Claire bumaba ka jan!
rinig Kong sigaw nang aking ama Mula sa baba.
mabilis naman akong bumaba Nakita kong hawak hawak nya Ang nabasag Kong figurine..
dad I'm so sorry diko sinasadya na masagi ko kanina at nabasag.
hinawakan nya ako sa buhok di mo ba alam kung ilang taon ko tong iningat Ingat ha!
babasakin mo lang Wala kanang tamang ginawa dito.
pinuwersa nya akong pinadaba sa sofa.
at mabilis inalis Ang kanyang sinturon at agad na hinampas sa akin.
Tama na dad sorry na po.
dad tama na po paulit ulit Kong pakiusap mas Lalo nya pang nilakasan Ang hampas.
jusko Roberto maawa ka sa bata..
wag mong kunsintihin tong alaga mo sigaw ni dad Kay Yaya.
huminahon ka di ko kinukunsinti Ang akin lang di nya naman sinasadya figurine lang Yan halos patayin mo na yang bata.
ilayo mo Yan baka tuluyan ko na yang mapatay nagdadabog na umakyat sa taas si dad
namimilipit ako sa sakit at habdi..
Halika iha at aalayan Kita papuntang silid mo.
panay Ang Aray ko Bago kami nakarating sa aking silid.
Yaya bakit po Ganon si dad sa akin samantalang pag si Robert Ang nakabasag ok lang sa Kanya ni Minsan diko Nakitang napalo O napagalitan sya ni dad.
wag kanang umiyak intindihin mo nalang Ang dad mo baka may Problema lang sa negosyo O pagod sa trabaho.
sandali lang kukunin ko lang Ang medicine kit para magamot ko yang mga sugat mo.
halos diko maigalaw Ang buong katawan ko sa manhid.
Aray Aray Ya... natatawa kong reklamo.
tingnan mo tong bata na to sa lagay mong ito nakuha mo pang tumawa.
umpisa lang Naman masakit Ya...kaya ko Naman.
naiiyak ako pero pinilit Kong maging malakas sa harap ni Yaya..
Anak Ok lang na umiyak di mo Kailangan pigilan ilabas mo naiindintihan Kita.
Ya... Maraming salamat simula pagkabata ko palagi Kang nasa tabi ko.
Walang ano man Mahal Kita at para na rin kitang Anak.
diko alam Ya.. Ganon nalang ba Ang Galit sa akin ni dad parang lagi akong may Mali Laging may kasalanan.
maiintindihan mo rin balang Araw Anak...
sya Bago pa tayo malunod sa ating luha.. bababa na ako.
dito kalang at wag ka muna magpapakita sa daddy mo.
dadalhin Kita nang pag kain mamaya.
salamat Po Ya..