CHAPTER 17

3410 Words
Luna     Wala na ring nagawa ni Martin nang mag-desisyon akong umuwi na sa amin kahit na may usapan kaming magse-celebrate ng birthday ko ngayon. Hindi ko man sinabi sa kanya ang tunay kong rason, may kutob akong may alam na siya sa nangyari kay Mama. Nadatnan ko pa siyang kausap ang sekretarya niyang si Ma’am Liza sa cellphone pagkatapos kong ayusin at hugasan ang pinagkainan namin sa kusina.   “Settle everything, Liza. I want her out within the day.” Aniya. Wala siyang kamalay-malay na nasa likuran na niya ako habang nakapamaywang siyang nakikipag-usap sa kabilang linya.   Nang maibaba niya ang tawag ay agad ko siyang tinanong.   “Sino ang kausap mo?” marahan kong tanong sa kanya.   Tumaas ang kilay niya at saka bumuntong hininga. “Let me settle everything, Luna. Please, I want to help you.”   He didn’t sugarcoat his answer. Iniisip niya sigurong tatanggihan ko ulit ang tulong na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa ilang pagkakataon na nangailangan nga ako ay pilit kong tinanggihan iyon.   Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking siko.   “Hayaan mong ako na ang umayos. Kung ikaw pa ang magbabayad ng piyansa, mauubos ang ipon mo.” Katwiran niya.   I suddenly realized that he’s right. Ang inipon kong pera ay para sa pag-aaral ko. Kung gagamitin ko iyon pang-piyansa kay Mama, wala na akong gagamitin para sa mga susunod sa buwan. Wala rin namang kasiguraduhan kung magiging madalas ulit ang pagyaya sa akin sa mga gig.   I raised my brows and gave him an inverted smile. Ano pa nga bang magagawa ko? It’s a big help for me, for us.   Kaso nahihiya ako sa ideyang sa tuwing nangangailangan ako ng tulong ay lagi siyang nandyan sa akin para saluhin iyon. I don’t want him to think that I am taking advantage on our friendship.   Friendship? We’re exclusive. But it does not guarantee that he’ll take me full responsibility. He’s not committed to me, gano’n din ako sa kanya.   “Salamat.” Tanging nasabi ko.   He smiled at me. He came closer and poked my nose.   “Good girl.”   We travelled by land. Hindi raw available ang private plane nila dahil gagamitin raw ng kuya niya pauwi sa lugar ng mapapangasawa niya. He said he could book a flight for us from a local airline but he didn’t. Okay lang naman sa akin iyon. Pasalamat na lamang ako dahil makakauwi ako ng maayos at hindi na kailangang gumastos. Isa pa, may oras pa ako para makasama siya.   Kung wala lang talagang nangyari kay Mama ay baka papunta na kami sa lugar na papasyalan namin, eh.   Magkatabi kami ngayon sa loob ng kanyang sasakyan. Kasama namin ang driver niya. Sa mga unang oras ay tahimik lamang ako habang nagmamasid sa mga lugar na nadadaanan namin. May mga pagkakataong sinasabayan ko ang mga kanta na naka-play sa radyo.   Narinig ko ang panaka-nakang pagtikhim ni Martin. Sa tuwing gagalaw siya o magsasalita ay agad akong napapalingon. Kapag nagtatama ang aming mga mata ay awtomatiko akong napapangiti sa kanya. Hindi iyon pilit but it’s awkward.   Palagay ko’y wala na kami sa Maynila. Nabasa ko sa mga ilang establisyimento na nasa isang probinsya na kami. I was busy looking and enjoying what I see from the outside when I felt Martin’s hand on mine.   I stiffened but was able to compose myself. Nilingon ko ulit siya at nadatnan kong nakatingin lamang siya sa kabilang bintana. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin. Tumaas ang isang kilay ko. He wanted us to hold hands.   I put my fingers in the spaces between his hand. His palms were hot and comforting. Nagmukhang maliit ang kamay ko sa laki ng kanyang kamay. He held it firmly na parang kakawala ako sa hawak niya.   Hindi naman kaila sa kanya na gusto ko rin siya, eh. We have mutual understanding. Gusto ko siya, gusto niya rin ako. Kaya kung hahawakan niya man ang kamay ko, wala iyong problema sa akin. Okay pa nga sa akin ‘yon!   Halos ayaw niya iyon bitawan. Kahit may mga tumatawag sa kanyang cellphone ay nanatiling magkahugpong iyon.   Umurong ako sa kanyang tabi, making our bodies got closer. Gusto ko siyang maramdaman. Gusto kong ganito lang kami sa buong magdamag.   Binitawan niya ang aking kamay at inakbayan niya ako nang madikit na ang balikat ko sa kanyang katawan. My face heated. Ako na ang gumagawa ng first move at wala na akong pakialam kung ano’ng isipin niya. I just want to be with him like this for the whole trip.   “Come here, baby.” Bulong niya sa akin. He pulled me closer hanggang sa parang niyayakap na niya ako. I felt comforted with his embrace. Nahanap ko ang magandang pwesto sa pagkaka-upo. Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.   I felt him kissing me on my head. I smiled. Ayaw ko ng matapos ang araw na ‘to.   Nang magtagal kami sa ganoong posisyon, nakaramdam ako ng antok. Ayaw ko sanang matulog dahil gusto kong i-enjoy ang mga sandaling naka-akbay siya sa akin habang nakayakap na ako sa kanya pero unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na mapigilan at natulugan ko na siya.     ***   Jigo     I woke up from the throbbing pain in my head. Tinanghali na ako ng gising. Damn, beers! Naparami ako ng inom kagabi.   Buong akala ko ay umuwi na si Luna sa kanila kaya I pushed through with my surprise for her. Pero ako ang nasurpresa nang malaman ko kay Migs na kasama pa rin niya ang lalaking iyon.   Instead of joining my friends after our gig, humiwalay na ako sa kanila. I cannot let them see me how lonely I am because she’s not with me.   I even planned a surprise for her. Pero dahil wala siya, itinapon ko na lang ang lahat ng hinanda ko. The bouquet of roses I bought for her, the food I personally prepared, and my gift for her.   I was furious last night. Wala pang gumawa sa akin ng ganito. Hindi ko pa ginawa sa ibang babae ang ganito.   Sa kanya lang.   Pero nawala ang galit na nararamdaman ko nang marinig ko ang boses niya. Even her giggles soothed me. Para niya akong nilalambing kagabi, kahit alam ko sa sarili kong tagilid ang tiyansa ko sa kanya.   Bumangon na ako para maligo. Wala akong balak lumabas ng bahay ngayon. Nagkalat sa loob ng kwarto ko ang mga basyo ng beer na ininom ko. I called our maid to clean the mess I did last night.   After I called, I took my phone to text her again. Pero nabuhay ang dugo ko nang makita ko ang isang text sa inbox ko.   She texted me!   I got so excited! Ganito ang epekto niya sa akin pero hindi siya aware doon.   I opened it immediately and read it.     Luna:   Good morning. Pauwi na ako. Lasing ka kagabi. Kung anu-anong pinagsasabi mo sa’kin.     Umiling ako sa nabasako. Hindi iyon kung anu-ano, Luna. All my words came straight from the heart. Lahat ng iyon, walang halong biro.   I called her twice but she didn’t answer. I shrugged my shoulders. Hindi bale, pauwi na rin naman siya. Makikita ko na ulit ang babaeng nagpapabaliw sa isip ko.   Nawala na sa utak ko ang planong magmukmok sa araw na ito. Nagbihis ako ng maayos. Pupunta ako sa bahay nila. Kahit si Aunty Melda lang ang maabutan ko, walang problema sa akin. Naging malapit na rin sa akin ang mama niya. Kahit ganoon ang sitwasyon nilang mag-ina, I know that Luna loves her so much.   Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa mesang nasa kwarto ko. I’m so excited to see her! Halos isang linggo rin kaming hindi nagkita. Miss na miss ko na siya!   Nilampasan ko na ang living area nang tawagin ako ni Daddy. Nilingon ko ang sofa. He was sitting there while reading a newspaper. Ibinaba niya ang dyaryong hawak niya at itinuon na ang atensyon sa akin.   “Can I talk to you, son?”   Mataman ko lang siyang tiningnan bago bumagsak ang balikat ko’t unti-unti ko siyang nilapitan. Umupo ako sa couch.   “Ano na ang plano mo ngayon sa buhay mo? Puro pagba-banda na lang ba ang aatupagin mo?” mariin niyang tanong sa akin.   “Dad---“   “Hindi kita pinagtapos ng pag-aaral para lang sa ganyan!” his voice raised a bit.   Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. Nagsisimula na naman siya sa araw-araw na litanya niya.   “Quit your band and start helping our family’s business.” He said firmly.   Napalingon ako sa sinabi niyang iyon. “I won’t do that.” I said.   I equaled his cold stares towards me. Nagtiim-bagang siya.   “Pwes, maghanap ka na ng trabaho mo. You don’t deserve to spend the money that comes from the business. Hindi mo iyon pinaghirapan. Man up and start working your ass up!” Marahas niyang tinupi ang newspaper at ibinagsak sa center table. Iniwan niya ako roong nagpupuyos ang dibdib niya sa galit sa akin.   Ngumisi ako bago isinandal ang katawan sa sofa. Hell, no. I won’t quit the band. This is my passion. Hindi ko gusto ang ma-involve sa negosyo ng pamilya namin. It’s not my thing.   Saka kung iiwan ko ang banda, hindi ko na makakasama si Luna.   Iyon lang ang tanging koneksyon namin sa isa’t-isa tapos aalis pa ako roon. Hindi. Hindi ko gagawin iyon.   Tumayo na ako para asikasuhin ang binabalak ko ngayong araw. I will surprise her. I can’t wait to see her. I miss her so much.   ***   Luna     Mabibining haplos sa aking ulo ang nagpagising sa akin. Nakatulog ako! At mukhang mahimbing at matagal pa dahil ramdam ko ang pamimigat ng mga mata ko. Ilang oras ba akong nakatulog?   Napagtanto kong nakatulog pala ako ng nakahiga. Naramdaman ko ang ulo ko sa isang hita ni Martin. He put a travelling pillow below my head. He was brushing my hair gently using his palm. I felt his breathing on my ears, too.   “Luna, wake up. We have to eat lunch.” He said softly.   Inalalayan niya ako sa pag-upo. Nasa parking area na kami ng isang native restaurant. Wala na roon ang driver niya pero buhay pa rin ang makina ng kanyang sasakyan. Inayos ko ang buhok ko. Kinapa ko rin ang mukha ko dahil baka tulo-laway pala ako nang makatulog. Nakakahiya naman sa kasama ko.   “Ilang oras akong nakatulog?” tanong ko.   He gave me a small smile. “Almost three hours. Nasa San Jose na tayo.”   Pati sa pagbaba ko ay nakaalalay pa rin siya sa akin. What a gentleman he is. Pinatay niya ang makina ng kanyang sasakyan at magkahawak-kamay kaming pumasok sa restaurant na iyon. I got curious nang hindi ko makita ang kanyang driver. Hindi ba siya sasalo sa amin sa pagkain?   “Nasaan si kuyang driver?” I asked him.   Matapos niyang makapag-order ay nilingon niya ako.   “He’s probably out there.”   “Bakit? Hindi siya kakain?”   “He’s done eating, baby.” He said.   Nangunot ang noo ko. Nauna nang kumain ang driver niya. Ilang minuto ba kaming nanatili sa loob ng sasakyan bago ako magising?   Just when I thought I realized something, ngumiti si Martin at pinaglaruan ang mga daliri naming magkahugpong ulit.   “We stayed another thirty minutes in the parking lot. Hindi kaya ng konsensya kong gisingin ka. I don’t want my baby to be disturbed in her deep slumber.”   Nag-init ang mukha ko sa sinabi niyang iyon. Pinaghalong hiya at guilt ang umatake sa akin. Kung bakit kasi hindi ko napigilan ang matinding antok eh!   He just chuckled and gently pinched my hot cheeks. Ramdam ko ang init no’n.   “You’re so cute, I wanna kiss you.” He said in between his chuckles.   Napanguso ako at lalong nag-init ang pisngi ko. I bet my face is as red as tomato!   