama yung kinita ko nang isang linggo.” Paglilinaw ko.   He nodded slowly. “Ang Papa mo?”   “Wala akong Papa.” Matabang kong sagot sa kanya.   “What do you mean?” he asked.   “Hapon ang tatay ko. Entertainer sa Japan si Mama noon. Doon sila nagkakilala. Tapos nabuo ako, umuwi sila rito sa Pinas. Wala pa akong isang taong gulang noong umalis si Papa rito. Pero ‘di na bumalik.” I explained.   Hindi siya nakaimik.   “Sampung taong gulang ako noon ng mapansin ni Aunty Esther na may boses ako sa pagkanta. Sabi niya, pwede akong sumali sa mga contest para magkapera. Ginawa ko ‘yon! Pero noong nalaman ni Mama, hindi na siya pumapayag na pumunta ako kila Aunty Esther. Ang sabi niya, ginagamit lang niya ako para magkapera sila. ‘di niya alam, kailangan ding gastusan ang damit at ibang gagamitin para presentable kang humarap sa entablado.”   Napalunok ako. This man is a stranger to me pero… pakiramdam ko, ang tagal-tagal ko na siyang kilala.   Nagpatuloy ako sa pagku-kwento. “Mantakin mo, halos isang dekada na akong nagbabanat ng buto para lang---“ napatigil ako sa pagsasalita dahil sa kanyang manghang tanong sa akin.   “Wait! What? Isang dekada? You told me earlier that you’re only seven when---“‘di ko na siya pinatapos.   I chuckled. “Seventeen pa lang ako. Pero mage-eighteen na ako ngayong taon.” May pagmamalaki kong sinabi sa kanya.   He licked his lower lip and cursed softly. “Damn…”   Natawa ako at muling bumaling sa dagat. “’di halata, ‘no? Hayaan mo, hindi lang naman ikaw ang nagkamali. Halos lahat ng taong kakakilala sa akin, laging nagkakamali sa edad ko.”   “Nakapag-aral ka ba?” tanong niyang muli.   Nilingon ko siyang muli, he’s still staring at me. I nodded slowly. “Oo… nakagraduate rin ako ng high school.”   “Bakit hindi ka mag-aral sa college?”   “Nagi-ipon ako para roon. Kaya ako nandito.”   “Did you try applying for scholarships?”   Nagkibit-balikat ako. “Sinubukan din. Pero hindi ako ganoon katalino para maipasa ko ang mga exams nila. Saka iyong mga scholarship for indigent… Alaws din. Hindi ako pinapalad na mapili.”   Tahimik lang naming pinagmamasdan ang pag-alon ng dagat.   “Ang dami ko ng hirap sa mundo… minsan gusto ko na lang maglaho na parang bula.” I unconsciously spat the last sentence.   “Don’t you f*****g do that!” pagbabanta niyang sinabi sa akin.   Natawa ako sa reaksyon niya. “Siyempre, hindi. May pangarap pa ako eh.” Nangingiti kong sagot sa kanya.   “Ano ba’ng pangarap mo? Maging isang singer?” tanong niyang muli.   I answered while playing the sand on my right foot. “Hindi. Gusto kong makapagtapos ng paga-aral. Gusto kong magtrabaho sa mga kumpanya! Secretary, assistant, mga ganoon. Ikaw? Ano’ng trabaho mo?   Ngumuso siya at tumingin sa dagat. “Nagne-negosyo.” Matipid niyang sagot sa akin.   Tumangu-tango ako. “Halata naman. Mukha ka kasing big time.”   “Iyong mga kasama mo sa… banda. Mga kaibigan mo ba sila?” tanong niya.   Mabilis akong sumagot. “Sinasama nila ako kapag may mga tugtugan sila at kailangan nila ng female vocalist.”   Namayani ulit ang katahimikan sa aming dalawa. Maya-maya’y nagsalita akong muli.   “Hindi ako nakikipag-kaibigan. Wala akong maituturing na kaibigan. Wala na kasi akong oras para roon.” Muli kong sinabi sa kanya.   A long silence stretched in between the two of us. Ano kayang meron sa taong ito at madali lang para sa akin ang mag-kwento tungkol sa buhay ko? Ni ang pangalan niya’y hindi ko pa naitanong. Sabagay, dalawang beses niya na akong nailigtas. Pero sapat na ba iyon para magtiwala ako?   I don’t trust people easily. I am not easy to get along with. Maybe I can adjust to people at work, pero tingin ko’y hanggang doon lang ang kaya ko. Kaya siguro inaayawan din ako ng mga tao.   Mataas ang pangarap ko sa buhay. Ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko na ulit dadanasin ang ganitong klase ng hirap. Sisikapin kong makatapos ng paga-aral. Ma-delay man, ang importante’y makatapos ako.   Ilang minuto pa ang nagdaan nang mapagdesiyunan ko ng tumayo. Babalik na ako sa hotel room ko. Tutal ay inaantok na rin naman ako dahil sa pagod ko kanina sa pagkanta at dahil sa pag-iyak ko kanina.   “Tara na… Balik na tayo sa hotel.” Pagyaya ko sa kanya.   Mabilis siyang tumayo ngunit ang mga tingin niya sa akin ay tila naninimbang. Ngayon lang may tumingin sa akin ng ganito. His stares are full of concern and worry. I smiled at him pero mukhang wala yata siyang balak ngumiti.   “Luna…” he softly uttered.   “Hmm?” I said.   “I can be your friend... I will make time for our… friendship.” he trailed off. Hilaw akong napangisi sa kanyang tinuran.   “Kung naaawa ka sa akin dahil sa mga ikinwento ko---“   “I want to be your friend.” May pinalidad na sagot niya sa akin.   Napanguso ako para itago ang namumuong ngiti sa mga labi ko.   “Hindi ko pa alam ang pangalan mo…” Mahina kong pagkakasabi sa kanya. Nakita kong inilahad niya ang kamay niya at iminwestra niya iyon sa akin. “I’m Martin. Martin Villanueva.”   Matagal kong tiningnan ang kanyang kamay bago ko malugod na tinanggap iyon.   “L-luna. Luna C-Carmela Pineda.”   Nang mga sumunod na araw, naging ganoon ang nangyari. Gigising sa umaga, kakain ng breakfast, pahinga ulit, kakain sa tanghali, rehearse maghapon, at sasabak sa tugtugan sa gabi. Napagkasunduan pa nga namin ni Martin na kapag tapos na kaming kumanta para sa gabi na iyon ay ihahatid niya ako hanggang sa hotel room ko so perverts won’t come near me. Well, I don’t see anything wrong about that. Pakiramdam ko nga’y para akong nagkaroon bigla ng nakakatandang kapatid and I feel safe when he’s around.   Sa ika-anim na araw namin sa resort na ito, hinayaan kami ng manager kung ano ang gusto naming tugtugin. Nagbe-brainstorm kami sa bakanteng function hall kung ano’ng OPM songs ang pwedeng kantahin para mamayang gabi.   Nakaupo ako sa isang high chair habang hawak ko ang mikropono. Hindi ko napansing tumabi na pala sa akin si Jigo. Kahit nakatayo lang siya, mas matangkad pa rin siya sa akin. Binalewala ko ang presensya niya at itinuon ko ang atensyon ko kila Migs at Chad na masinsinang nagu-usap.   “Sino ‘yong kasama mo kagabi?” biglang tanong niya sa akin.   Narinig ko ang tanong niya pero hindi ako sigurado kung para iyon sa akin. Hindi ko siya nilingon.   “Luna…” Madiin na pagkakasabi niya.   Nilingon ko siya. “Oh bakit?”   “Sino ‘yong kasama mo kagabi?” Pagu-ulit niya.   “Saan?”   “Palabas ng bar. ‘yong naghatid sa’yo hanggang sa kwarto mo?”   Mabilis ko siyang nilingon. My brows creased at his questions.   “Paano mo nalaman ‘yon? Sinundan mo kami?” balik-tanong ko sa kanya.   Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. Mas lumiit iyon tingnan dahil chinito siya.   “Hindi mo sinasagot ang tanong ko sa’yo.” Aniya.   “Kaibigan ko ‘yon, nakilala ko rito sa---“   “Kaibigan? Kailan ka pa nakipagkaibigan?” suplado niyang tanong sa akin bago niya ako iniwan at lumabas siya ng tuluyan sa function hall. Nilingon ako ni Zion. “Oh, ano’ng nangyari doon? Nag-away kayo?” tanong niya sa akin.   Nangunot ang noo ko. “Hindi! Siya nga itong nagsu-sungit bigla sa akin.” I answered.   Chad chuckled. “He needs to get laid. Ilang araw na rin eh.” At lalo siyang humagalpak ng tawa. I did not understand what he’d said.   “Laid? Ano ‘yon?” takang tanong ko.   “Shut up, Chad! We have a minor here.” Pag-saway ni Migs.   Chad raised his both arms to surrender and stop talking. Zion went outside to call for Jigo. Ako naman ay nanatili sa kinauupuan ko.   Sumapit ang alas otso ng gabi. Si Migs ang kumanta ng introductory songs. Maya-maya pa ako kakanta ng solo. Naging backup vocalist muna ako.   Relax ang ambiance ng bar ngayon, mukhang sakto sa genre ng tugtugan namin. Iginala ko pa ang mga mata ko para makita ang kabuuan ng bar. Pero sa totoo’y may iba akong hinahanap.   Dumapo ang tingin ko sa may counter bar…and right there, I saw him. He was sipping a glass of liquor. Nagtagpo ang mga tingin namin. Bahagya niyang itinaas ang baso niya while smirking. I nodded and smiled at him.   “Luna, concentrate.” Saway sa akin ni Zion. Tumango lamang ako. I glanced at Jigo at para akong nagsisi dahil…ang talim ng tingin niya sa akin. Tinignan niya rin ang bar counter bago niya muling ibinalik ang atensyon sa drums.   Nang matapos kumanta ni Migs, nagulat ako dahil si Jigo ang pumalit sa kanya sa mikropono. Migs replace him in the drums. Habang ako’y takang-taka sa mga nangyayari.   “Kakanta si Jigo?” tanong ko kay Chad. He just shrugged his shoulders.   When they started the instrumental, kinapa ko pa sa likod ng memorya ko kung ano’ng title ng kantang ito pero wala akong maalala.   Lumapit si Jigo sa mikropono.   “Ang hirap ng ginagalawan ko Gusto ko nang aminin pero ‘di sigurado Ayokong mawala kung ano’ng meron tayo Pero di ko alam kung ano’ng meron sa damdamin ko”   Nakaupo lang ako sa high chair habang pinapanood ko siyang kumakanta. Hindi ito kasali sa mga ni-rehearse namin kanina kaya hindi ko alam kung paano ko ipapasok ang sarili ko.   I observed the women inside this bar. They were attentive at him. Ang iba’y nagbubulungan pa. Sino’ng hindi makakapansin sa kanya eh malakas ang appeal niya sa mga babae, plus factor pa na ang galing niya sa pagda-drums at…marunong pa palang kumanta!   “Wala na akong nagagawa ‘pag kaharap ka na Sana lahat kayang sabihin ito nang hindi natatakot sa’yo Handa naman akong masaktan Pero hindi kasi ako sigurado kung gusto pa ‘tong mawala Parang nahulog na rin ‘ata, handa kong ibigay ang puso ko Pero hindi kasi ako sigurado…”   Napanganga ako sa pagkanta niya. Ang lamig ng boses at…ang taas ng mga nota pero malinis niya iyong nahi-hit. Hindi ko namalayang nakangiti na ako sa kahit nakatalikod siya. At nang lingunin niya ako’y kita ko ang gulat sa mga mata niya. Mas lalo akong ngumiti sa kanya. Ilang segundo rin niya akong tinitigan bago ibinalik ang tingin sa harap ng stage.   I called for him nang matapos siyang kumanta at bumalik sa kanyang pwesto. He drank some water bago inayos ang sarili.   “Jigo! Ang galing mo palang kumanta!” I said.   Ngumisi lang siya bago kinuha ni Migs ang atensyon ko.   “Luna, ikaw na.” he said. I nodded at naupo na ako sa high chair.   Nagsimula ulit silang tumugtog. Dinama ko melodiya nito. I sang Tadhana by Up Dharma Down, So Slow by Side A & Freestyle, at Your Universe ni Rico Blanco. Tatlong solong kanta lang ang binigay sa akin ni Migs hanggang sa matapos namin ang gig para sa gabing iyon.   Natapos ang gabi namin. Kasama ko ngayon si Martin palabas ng bar nang may tumawag sa akin.   “Luna!” galit ang boses na narinig ko. Pareho kaming napalingon ni Martin sa direksyong pinanggalingan ng boses na iyon.   “J-Jigo…” Anas ko.   “You know him?” tanong ni Martin. Tumingin ako sa kanya at tumango.   Nang makalapit sa amin si Jigo, matalim na tingin ang ibinigay niya sa kasama ko. I gulped because… I saw how Martin equaled his deadly stares.   Ako ngayon ang hindi mapakali sa kanilang dalawa. Matalim din akong nilingon ni Jigo.   “Saan ka pupunta?” Madiin ang mga salitang binitawan niya sa akin.   “Sa kwarto ko, magpapahinga na.” Malamig kong sagot sa kanya.   Kinuha niya ang kaliwang kamay ko’t hinila ako palayo kay Martin. I flinched by his touched. Madiin. May pwersa.   “S-sandali, may kasama ako…” pagpipigil ko sa kanya. Even Martin followed us and took my right hand. Dalawa na silang magkahawak sa kamay ko.   “Get your hands off her.”  Martin said dangerously. Nagsukatan ulit sila ng titig. Binalingan ako ni Jigo.   “Ako ang nagdala sa’yo rito, Luna, kaya responsibilidad kita! Paano ko ipapaliwanag sa nanay mo kapag may nangyaring masama sa’yo, huh?” Maanghang na tanong niya sa akin.   Tinignan ko ang kanyang mukha. Bakas ang galit at pagkadismaya ang nakita ko sa kanya. Tama siya. Kahit ganito si Jigo sa akin, hindi ko maialis na tama ang ipinupunto niya.   Nanghihina kong nilingon si Martin bago ko inilipat ang tingin ko sa aking kamay. Nang tingnan ko siyang muli ay naintindihan niya ang gusto kong mangyari. He nodded slowly bago niya unti-unting niluwagan ang mga kamay ko sa kanyang pagkakahawak.   “I’m sorry…” anas ko bago tuluyang sumama kay Jigo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD