Chapter 2

3313 Words
Summer's POV Kinusot 'ko ang mata 'ko nang magising ako. Napakunot-noo ako ng hindi 'ko mahanap si Penelope. Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon? Napatingin ako sa oras ng cellphone 'ko, 6:30pm. Agad akong napatayo ng maalala 'kong ihahatid nga pala ang gamit namin. Agad akong lumabas ng dorm room namin at bumaba hanggang sa lounge. Marami ng estudyante ang nasa lounge at nakatambay. Hindi 'ko na lamang pinansin ang mga tinginan nila at nagpatuloy sa paglabas ng building. Hindi naman gano'n kalayo ang parking lot sa building kung na saan ang dorm. Kaya naman narating 'ko kaagad ito. Kakaunti na lamang ang estudyanteng nasa labas kaya walang sagabal. Napakunot-noo ako ng hindi 'ko nakita si Penelope sa parking lot. Nando'n na ang driver na naghatid ng bagahe namin. Nagpaalalay ako sa kanya para maiakyat ang mga gamit namin. Hindi naman ito gano'n karami at kabigat kaya hindi na kami nahirapan iakyat ito. Umupo ako sa kama ng matapos naming iakyat ang mga gamit namin. Hanggang ngayon wala pa rin si Penelope, saan naman kaya nagpunta 'yon? Kanina pa ako nagtetext sa kanya, pero kahit tuldok ay hindi nito ginawang ireply. Hindi 'ko alam pero umusbong ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Ayoko mang mag-isip ng kung ano-ano ngunit hindi 'ko mapigilan. Nasa loob kami ng eskwelahan, kaya alam 'kong safe kami. Pero bakit kinakabahan ako ng ganito? "Huwag naman sana..." Nagpasya akong bumaba para hanapin si Penelope. May curfew kasi sa dorm namin, kailangan before 8pm ay nasa loob na kami ng dorm building. Kakaunti na lamang ang nakikita 'kong estudyanteng naririto. Ramdam 'ko pa rin ang kakaibang tinginan ng mga ito sa akin. Pero mas nanaig ang tingin ng isang tao sa akin. Nasisigurado 'kong pareho ito at ang taong nagmamasid sa akin kanina. Hindi 'ko pinahalata ang kabang nararamdaman 'ko. Kung sino man ito, nasisigurado 'kong maling tao ang binabantayan niya. Hindi 'ko man alam kung sino ito at ano ang pakay, nasisigurado 'kong hindi mabuti ang kailangan nito. "AAAAAHHHH!" Napahinto ako sa paglakad ng makarinig ng sigaw. Mas lalo akong kinabahan dahil do'n. Inilibot 'ko ang tingin sa paligid, wala ng estudyante sa gawing ito. Nasa field ako. Ramdam 'ko ang lamig ng hangin na humahaplos sa balat 'ko na siyang mas lalong nagpakaba sa akin. Napatakbo ako sa direksyon kung saan 'ko narinig ang sigaw. Mula itong sumigaw, mas malakas ito kumpara kanina kaya naman nasisigurado 'kong malapit na ako sa kinaroroonan nito. Habang palapit ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba, kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isipan 'ko. Hindi pa man ako nakakalapit ay natatanaw 'ko na ang kumpulan ng mga estudyante. Binilisan 'ko ang paglakad hanggang sa marating ang kumpulan nila. Halos matumba ako sa takot ng tuluyan itong matanaw. "Oh my god..." ang kaninang kabang naramdaman 'ko ay napalitan ng takot. Isang bangkay ang nasa harapan 'ko ngayon. Walang dugo ang paligid ng katawan, kung titingnan ay maiisip 'kong nagpatiwakal ito. Ngunit hindi, bakit mapupunta sa harap ng building na ito ang bangkay kung magpapatiwakal? Pansin din ang kakaibang symbolo sa noo nito. Napatingin ako sa paligid ng mapansin ang kakaibang kinikilos ng mga estudyante. Wala silang emosyon! Walang mababakasan ng takot sa kanila. Kahit pa nasa harap nila ang bangkay! Bakit sila ganito? "I