Jacob's POV Inayos ko ang pag-upo ni Ash, natawa ako kasi tulo laway sya. "Jacob," tawag pansin ni Warren sakin kahit hambog at swapang ang lalaking 'yan, may mabuti syang kalooban kaso nga lang nakatago. "This is our chance, dalhin na natin yan--" I gestured my hand to shut his mouth. "Sumunod ka sa deal nya, kilalanin mo sya ng husto Warren tiyak maghihinayang ka rin sa gagawin mo," Night falls at ang malamig na simoy ng hangin ay pumapasok sa loob ng train. "Tss, bahala ka!!" Singhal nya umirap lang ako. Nagdadalawang isip din ako sa desisyon ko, paano kung biguin ako sa pangako ng amain ko? Basta gagawin ko ang lahat mabigyan ulit ng normal na buhay si Ashure. "Bakit ba importante sayo ng babaeng yan? Kaano-ano mo ba sya?" Gusto ko na mapikon, sa daming tanong ng lalakeng ito.

