Note: May maseselang salita. Rated Espiji. PAGKATAPOS NG pangyayaring iyon ay pinilit kong iwasan na muna si Allen. Pero tila nakikipaglaro sa akin si kupido dahil habang tumatagal ang mga araw na hindi namin nakikita ang isa't isa ay mas lalo ko siyang nami-miss. Kaya naman isang araw ay hindi ko na napigilan ang aking sarili nang magkita kami. Araw iyon ng linggo at walang pasok kaya nagpaalam kami kina Mom at Dad na lalabas kami at magsisimba. Pero ewan ko ba kung bakit habang nasa simbahan kami ay parang gusto ko na siyang papakin ng yakap at halik. "Diyos ko, patawarin mo po ako kung ako'y nagkakasala sa harapan mo," pagdadasal ko sa aking isipan. Nang matapos ang misa ay kumain kami sa labas at in-order ko ang paborito kong fries at pizza. Si Allen naman ay um-order ng pasta at f

