Luna
Simula ng tumira si Peter sa bahay namin, naging madalas ang bangayan namin ni Mama. Gusto ko mang umiwas sa tuwing nagsasalubong ang landas naming tatlo, hindi ko naman iyon magawa dahil maliban sa maliit din ang bahay ay madalas dito na rin nagyayaya si Mama ng inuman kasama ang mga barkada niya.
Lalo pa akong nanlumo sa sitwasyon ko ngayon dahil dumadalang na rin ang pagtawag at pag-text sa akin ni Martin. Mas naging abala siya sa kanyang trabaho. Kung tatawag man siya ay gabi na, pagkatapos ng trabaho. Naisisingit niya rin ang pag-text sa akin sa tuwing may libre siyang oras.
I miss him so much but I can’t be selfish right now. He’s also needed in their company. Hindi pa rin naman niya ako nakakaligtaang tawagan kaya ayos na sa akin iyon.
All I can give to him now is my support and understanding.
Kaya madalas, kung hindi si Jigo at Migs ang nakakausap ko, ang mga bagong kaibigan ko ang nakakapagpalimot sa sitwasyon ko ngayon sa bahay.
“Eh kung mag-board ka na lang din tulad namin?” sabi ni Mitch.
Nagsimula na ang klase namin dalawang linggo na ang nakakaraan. Nasa kiosk kami ngayon habang naka-tambay at naghi-hintay sa susunod na klase.
Inalis ko ang kamay ko sa aking mukha mula sa pagkakalumbaba at ngumuso. Umayos ako ng upo habang tinitingnan ko siyang umiinom ng juice.
“Ba’t ako magbo-boarding house, eh bahay ko rin naman ‘yong tinitirhan ko?” balik-tanong ko sa kanya.
Naikwento ko na rin sa kanila ang nangyari sa bahay namin. They were worried at me kaya hindi sila nauubusan ng pag-payo sa akin sa mga pwede kong gawin.
“Masama ang kutob ko diyan sa lalaki ng nanay mo. Parang hindi gagawa ng mabuti.” Sagot niya.
I sighed.
Hindi ko masisisi si Mitch kung ganoon ang tinuran niya. Simula rin kasi ng tumira si Peter sa amin ay hindi nakatakas sa paningin ko ang mga malagkit na titig niya sa akin. Lalo na kapag bagong gising ako at tanging shorts at sando lang ang suot ko.
Kaya simula noon, hindi ko na naisusuot ang ibang mga damit-pambahay ko. Madalas ay naka-jogging pants at t-shirt ako at pajama na rin ang suot ko kapag natutulog. Bumili rin ako ng heavy duty na door lock, na suhestiyon na rin ng mga kaibigan ko.
I did not tell all my worries about these things to Martin. Ayoko nang dagdagan ang iisipin niya. Saka na lamang siguro ako magku-kwento kapag hindi na siya naging abala.
“Alam mo…” sabat ni Edison. “Mura lang ‘yong binabayaran sa tinutuluyan namin. Kahit bed space na lang ang kunin mo.” Mungkahi niya.
“Ay, oo! Sakto lilipat sa ibang kwarto ‘yong kasama namin ni Karen. Pwede ka ro’n!” Mitch gladly suggested.
Nag-isip ako. Ang savings ko ngayon ay para sa pag-aaral ko lamang. Medyo nakaluwag-luwag din ako dahil inako nga talaga ni Peter ang gastusin sa bahay. Pero ang mga personal na kailangan ko ay ako pa rin ang bumibili. Lagi siyang nag-aabot sa akin ng ilang libo para raw may magamit ako pero hindi ko iyon tinatanggap.
“Magkano?” I asked.
“Five hundred pesos lang sa isang buwan. May dagdag na one hundred pesos sa bawat appliances na dadalhin mo. Sa amin kasi ni Karen, may dagdag ang binabayaran namin monthly dahil may dala kaming electric fan, plantsa, rice cooker at laptop.” Paliwanag ni Mitch.
Siniko ako ni Karen. “Magkakasama pa tayong apat.” She smiled and winked at me.
I chuckled at her remarks. Kahit sila ay natawa rin sa sinabi niya. Parang sila pa ang mas excited sa naiisip.
Pero kung magbo-boarding nga ako, kailangan ko talaga ng regular na raket. Hindi iyong naghi-hintay lang ako dahil buwanan na ang magiging bayarin ko. Isa pa, kahit inirekomenda ako ni Migs na ma-enlist sa scholarship, kailangan ko pa rin ng income para sustentuhan ang araw-araw na pangangailangan ko.
