Chendal POV Hanggang ngayon napapa-isip parin ako kung bakit kami lumipat ng bahay ni Zieg. At paanong nangyaring may kaparehong mukha si Zieg. Kamtuntikan na niya akong mapatay non, kundi ko lang naamoy ang Imortal niyang amoy, ang lobong amoy niya napatay na siguro niya ako ngayon. Kahit papaano nagamit ko rin pala ang ginawang training namin ni Zieg. Pero ang nakakakilabot baka gagawa pa sila nang impostor na mukha at gamitin laban sa amin o laban sa akin para makuha nila ako. No way! posible kayang mangyari yon? Hindi ko parin alam kung ano ang sadya ng mga lobo sa akin. At bakit gusto nila akong kunin. "Your mind is busy...Can you share that to me " Napakurap-kurap ako at binalingan ng tingin ang lalaking walang ka emo-emosyon ang mukhang naka titig sa akin. Senenyasan niya ak

