Silence devour the whole dim hall of Alpha quarter, tanging mga yabag ng mga sapatos nila Warren at ng kanyang kasama ang maririnig, lahat ng taga-pag silbi ay nakahilira sa gilid naka-sout lahat ng itim na cloak na may simbolo ng kalansay na dragon sa loob ng bilog. May nakasindi rin na asul na apoy sa bawat torch. "Leader Sunjin may iuulat kami sa inyo," Yumukod agad ang dalawa ng makalapit sa kinauupuan ng kanang kamay ni Cedi. Kasalukuyan ngayon nakahimlay sa itim na ataul na nasa gitna ng malawak na silid na iyon ang kanilang panginoon. "Warren, Warren sana naman ay magandang balita na iyang hatid mo sakin," Brusko na wika ni Sunjin na may mga babaeng bayarin ang nakapulupot sa kanya. "Baka isa itong magandang balita para sa inyo Master nagising na po ang babae, ihahanda na po ba