told you..." nagtaasan ang balahibo 'ko ng marinig ang pamilyar na boses. Bumulong ito sa akin. "... hindi niyo alam ang pinasok niyo." Napatingin ako sa kanya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, halos magdikit ang mga mukha namin sa lapit nito. Napaatras ako dahil do'n. Hindi 'ko alam kung anong mararamdaman 'ko. Takot, kaba, inis at galit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman 'ko. At hindi 'ko alam kung paano magrereact. "B-bakit?" natatakot 'kong tanong dito. Imbis na sagutin ay tumitig lamang ito sa akin. Seryosong-seryoso, malayo sa lalaking nakita 'ko kaninang umaga. "Leave..." mahinang sambit nito habang nakatitig sa akin ng seryoso. "Iyon lamang ang magagawa ninyo. If you don't want to end up like him..." iniwas nito ang tingin at tumitig sa bangkay ng lalaki. Hindi 'ko na nagawang sumagot dito. Pinakatitigan 'ko na lamang ito hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Muli 'kong ibinalik ang tingin sa bangkay ng lalaki. Ngayon ay mga tao ng nag-aayos sa katawan nito. Nanghihina man ang aking tuhod ay wala akong nagawa kundi ang maglakad palayo. Punong-puno ng tanong ang isip 'ko. Hindi pa rin natatanggal ang kabang nararamdaman 'ko. Ngayon pang hindi 'ko pa nakikita si Penelope. Muli 'kong inilibot ang paningin 'ko. Nasaan na ba siya? Inilabas 'ko ang cellphone na nasa bulsa 'ko. Dinial 'ko ang number nito. Nakailang ring pa bago niya tuluyang sagutin. "Yeoboseyo?" sambit nito ng sagutin ang tawag 'ko. [ Translation: Hello?] "Odi issoyo?" bakas ang pag-aalala sa boses 'ko. [ Translation: Where are you? ] "I'm in the dorm right now. I should be the one asking you that." "Mworagoyo? You're not in the dorm earlier that's why I'm searching for you!" inis 'kong sambit dito. "Huwag kang aalis diyan, papunta na ako." [ Translation: what? ] Agad 'kong binaba ang tawag at nagmadaling pumunta sa dorm. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa dorm namin. Doon ay nakita 'ko si Penelope. Nakaupo siya sa kama niya at tulala. Agad akong umupo sa harapan noon, sa kama kung saan ako natulog. "Where did you go?" inis 'kong tanong dito. "Naglibot," mahina nitong saad. Napakunot-noo ako. "Did something happened? Bakit ka tulala?" nag-aalalang tanong 'ko rito. Hindi ako nito pinansin, nanatili siyang nakatitig sa kawalan. Kahit pa nasa harapan niya ako, para bang invisible lang ako. "M-may problema ba? Bakit hindi ka nagsasalita?" Mas lalo akong kinabahan ng biglang tumulo ang kanyang luha. Humagulgol siya dahilan para mapayuko siya. Hindi 'ko maintindihan ang nararamdaman 'ko. Nalilito ako, hindi 'ko alam paano magrereact. This isn't my first time na makita siyang umiiyak. It's just that, I can see that something happens. Umupo ako sa tabi nito at bahagya siyang niyakap at nilapit sa akin. Hinawakan 'ko ang baba nito at hinarap sa akin. "Talk to me, Penelope. Tell me what happened, hmm?" "I..." muli itong lumuha. "... I can't..." humagulgol itong muli. Niyakap 'ko siya ng mahigpit. "... I didn't saw anything... I can't remember anything... oh god..." hinarap 'ko siya sa akin, hindi 'ko maintindihan ang sinasabi nito. Wala akong maintindihan sa nangyayari. Ano bang nangyayari sa kanya? "Summer! I'm scared!" "Hey... hey..." pagtawag pansin 'ko rito. "It's fine. Everything will be fine. I'm here, okay? I won't leave you. Tell what happened to you para matulungan kita." "I can't!" Bahagya akong nagulat ng mamutawi ang galit sa kanyang mukha. Unti-unti itong nawala at napalitan ng lungkot at takot. Nang makarecover ay agad 'ko siyang niyakap. Humagulgol siyang muli sa balikat 'ko. Wala akong magawa kaya hinayaan 'ko siyang makatulog habang umiiyak sa balikat 'ko. K I N A B U K A S A N ... Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Penelope. Nang magising ako kanina, tulalang mukha niya agad ang nakita 'ko. Nakatulala siya sa pader kung saan nakadikit ang kama 'ko. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga at kausapin siya kahit hindi niya ako sinasagot. Pumunta kaming cafeteria. Kinakausap 'ko pa rin siya pero ni-isang salita ay hindi manlang niya ako sinasagot. Hindi rin ito kumain kahit nasa harap na niya ang pagkaing in-order 'ko para sa kanya. Nahihirapan akong makita siyang ganito. Wala rin akong ideya kung anong nangyari sa kanya. Blangko ang isipan 'ko ng mga ideya tungkol don. Wala akong magawa kung hindi bumuntong-hininga habang nakatitig sa kanya. Nang matapos kumain ay agad kaming pumunta sa building ng mga high school student. Hanggang ngayon ay hindi 'ko pa rin maintindihan. Parang wala lang sa kanila ang nangyari kagabi. Bakit parang wala silang pakialam? Para bang sanay na sanay na sila sa gano'n. Dumating ang lecturer namin at panay pa rin ang tingin 'ko kay Penelope. Nakatulala lang siya kahit pa nagdidiscuss na ang lecturer namin. Halatang walang pumapasok sa isipan niya. Mabuti na lamang at hindi siya napapansin ng lecturer namin, sa mismong blackboard kasi siya nakatitig kung titingnan para siyang nakikinig pero ang totoo ay hindi. "Mister Maxillian, bakit ngayon ka lang?" Naagaw ng atensyon 'ko ang pagsasalita ng lecturer namin. Tinutukoy niya iyong seatmate 'ko. Wala kahit anong reaksyon ang mukha niya, nakatingin lang siya kay Penelope na ngayon ay nakayuko na. Napakunot-noo ako, may kinalaman ba siya sa nangyari kay Penelope? "I'm sorry, I'm late," iyon lang ang sinagot nito sa lecturer namin at naglakad na papunta sa pwesto niya. Napailing na bumalik sa pagtuturo ang lecturer namin. "Did something happened to you friend? She looked like she saw a ghost," napatingin ako kay Maxillian ng magsalita ito. Nakangisi siya sa akin, nakakainis na klase ng ngisi. "Anong pakialam mo?" inis na bulong 'ko sa kanya. "Nothing, I just want to ask. Maybe I can help you?" nakangiti man ay mababakasan ito ng pagiging seryoso. "Stop asking. Wala ka namang maitutulong," walang pakialam 'kong sambit sa kanya. Muli 'kong itinuloy ang pakikinig sa lecturer namin. "Just don't run to me when something happen," bulong nito dahilan para mapatingin ako sa kanya. Muli niya akong tinitigan ng seryoso. "I don't what happened to her. Hindi niya ako kinakausap simula kagabi," mahinang sambit 'ko rito. "Wala akong ideya sa nangyari sa kanya. Wala naman siyang sinasabi." Ngumiti lang siya at itinuon ang paningin sa lecturer namin. Napanganga ako habang nakatitig sa kanya. Bakit siya ganito? Ang weird niya! Hindi 'ko na lang siya pinansin ang binalik ang tingin sa lecturer. Natapos ang dalawang subject namin. Inaya 'ko si Penelope pero humindi siya. Ilang beses 'ko pa siyang pinilit pero hindi na siya sumagot sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang bumaba mag-isa. Binilisan 'ko na lamang ang pagbili at pumanhik pabalik sa classroom namin. Doon ay napansin 'kong wala si Penelope. Inilibot 'ko ang paningin, napasilip ako sa corridor ngunit wala siya. Saan na naman nagpunta?! Akmang tatawagan 'ko na si Penelope ngunit napatigil ako ng may mapansing kakaiba. May papel sa ibaba ng upuan ni Penelope. Kapirasong papel, nang pulutin 'ko ang ito ay wala naman akong nakitang nakasulat doon. Naipasok 'ko ang papel sa loob ng bulsa ng isa-isang nagdatingan ang mga kaklase 'ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang maupo sa pwesto 'ko. Hindi ako mapakali habang nagdidiscuss ang lecturer namin. Patingin-tingin ako sa pwesto ni Penelope. Kinakabahan ako pero wala akong magawa. Kung ano-anong pumapasok sa isip 'ko pero wala akong magawa. Pagkatapos ng nangyari kagabi, nasisigurado 'kong kahit nasa loob kami ng paaralan ay hindi kami ligtas. Wala akong pruweba, ngunit nararamdaman 'ko. Idagdag pa ang kakaibang kinikilos ng mga estudyante sa paligid 'ko. Mas nakadagdag ng kabang nararamdaman 'ko iyon. Natapos ang dalawang subject at hindi pa rin bumabalik si Penelope. Ipinasok 'ko na lamang sa isipan 'ko na baka nasa dorm lang siya. Pero hindi nawala ang kabang nararamdaman 'ko. Kahit anong isipin 'kong positibong ideya, hindi pa rin natatanggal ang kaba 'ko. Puno ng takot ang puso 'ko. Nang madismiss kami ay agad akong lumabas ng classroom. Unti-unting naglabasan ang mga estudyante. Wala akong pakialam sa mga tinginan ng mga ito dahil mas nananaig ang kagustuhan 'kong makita si Penelope. Pumunta ako agad sa dorm room namin pero hindi 'ko siya nakita. Walang bakas na nanggaling siya roon. Agad 'kong kinuha ang cellphone ni Penelope at dinial ang number niya. Napalibot ako sa buong kwarto, hinahanap kung saan nangagaling ang tunog. Doon ay nakita 'ko ang cellphone ni Penelope, nasa ilalim ng kama. Ibig sabihin ba ay nanggaling na siya rito? Agad akong lumabas ng kwarto, kailangan 'kong mahanap si Penelope. Baka kung ano ng nangyari sa kanya! Hindi 'ko man gustong mag-isip ng masama pero hindi 'ko maiwasan! Lalo pa't alam 'kong hindi kayang umalis ni Penelope ng wala ang cellphone niya. At isa pa, paano mapupunta ang cellphone niya sa ilalim ng kama? Marami-rami na ang estudyante sa labas ng dorm building. Lahat sila ay nakatingin pa rin sa akin pero kahit isa sa kanila ay wala akong pinansin. Nanginginig ang mga tuhod 'ko pero wala akong pakialam. Iisa lang ang naisip 'ko, iyon ay kailangan 'ko siyang mahanap. Hindi ako matatahimik knowing na wala siya sa tabi 'ko. Napahinto ako ng may mapansing kakaiba. Ramdam 'ko ang dalawang matang nakatingin sa akin. Doon 'ko lang napansin na wala ng estudyante rito, nasa bandang field ako. Mapuno sa bandang ito ng eskwelahan. Ramdam 'ko ang malakas na hangin na dumampi sa aking katawan. Inilibot 'ko ang paningin para tingnan kung may tao ba sa paligid. Ngunit wala. Kahit isang bakas ng tao ay wala. Ako lamang ang nandito, nakatayo sa gitna ng field. Napalingon ako sa gilid na bahagi 'ko ng makarinig ng kaluskos. Sa sobrang takot ay napatakbo na lamang ako. Ramdam 'ko pa rin ang pagsunod ng kung sino sa akin. Hindi 'ko mapigilang mapatingin sa likuran 'ko. Abot-abot ang kabang nararamdaman 'ko. Palinga-linga rin ako sa paligid dahilan para mapansin 'kong hindi 'ko na alam ang parteng ito ng eskwelahan. Puro mga puno at dahon ang nakikita 'ko. Hindi 'ko na alam saan pupunta! "AAAAAHHHH!" sigaw 'ko ng may mabangga ako. Napaatras ako para tingnan kung sino ito. At laking pasasalamat 'ko dahil dito. "What are you doing here?" inis na tanong ni Maxillian sa akin. Hindi 'ko nagawang sumagot, patuloy na tumulo ang luha 'ko. Ramdam 'ko panghihina ng tuhod 'ko, kung hindi lang ako nito hawak sa magkabilang braso ay malamang nasa lupa na ako at nakaupo. "There's someone following me..." umiiyak 'kong sambit. Hindi 'ko alam kung naintindihan nito ang sinabi 'ko dahil nahihirapan akong magsalita. "Help me, please." Hindi 'ko alam kung tama ang nakita 'ko pero ang kaninang inis sa mukha ay napalitan ng pag-aalala. Gulat man nang yakapin niya ako ngunit mas lalo akong napahagulgol dahil do'n. Walang pumapasok na kahit ano sa isip 'ko. Masyado akong napupuno ng takot, nauunahan ng takot ang isip 'ko. "Maxillian!" napatanggal ng yakap si Maxillian sa akin ng may sumigaw. Boses lalaki iyon. "Ooops, hindi 'ko alam na abala ka pala sa love life mo, hehe. Pasensya," nakataas ang dalawang kamay nito na animo'y sumusurrender. Napakunot-noo ito nang makita ang itsura 'ko. Malamang ay puno pa rin ng luha at kung ano-ano sa mukha 'ko. "La? Bakit ka naman nagpapaiyak ng babae, Max? Tsk." "Shut up, Hobi!" inis na asik ni Maxillian sa kaibigan. Pamilyar siya sa akin dahil isa siya sa nakita 'ko kahapon na kasama ni Maxillian sa cafeteria. "H-hindi 'ko siya pinaiyak kaya manahimik ka!" muli nitong sigaw sa kaibigan dahilan para matawa ito sa kanya. Hindi na ito pinansin ni Maxillian, muli akong napatingin sa kanya ng iharap niya ako sa kanya. "Tell me what happened. Dadalhin ka muna namin sa quarters namin. Okay?" Wala akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya. Wala akong naiintindihan, anong quarters ang tinutukoy niya? Naguguluhan man ay wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Tahimik kaming naglalakad sa gitna ng mapunong parte ng eskwelahan. Nakaalalay pa rin si Maxillian sa likuran 'ko. Kasama rin namin ang dalawa pa niyang kaibigan. Huminto kami sa isang lumang classroom. Hindi naman sira ang labas no'n pero bakas ang pagiging luma nito. Madumi ang pader at may kaunting sira ang pinto at bintana. Nang makapasok kami, isang sala set ang bumungad sa amin. May isang pinto sa loob, marahil ay para sa cr. Malaki ito at maganda, ibang-iba sa labas. Mukhang bago ang loob samantalang mukhang luma ang labas. May mini kitchen din sa loob at may mini fridge. "Maupo ka muna rito," sambit ng isa sa mga kaibigan ni Maxillian. Nahihiya akong naupo sa isang upuan na nando'n. "Oh, I'm Clarkson Perez." "Summer. Summer Kim," nahihiyang pagpapakilala 'ko rito. Bahagya siyang nagulat dahilan para mas lalo akong maguluhan. "Speak," napatingin ako kay Maxillian na seryosong nakatingin sa akin. "Tell us everything. Even a single detail." Napalunok ako. Kinakabahan ako sa sobrang seryoso nito. "My friend..." pag-uumpisa 'ko, napatingin ako sa kanila bakas ang pagtataka sa mukha nila. "She's missing," ayon na naman ang luhang nagbabadyang tumulo. "Hindi 'ko alam kung anong nangyari sa kanya or kung may nangyari man. Kahapon, bigla na lang siyang nawala sa dorm room namin. The next thing I know hindi 'ko na siya makausap ng maayos." "Sinabi niya ba sa'yo kung bakit?" tanong ni Hobi sa akin. Umiling ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Wala siyang sinabi kahit ano. Hindi 'ko siya makausap, puro lang siya iyak. Para bang may nangyaring masama sa kanya." "Wala siyang sinabi kahit ano?" kunot-noong tanong ni Clarkson sa akin. "Anything that can make her more suspicious?" "Suspicious of what?" naguguluhan 'kong tanong. Napatingin ako sa kanila ng mapatigil si Clarkson. Bumuntong-hininga ako ng wala akong makuhang sagot sa kanila. "When I asked her if something happen, she told me that she can't tell me. She told me she didn't saw anything even though I didn't asked her. She told me she can't remember anything, and that she's scared." Muli akong napatitig sa kanilang apat. Si Hobi at Maxillian ay para bang nag-uusap sa isipan nila. Habang si Clarkson naman ay titig na titig sa akin. Yung titig nito para bang ineexamine ako ng buhay. Napayuko naman ako dahil do'n. Hindi 'ko kayang makipagtitigan sa kaniya. "You should go home," napataas ako ng tingin kay Maxillian ng tumayo ito. "B-but what about Penelope?" "What about her?" kunot-noong tanong ni Maxillian. "M-mwo?! You guys won't help me find her?" naiinis na tanong 'ko rito. Kung gano'n, bakit pa nila ako pinagkwento? Bakit pa nila ako pinapunta rito? Kung ang oras na tinagal 'ko rito ay ginamit 'ko para maghanap baka malamang ay may ideya na ako sa nangyari sa kanya. "We'll help you tomorrow," simpleng sambit ni Clarkson. Katulad ni Maxillian seryoso rin itong nakatingin sa akin. "You should go home. It's late. May curfew pa sa dorm niyo. Ihahatid na kit--" "Ako na," napatingin akong muli kay Maxillian ng magsalita ito. Napaiwas naman ako ng tingin ng magtama ang paningin namin. Lumabas kaming dalawa ng sabay. Sobrang dilim na labas, muli 'kong naalala ang nangyari kanina. Halos pagtayuan ako ng balahibo dahil do'n. Naiwan sa loob ang tatlo habang si Maxillian lamang ang kasama 'ko. "Yung sinabi mo..." napatingin ako sa kanya ng basagin niya ang katahimikan sa pagitan namin. "Huwag mong sasabihin kahit kanino ang bagay na sinabi mo sa amin." "B-bakit?" Huminto siya at tumingin sa akin. "Sundin mo na lang ang sinabi 'ko," bakas ang inis sa tono nito. Ang bilis naman maubos ng pasensya niya. "Kahit sinong lumapit sa'yo, kahit sinong magtanong sa'yo ay huwag mong sasabihin ang bagay na 'yon." "I... I don't understand..." napapahiya 'kong sambit. "You need to be careful. Habang hindi pa natin nahahanap ang kaibigan mo. Habang hindi pa natin alam ang nangyari sa kanya no'ng gabing 'yon," sambit nito sa akin. Maglalakad na sana siya ng pigilan 'ko siya. Tumingin siya sa akin, napakunot-noo ito at tumingin sa kamay 'kong hawak ang braso niya. Napapahiya 'ko namang tingnan iyon. "G-gusto 'ko lang itanong..." humugot ako ng hininga bago tuluyang magtanong. "Y-yung nangyari kagabi..." "Kalimutan mo na 'yon," seryosong sambit nito. "Kalimutan mo na, na parang wala kang nakita." "Bakit?" "Huwag ka ng magtanong. Sumunod ka na lang." "Bakit ba ayaw mong sagutin ang mga tanong 'ko?" inis na tanong 'ko rito. "May tinatago ba kayo?" Napaatras ako ng ilapit niya bigla ang mukha niya sa akin. "Dahil masasaktan ka lang 'pag nalaman mo," seryoso nitong sambit. Hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin, napayuko ako dahil do'n. "Ikaw..." "A-ano'ng ako?" "Ikaw... Anong tinatago mo?" Tanong nito dahilan para mapatitig ako sa kanya. Ang tingin niya, para bang gusto niyang sagutin 'ko ang tanong niya, na parang hindi. Para bang hinuhuli niya ako. Para bang alam niya ang lahat sa akin. Ang tinging iyon... Ang nagpakaba sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD