Chapter 5

1941 Words
MAINGAY NA UMAGA ang bumungad sa akin bago ako pumasok sa school ay naabutan kong nagtatalo sina Mommy at Daddy sa may salas. "Adam!" malakas na pagkakatawag ni Mommy sa pangalan ni Daddy. "Wifey, huwag please.." Imbes na mag-alala ako ay napahagikgik ako sa pagtawa. Nakakatawa kasi ang itsura ni Daddy habang nagmamakaawang huwag ihampas sa kaniya ni Mommy ang walis-tambo. "Damzel," kalmadong tugon ni Mommy nang makita niya ako at tila napaayos sila ng p'westo saka agad ibinaba ni Mommy ang hawak niyang tambo. Napapahagikgik pa rin akong lumapit sa kanila. "Anong ginagawa niyo, mi? Naglalaro?" sarkastikong ani ko. Napabuntong-hininga si Mommy at inirapan lang si Daddy. "Princess, wala lang 'to, tinotopak lang itong mommy mo," ani Daddy. Napangisi ako. Alam kong may malalim na dahilan kung bakit naabutan ko silang ganiyan. "Sus! Nagawa pang magsinungaling!" iirap-irap na tugon ni Mommy. Napailing na lang ako at nagsimulang magtungo na lamang sa may kusina at kumuha ng makakain. "Wifey naman please, wala lang naman 'yon, e. Ikaw talaga.." "Anong ako?!" Hindi maiwasang marinig ko ang patuloy na bangayan nila. Bagama't wala naman na akong plano pa na alamin kung ano ang dahilan ng pagtatalo nila. Pero tila natigilan silang muli nang dumaan ako at nilampasan ko lamang sila paakyat ng kuwarto upang kumuha ng bath towel. Pagkababa ko ay kalmado na ang mga itsura nila at pilit ninanakawan ng yakap ni Daddy si Mommy. Hindi ko maiwasan na kiligin sa kanila. "Damzel." Narinig kong pagtawag sa akin ni Daddy nang madaanan ko silang muli. "Yes, di?" "Sumabay ka na sa akin sa pag-alis para maihatid kita." Napangiti naman ako sa suhestyon niya na iyon dahil tila ngayon lang ulit ako maihahatid ni Dad. "Okay po." Masyado na kasi siyang busy sa pagtatrabaho kung kaya't medyo nawawalan na siya ng time para sa akin. Wala naman kasi akong mas nakababatang kapatid kaya medyo boring talaga rito sa bahay kapag walang pasok. Pagkahatid pa lamang sa akin ni Dad ay sinalubong naman ako ng sorpresa ni Joe, 'yung hindi ko inaasahan na unang taong bubungad sa akin sa pagsisimula ng araw ko. At siyempre, todo suporta sa kaniya ang pinsan niya na kaibigan kong si Miles. "Napakaganda mo sa umaga," aniya nang magkalapit kami. Panay kantiyawan naman ang kaniyang mga kasama na sa tingin ko ay nasa second year high school na rin. "As always naman," kaswal kong sabi. "For you." Ini-abot niya ang kumpol ng bulaklak na kagaya noon ay madalas ko lang na itapon. Hindi dahil sa ayaw ko kung hindi dahil baka makita pa nina Mommy at Daddy! Isipin pa nila ay may manliligaw na ako, kahit ayoko pa naman talagang magpaligaw. "Salamat," tanging sabi ko. Napakamot siya sa kaniyang batok pagkasabi ko no'n at pasimpleng kumuha ng gitara. Ginalaw niya ang kurdon niyon kaya nagbuga ito ng isang kaaya-ayang tunog. ? Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka.. Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba.. Medyo natawa ako sa lyrics ng kinanta niya pero hindi ko maiwasan na madala dahil sa ganda ng kaniyang boses. At mayroon pa'ng dalang mga rosas.. Suot nama'y maong na kupas.. Ay na'riyan pa ang barkada, Nakaporma't nakabarong sa storyang nagwawakas sa pag-ibig na wagas.. Nasa ganoong sitwasyon kami nang matanaw ko si Allen sa hindi kalayuan. Doo'y biglang nag-flashback sa akin ang mga salitang huling sinabi niya. Tiningnan kong muli si Joe, mukhang masayang-masaya siya sa ginagawa niya. Napayuko ako dahil hindi ko maiwasang mainis sa aking sarili kung bakit ko siya sinasaktan. Bakit hindi ko siya magawang magustuhan kahit ang daming dahilan para magustuhan ko rin siya? At natigilan siya sa pagkanta nang bumagsak ang hawak-hawak kong bulaklak na bigay niya habang nangingilid ang aking luha. "Damzel?" Halos hindi ako makapagsalita sa sunud-sunod nilang tawag. Para lang silang mga bubuyog na nagbubulungan habang ako ay patuloy sa pag-iyak. At isang salita ang sinabi ko para malinawan na siya sa nararamdaman ko, "Joe, I'm sorry." Ang ngiting kanina lang ay nakita ko sa mga mata niya ay napalitan ng kalungkutan. At sa huling pagkakataon ay muling bumagsak ang luha ko-- dahil para akong tinusok ng isang daang beses sa puso ko sa sumunod na sinabi ko, "Itigil mo na 'to, dahil hindi kita gusto at kahit kailan ay hindi kita magugustuhan.." "I'm really sorry, I just wanted to be true." Mga katagang tanging sinasabi ng isip ko. My tears were couldn't stop from falling while he was walking away. Hanggang sa matanaw ko na lang ang malungkot na mukha ni Joe habang nakatingin siya sa kawalan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gustuhin ko mang bawiin ang sinabi ko ay huli na ang lahat. "Binasted mo siya?" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. At hindi nga ako nagkamali dahil siya nga ang nasa tabi ko ngayon. Tipid akong napatango at saka nagsalita, "Bakit ang sakit para sa'kin na masaktan ko siya? Even when I don't have any feelings from him." He just gazed at me and smiled while saying, "Don't you remember what I have said to you last time?" "Of course not," mariing pagtanggi ko. At magkasabay pa naming binigkas ang mga katagang, "Mas matagal, mas masakit." Pareho kaming nagkangitian matapos na sabihin 'yon. Wonder how we became close after the day that he visits in our house. - Tuliro pa rin ako sa kawalan matapos ang nangyari, isipin ko pa lang kung gaano iyon kasakit para kay Joe ay parang paulit-ulit na tinutusok ng kutsilyo ang puso ko. "Damzel, okay ka lang?" Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Miles. Kakatapos lang ng first subject kung kaya't pansamantala akong nagpahangin sa may corridor. Napalingon ako kay Miles. Alam kong siya ang mas naaapektuhan ngayon sa nangyari kanina. Dahan-dahan akong napatango habang pinagmamasdan ang naglalakarang mga estudyante na natatanaw ko sa may ground floor. "Gusto mo bang gumala mamaya?" pag-iiba niya ng usapan. "No, Miles. Salamat." napabuntong-hininga siya at agad na tinawag si Strawberry na kakabalik lang galing sa comfort room. "Strawberry!" Mabilis naman itong nakalapit sa amin. "Oh? Anong nangyari? Akala ko ba magiging okay ka na dahil binasted--" "Shut up," pagputol ko sa sasabihin niya. Kaagad nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil sa buong akala niya ay madadaan niya na naman ako sa kasarkastikuhan niya. "...I'm sorry." "Si Allen oh, paparating.." Tila agaw atensyon naman na sabi ni Miles. Inginuso niya pa ito at bumungad nga sa harapan namin si Allen. "Feeling better?" Hindi ako nakapagsalita. Bakit pa siya nagpunta rito? Gayong nagka-usap naman na kami kanina. Ngumisi siya habang binibigyan kami ng kakaibang tingin ng dalawa kong kaibigan. "Sinabi ko naman sa'yo, mas maigi na ang biglaang sakit kaysa sa paunti-unti.." Napaawang ang bibig ni Miles at hindi namin inaasahan ang sasabihin niya, "So, ikaw pala ang nag-impluwensya kay Damzel para basterin ang pinsan ko?!" Hindi maitatagong hinanakit ni Miles, naiintindihan ko siya kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya nang marinig ang sinabi ni Allen. "Miles--" Naputol ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Allen. "Sinabi ko lang kung ano ang mas mabuting gawin, desisyon na 'yon ni Damzel," seryosong aniya na nagpaawang muli ng bibig ng kaibigan ko. "Pero nasaktan nang sobra ang pinsan ko," halos mapaluhang sabi ni Miles. Kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang lapitan si Miles at yakapin. "I'm so sorry, Miles, I'm really sorry.." pagsusumamo ko. Agad naman akong bumitiw sa yakap na iyon at huli na nang malaman ko na umiiyak siya at-- sinalubong niya ako ng isang sampal dahilan para mapahawak ako sa pisngi ko. "Hindi ko inaasahan na magagawa mo 'yon, Damzel.. kaibigan kita, pinagkatiwalaan kita sa lahat ng desisyon mo.. umasa ako na magbabago ang pananaw mo sa pinsan ko, pero anong ginawa mo? Mas pinili mong sundin ang taong kailan mo lang nakilala.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Namumula na ang mata niya dulot ng pag-iyak. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang umiyak at nakita ko na lang na hinarangan na ako ni Allen sa harapan ni Miles. "Bata pa lamang kami ay magkakilala na kami ni Damzel kaya huwag mong sasabihin na kailan niya lang ako nakilala." Napaawang muli ang bibig ni Miles at kamukat-mukat ay agad itong kumaripas ng takbo. Sinubukan ko siyang habulin pero agad akong pinigilan ni Allen at maging ni Strawberry. "Kung hindi ka naiintindihan ni Miles, ako, naiintindihan kita.." halos mapaluhang ani Strawberry. "Salamat, Strawberry." At doon ko lang naramdaman ang mahigpit na pagkakahawak sa braso ko ni Allen. "Tumahan ka na," aniya nang lingunin ko siya. Binitiwan niya ako at hinayaan akong mapunasan ang aking luha. Hindi kami nagpansinan ni Miles hanggang sa matapos ang buong araw. Alam kong hindi niya pa rin ako naiintindihan pero mas mabuti na siguro ang palipasin ko na muna ang inis niya kahit na hindi ako sanay. Kinalaunan ay hindi ko inaasahang makikita ko sa terminal si Allen habang kasama ko si Strawberry. "Mauna na ako, Damzel," pagpaalam niya nang makakita siya ng jeep na papunta sa kanila. "Sige, mag-iingat ka, bye." Ngiti na lang ang isinagot niya sa akin. "Oh, Damzel!" tawag pansin naman ni Allen kahit nakita ko na siya kanina. "Uy, pauwi ka na rin ba?" "Siyempre, saan pa ba ako pupunta?" tila pilosopong aniya. "Sus, baka lang naman kasi may date ka pa!" natatawang sagot ko. Agad na sumilay ang ngisi niya. "Date?! Ha-ha-ha! Wala kaya akong girlfriend," natatawang aniya at halos mapaawang ang bibig ko dahil buong akala ko ay may girlfriend siya. "Sus-- ah, e, 'di ba boyfriend ka raw no'ng Lorraine?" tila panunukso ko sa kaniya. Agad naman tumulis ang nguso niya. "'Yan ka na naman, e. 'Di ba sinabi ko na sa'yo na nag-i-ilusyon lang 'yon? At isa pa, hindi ako magkakagusto sa katulad no'n." "E, kung gano'n may iba kang gusto? Ayieee!" tila natatawa ko na namang sabi. At halos mamula naman ang pisngi niya sa panunukso ko. "Wala ka ng pake ro'n!" seryosong aniya at saka pumara ng jeep. "Uy, sandali lang! Iiwanan mo ko rito?" Napanguso siya bago pa man nagsalita, "Halika na." Sumunod na rin ako sa kaniya hanggang sa makaupo kami sa jeep. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang sumungit dahil sa panunukso ko. Parang may allergy siya sa ganoong topic, how weird. Magkatabi kami sa jeep habang pinapakinggan ang napakalakas na soundtrip ni manong. Dudukot na sana ako ng barya sa aking bulsa pero agad niya akong pinigilan. "Ako na." Sabay abot niya ng bayad namin sa driver. "Seryoso ka?" nagtataka kong tanong. Parang ngayon ko lang kasi naalala na nanlibre siya ng pamasahe simula elementary namin. Tipid siyang natawa. "Oo nga, teka, wala ka bang wallet?" Napalingon naman sa amin ang ilang pasahero dahil sa malakas na boses niya. "Hindi ako gumagamit no'n," seryosong sagot ko. Wala, e, na-trauma ako na gumamit no'n magmula nang palagi akong nahuhulugan ng wallet. Huli na nang malaman ko na tawa siya ng tawa sa sinabi ko. "Oh bakit? Anong nakakatawa 'ron?" "Ha-ha-ha!" halos makapigil niyang tawa. "Tse!" pang-iirap ko sa kaniya hanggang sa matanaw ko na ang kanto ng village namin. Patayo na sana ako nang hawakan niya ako sa braso. "Uy, galit ka ba? Sorry na.." aniya subalit inirapan ko lang siya at tuluyan nang bumaba. Hindi ko na nagawang lingunin pa ang jeep na sinakyan namin, alam kong simpleng bagay lamang iyon para mainis ako pero ewan ko ba pero may parte sa akin na parang nahihiya ako nang malaman niya 'yon. Magdidilim na rin ang kalangitan nang makauwi ako at hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin nang makaakyat ako ng kuwarto ni Mommy. Isang Diary? Kanino 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD