NASA apartment ni Samuel si Nathalie at tinutulungan itong ayusin ang mga pinamili nila kanina. Nagbukas din siya ng bagong account. Ngunit iyon ay wala pang laman. Kinakailangan niyang mas kumayod sa trabaho para hindi mabangkarote ang resort ng kanyang LoloDad. Napagdesisyonan muli ni Nathalie na bumalik sa isla para asikasuhin ang kanyang huling ari-arian. "Good luck with your first day Bulky," she said and smiled broadly at her friend. "Salamat, sya nga pala tuloy pa rin ang plano mo?" anito. She nodded "Kailangan ko na mag trabaho, wala ng natira sa akin kundi ang isla na lang. At alam naman natin na napapabayaan na ang Isla simula noong nawala si Lolo Dad kaya kakailanganin ko bumalik sa Isla upang isaayos ang lahat." "Dadalaw na lang ako, dalawang beses sa isang buwan, Alam ko