Iyon ang tumakbo sa isip ko sa buong mag-hapon. Nang matapos ang klase namin ay sandali pang nagyaya sila Karen na mag-meryenda ng fishball pero tumanggi ako. Kailangan kong magtipid dahil ikinokonsidera ko na talaga ang mangupahan para makaalis na sa bahay.
Kung hindi ko lang iniisip na maiiwan ko si Mama sa lalaking ‘yon, hindi sana ako nagpa-plano ng ganito.
“Pass muna ako, nagtitipid ako eh.” Tanggi ko.
Mitch just glared at me. Ngumuso naman ako sa kanyang naging reaksyon.
“Libre ko na! Basta lilipat ka na sa amin.” At saka siya bumunghalit ng tawa.
Masaya kaming nagku-kwentuhan ng kung anu-ano habang kumakain ng fishball hindi kalayuan sa gate ng school. Hindi pa rin sila matigil sa pangungumbinsi sa akin na sumama sa kanila sa inuupahan nilang kwarto.
“Siguradong mas masaya ‘pag ganon! Jamming jamming tayo sa rooftop ‘pag gabi habang naggi-gitara! Pwede rin tayong mag-group study!” sabi ni Edison.
“Hindi ka naman pwedeng pumunta sa building namin dahil lalaki ka! Pagagalitan ka ni Aunty Nena.” Sabi ni Karen sabay subo ng fishball.
Nilunok ni Edison ang nginunguya niya bago siya muling nagsalita. “Magpapaalam ako! Favorite ako no’n eh.”
“Oo kasi ikaw ang lagi niyang inuutusang mag-labas ng basura ‘pag araw ng koleksyon!”
Nagtawanan kaming tatlo ng makita naming napipikon si Edison sa panunukso namin sa kanya. I admit, I never had this kind of friendship before. It’s comforting to know that I have these people in my life now. Kahit papaano, may mga tao pa rin palang genuine ang pagpapahalaga sa friendship.
Kahit bago pa lamang kaming magkakakilalang apat, pakiramdam ko, hindi sila iyong tipong nang-iiwan sa ere.
Pinasakay pa nila ako sa tricycle bago sila umuwi sa kanilang boarding house. Habang lulan ako sa tricycle na iyon, kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa. I saw a text from Martin. Para akong nabuhayan ng dugo! Normally, hindi siya nakakapag-text sa akin sa ganitong oras dahil abala pa siya sa trabaho.
Agad ko iyong binuksan sa sobrang excitement.
Martin:
I have a surprise for you.
Namilog ang mga mata ko sa aking nabasa. Binalot ng kuryosidad at excitement ang sistema ko. Agad akong nagtipa ng reply sa kanya.
Ako:
Hindi na ako makapaghintay! :)
I send my reply. Saktong nakarating na rin ako sa bahay ng hindi ko namamalayan. Paano ba naman, ang atensyon ko ay natuon sa cellphone ko. Pagkatapos kong iabot ang pamasahe ko sa driver ay mabilis akong bumaba sa tricycle. Agad kong napansin ang pamilyar na magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng gate namin.
Kumalabog ang puso ko sa naiisip. Nandito siya! Bumalik siya sa akin!
Agad akong pumasok sa loob ng bahay para makumpirma ko ang naiisip. Nakita ko si Martin na nakaupo sa sofa habang kaharap niya ang mga kasama ko sa bahay. Nakaupo sa single sofa si Mama habang nakatayo sa tabi niya si Peter na nakahalukipkip at madilim ang tingin sa bisita ko.
Lahat sila ay natuon ang atensyon sa akin ng makapasok ako sa loob ng bahay. Umayos ng tayo si Peter bago siya ngumisi sa akin. Iwinaksi ko ang namumuong hindi magandang pakiramdam sa ginawa niya at itinuon ang atensyon ko kay Mama at Martin.
Tumayo si Mama at nilapitan ako habang nakasunod naman si Peter sa kanya.
“Aalis kami ni Peter. Bahala ka na rito sa bahay.” Walang ekspresyon niyang sinabi sa akin.
“Ano? Iiwan mo si Luna sa lalaking ‘yan?” Bulalas ni Peter sa kanya.
Mama glared at him. “Hayaan mo sila, malalaki na ‘yang mga ‘yan. Kung mag-aasawa na siya, mainam ‘yon para wala na akong pino-problema.” Inis na sagot niya kay Peter.
Mabilis niya kaming iniwan roon. Si Peter naman ang nagsalita at hinarap ako.
“Huwag kayong gagawa ng katarantaduhan dito ah?” mariing sinabi niya sa akin.
Muli niya kaming tiningnan ni Martin ng matalim bago siya umalis at sumunod kay Mama sa labas. Lumabi pa ako sa sobrang inis sa kanya. Nang ibinaling ko kay Martin ang aking tingin, I saw his dark stares outside our house, kung saan lumabas si Peter.
I cleared my throat to get his attention. Nakita ko kung paano magpalit ng ekspresyon ang mukha niya, mula sa madilim na tingin na ipinukol niya kay Peter ay naging maaliwalas iyon nang ako ang tingnan niya.
Mabilis kong tinanggal ang bag ko at inilipag iyon sa sofa. Lumapit ako sa kanya at dinamba ko siya ng mahigpit na yakap.
He chuckled at what I did. Naramdaman ko ang ilang beses na paghalik niya sa ulo ko. I let him do that while I hugged him tightly. Kahit hapon na, mabango pa rin siya.
“I miss you!” sabi ko na may tunog ng pagtatampo.
Hinayaan kong dumaloy ang frustration sa akin dahil sa pagdalang ng pag-uusap namin. Nangilid ang luha sa mga mata ko nang mapagtanto ko kung gaano ako nangulila sa kanya.
“That’s why I’m here. I miss you, too.” Aniya.
Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Nang tingnan ko siya ay nakangiti siya sa akin.
I noticed how stressed he is. He’s undeniably handsome but I can see in his eyes how tired he is. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang pisngi. I saw how he close his eyes, tila ninanamnam ang bawat haplos ko sa kanyang mukha.
“Mukha kang pagod…” ani ko.
Ginagap niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa kanyang labi para hagkan iyon. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin sa condo niya noon.
“Hindi na ba ako gwapo sa paningin mo?” tanong niya.
Hinila niya ako para makaupo kami sa mahabang sofa. When we settled there, his hand rested on my head. Iginiya niya iyon sa kanyang dibdib. He’s hugging me sideways. Yumakap ako ulit pabalik sa kanya dahil hindi ako nakuntento sa pagyakap ko kanina.
“Wala akong sinabing gano’n. Gwapo ka pa rin sa paningin ko. I just noticed how tired you look like.” Sagot ko.
Pinapasadahan niya ng haplos ang buhok ko. Nanatili kaming ganoon ng ilang minuto hanggang sa muli siyang nagsalita.
“I’m sorry for not attending you these past few weeks. I got so busy with everything.”
Bumuntung-hininga ako. “Ayos lang, naiintindihan ko naman.”
“I don’t want you to feel that I neglected you because of my work.”
Umiling ako. “Hindi ko naman iniisip ‘yon.”
Narinig ko ang malalim na pagbuga niya ng hangin. I felt his lips on my head. Suddenly, I noticed how intimate we are now. Naisip kong baka biglang bumalik si Mama at madatnan niya kaming nagyayakapan.
Pero kahit makita niya kami, I won’t mind.
“Luna…” muli siyang nagsalita.
“Hmm?”
“Pwede ka bang lumuwas ulit sa Maynila?” tanong niya.
Umahon ako mula sa pagkakayakap sa kanya at tuluyan na siyang hinarap.
“Bakit?” I asked.
“Someone wants to talk to you.”
Nangunot ang noo ko.
“Sino?”
“It’s your father.” Sagot niya.
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Nahanap na nila si Papa! Magkikita na kaming dalawa!
“P-pero…” Hindi ko matapos ang sinasabi ko ng maisip ang tungkol sa eskwela.
Mag-aabsent ba ako? Pwede rin akong magpadala ng excuse letter sa mga propesor ko para mabigyan ako ng konsiderasyon in case magbigay sila ng seat work o quizzes. Ipapasuyo ko na lang kila Mitch kung sakali.
Maiintidihan naman siguro nila ang magiging rason ko dahil matagal kong hindi nakita ang Papa ko.
“K-kailan daw? Kailangan ko pang magpaalam---“
“He wants to keep it secret, Luna. Ayaw niyang malaman ng Mama mo na magkikita kayo.” Putol niya sa akin.
Muli akong natigilan sa sinabi niya.
I wonder why he doesn’t want me to tell Mama about this.
Ano ba talaga ang totoong nangyari?
“I told him you’ll take this in your own terms.” Dagdag niya.
“Hah?”
“Tulad mo, Luna, he’s very eager to see you, too.” Sagot niya.
Nakokonsensya akong ilihim kay Mama ang tungkol dito. Alam kong mahal na mahal niya si Papa. Hindi siya masasaktan ng ganito kung hindi niya minahal ang Papa ko.
Tumango ako habang kagat ko ang aking labi.
“S-sige. Makikipagkita ako.”