Kinain namin ng sabay ni Zieg yong cake na binake ko, buti nalang hindi siya nag reklamo kasi masarap naman yong cake. "Babalik na ako sa mansion pagkatapos nating maubos' to" naka ngiting sabi ko habang nginunguya yong cake Nasa desk niya kami kumain. Magkatabi kaming dalawa. Kahit kumakain siya ng cake nasa loptop parin yong tingin niya kaya minsan susubuan ko nalang siya dahil sa sobrang busy niya kakatitig sa loptop. Hindi ko naman maintindihan yong mga naka sulat sa screen dahil puro numero at bar graph ang nandon kaya nakaka dugo ng utak kong anong mga yon, pero nakakasiguro ako na about business ang ginagawa niya. "Zieg, nakikinig ka ba? Sabi ko uuwi na ako pagkatapos nating kumain nitong cake" ngumuso ako at sumimangot. Di niya kasi ako sinagot dahil sa kakatitig niya sa loptop