We enjoyed our lunch. Kamayan style ang restawran na iyon. Naghimay siya ng isda at ibinigay iyon sa akin. He served me with my meals. Hindi ako nagpatalo at gumanti rin sa kanya. Pinagbalat ko siya ng hipon at inilagay iyon sa kanyang pinggan. Kulang na lang ay subuan niya ako sa tindi ng pagaasikaso niya sa akin.   Muli kaming bumyahe pagkatapos naming kumain at magpahinga sandali. This time, I regained my energy. Nagkulitan kami sa loob ng sasakyan. Kwentuhan at palitan ng jokes. Kahit si kuyang driver ay isinali namin sa usapan. We even watched a movie from his phone, of course, nang magkayakap.   We had another stop over because I felt dizzy when we reached another province. Its famous zigzag road made me nauseous. Mabuti na lang at hindi ako inabutan sa loob ng sasakyan kung hindi ay mangangamoy suka iyon sa buong byahe.   Martin calmed me inside his SUV. He put me again to sleep. But only I was half-sleep. Ramdam ko pa rin ang paggalaw ng sasakyan niya. Every time I flinch, he’s asking the driver to slow it down habang hinahagod niya ang ulo at pisngi ko.   At nang magising ulit ako ay pinakiramdaman ko ang aking sarili. I think I’m fine now. Hindi na kumukulo ang sikmura ko. Medyo madilim na rin sa paligid. Sa tingin ko’y nasa alas singko o alas sais na ng hapon.   Naramdaman ko ang bigat ng isang bagay sa tagiliran ko. I’m sure it was Martin’s hand. Nakapirmi lamang iyon sa kanyang baywang. Dahan-dahan akong bumangon at nakita kong nakatulog na rin pala siya. Nakasandal ang kanyang ulo sa head rest ng upuan.   I smiled while touching his face. His soft features dominated when he shaved his stubble. Ang gwapo talaga! Hindi nakakasawang pagmasdan. Gising, o kahit tulog man!   Inayos ko ang pagkakaupo ko. Kinuha ko ang maliit na unan at ipinwesto iyon sa aking hita. Dahan-dahan ko siyang hinila sa kanyang balikat pero naalimpungatan siya sa ginawa kong ‘yon.   “Humiga ka muna para makatulog ka ng maayos.” Ani ko.   Nakapikit pa rin siya habang pupungas-pungas. Tumalima lamang siya na parang bata at inihiga ang kalahati ng kanyang katawan sa upuan. Inayos ko ang kanyang ulo sa aking hita. Ako naman ang nagsawa sa paghagod sa kanyang malambot na buhok.   Muli akong nakatulog sa byahe at paggising namin ay tinatahak na ng driver ang daan ng siyudad namin.   Nag-ayos na agad ako ng aking sarili. Gabi na. The road is still busy. Hinawakan ni Martin ang kamay ko.   “Let’s have some dinner first. Pagkatapos ay ihahatid ka na namin pauwi.”   Umiling ako. “Kailangan ko ng umuwi, Martin. Kasi si---“   “Nakauwi na ang Mama mo. You don’t need to worry about her.” Putol niya sa akin.   Tiningnan ko lamang siya bago unti-unting tumango sa kanya. He fixed the mess my mother created. Thanks to him, really.   Kumain kami sa isang restaurant sa mall. Ipinagbalot din namin si Mama, in case she hasn’t eaten her dinner.   Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay habang tinatahak na namin ang daan pauwi sa amin. Parang ayoko ng umuwi.   Mami-miss ko siya. Sobra.   Namuo ang mga luha sa gilid ng mata ko nang maisip kong magkakahiwalay na naman kami. Uuwi na naman siya sa Maynila at sa cellphone na naman kami mag-uusap. Kung bakit kasi napakalayo ng lugar niya!   Pasimple ko iyong pinalis para hindi niya iyon mahalata.   Gusto ko lang na lagi siyang makasama. Laging nakikita. Laging nakakausap.   Maliwanag ang loob ng bahay ng tanawin ko iyon mula sa loob ng sasakyan niya. Bigla akong kinabahan. Haharapin ko na naman si Mama matapos kong mag-layas. Siguradong susumbatan na naman ako no’n dahil sa ginawa kong paglayas.   “Ihahatid kita sa loob.” Sabi niya nang mapagtanto kong hindi pa pala ako kumikilos.   Nilingon ko siya at saka umiling.   “Kaya ko ang sarili ko. Umuwi ka na sa tutuluyan mo, alam kong pagod ka na.”   Siya naman ngayon ang umiling. He pulled me closer for a tight hug.   “I can't leave you here without making sure you're okay.” Bulong niya.   Ang namuong lungkot ng pagngungulila sa kanya ay naghari sa puso ko. Hindi ko na napigilan ang mga luhang sunud-sunod na pumatak sa pisngi ko. Kahit marinig kami ng kasama namin ay hindi ko na iyon inisip pa.   I’ll miss him so much that I only wanted to stay beside him!   He hushed me pero hindi niya ako agad napatahan. Tuluy-tuloy ang pag-iyak ko. He comforted me for a while. I told him I’m gonna miss him big time. Na nalulungkot ako dahil magkakalayo na naman kami.   “I’ll miss you, too, baby.” He whispered. Pinahid niya ang mga luha sa aking pisngi. “Ayokong iwan ka rito but I know you wanted this. You wanted to be with your mother.” Pangungumbinsi niya.   Nang maging maayos ako ay bumaba na kami sa kanyang sasakyan. Pumasok kami sa loob ng bahay at nadatnan si Mama sa sala na tumatawa habang kakwentuhan niya si… Jigo?   Iginiya ko si Martin palapit sa kanila. Nag-mano ako sa kanya, gano’n din ang ginawa ni Martin. Mga matang nagtataka lamang at gulat na ekspresyon ang nakita ko sa mukha ni Mama habang madilim naman ang tingin ni Jigo sa kasama ko.   “Mama…” I said.   Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na maghaharap si Mama at Martin. Hindi ko mabasa kung ano’ng iniisip niya.   Ako na ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming lahat. Bumaling ako kay Martin bago nagsalita.   “M-Mama, si Martin po. Kaibigan ko. Martin, si M-Mama.” Mababa at garalgal ang boses ko nang magsalita.   Inilahad ni Martin ang kamay niya sa aking ina.   “Nice to meet you, Ma’am.” Magalang na bati ni Martin kay Mama.   Tiningnan lang ni Mama ang kamay niya bago dumako ang paningin niyang may halong kutya sa mukha ng lalaking walang ibang ginawa kundi ang masigurong maayos ako sa lahat ng pagkakataon.   My forehead furrowed at her. Why is she like that? That’s very rude of her! Walang ginagawa si Martin sa kanya pero heto siya’t sobrang taas ng ere kung tingnan ang kasama ko.   What’s worse is that Jigo chuckled. I lashed out my stares at him bago siya tumikhim at hindi na muling gumawa ng ingay.   Ibinaba ni Martin ang kanyang kamay nang hindi iyon tanggapin ni Mama. Iningiti lamang niya ang pagkapahiyang naramdaman niya bago bumaling sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti para mapawi man lang ang hiyang idinulot ni Mama sa kanya.   “Inihatid ko lang siya rito, Ma’am. Aalis na rin po ako.” Magalang na sabi niya.   Mama craned her neck at iminuwestra ang pintuan gamit ang kanyang ulo. “Sige.” Malamig na sabi niya.   Kumuyom ang kamao ko sa asta niya sa bisita ko. Nakakabastos na itong ginagawa niya.   Hinarap ako ni Martin at matamis na ngumiti. “I’m going now. Take care of yourself here.” He said.   Tumango siya kay Mama ngunit hindi niya pinansin si Jigo. Nang makalabas na siya sa bahay ay mabilis kong inilapag sa mesa ang pagkaing inuwi namin para kay Mama. Napansin ko ang nakahaing pagkain doon. May cake pa at softdrinks. Pero hindi ko na iyon binigyan masyado ng pansin dahil gusto ko lamang habulin si Martin.   Matalim na titig ang ipinukol ko sa dalawang taong nasa sala bago ako lumabas para habulin si Martin na ngayon ay palabas na sa gate namin. Tumigil siya nang marinig ang boses ko at humarap siya sa akin. I ran to him and gave him a tight hug. Sinuklian niya lamang iyon habang hinahagod ang aking likod.   Humikbi ulit ako at isinubsob ang aking mukha sa kanyang katawan.   “Please don’t leave me, Martin. Please don’t leave me.” Sabi ko at saka muling umiyak ng umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD