Chapter 6

2101 Words
Ada’s Point of View Flashback “Mukhang close na kayo ng gwapong kaibigan ni Kuya Loki,” nanunudyong pansin ni Jane sa akin nang makita niyang bumalik ako sa Cabin at inihatid ako ni Nik. Namula kaagad ang mukha ko sa panunudyo ni Jane at umiwas ng tingin sa matalik na kaibigan saka nagmamadali nang pumasok sa loob ng Cabin pero sinundan siya papasok ni Jane at umupo sa kama na inupuan ko. “Papasa siyang maging unang lalaking wawasak sa iyong kabirhinan,” nakangising sabi pa rin ni Jane dahilan para manlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. “Ano ka ba! Kung anu-ano na naman iyang lumalabas sa bibig mo!” sita ko kay Jane. “Bakit? Huwag mong sabihing ibibigay mo iyan sa lalaking hindi mo naman kilala na pakakasalan mo? Paano kung saksakan pala ng pangit iyon? Ibibigay mo iyan na sa ganoong tao?” “Oo. Asawa ko naman na siya dahil ikinasal kami!” tugon ko. “Pero hindi mo siya lubusang kilala! Kung tutuusin hindi mo na dapat pahalagahan ang kasal niyo dahil hindi mo naman kagustuhan ang kasal na iyon! Iyong taong iyon nga hindi nag-effort na makipagkita at makipagkilala sa’yo ng pormal para bago man lang sana kayo ikasal ay kahit paano kilala niyo na ang isa’t-isa! Ikakasal ka sa taong hindi mo kilala at hindi mo alam kung may pag-asa bang magugustuhan niyo someday ang isa’t-isa! Wala naman akong kahit anong nilihim kay Jane patungkol sa pagpapakasal ko at nasabi ko rin sa kaniya na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang lalaking mapapangasawa ko dahil hindi pa rin siya pormal na nakikipagkita sa akin. I'm going to marry a stranger, and I don't even see a picture of him because he looks so private when it comes to his life. Napabuntonghininga si Ada at inalis sa pag-iisip ang nalalapit niyang kasal saka muling tumuuon kay Jane at inisip ang mga pinagsasabi niya sa akin. “Hindi ko rin naman lubusang kilala si Nik para ibigay ko sa kaniya ang sarili ko—“ “Mabait na tao si Nik ayon kay Kuya Loki, saka hindi pa ba sapat na iniligtas ka niya para sabihing mabait siya?” tugon ni Jane sa akin na hindi man lang tinapos ang sasabihin ko. “Paano ko naman gagawin iyon? Iaalok ko sa kaniya na mag-s_x kami kahit hindi ko naman alam kong interesado ba siya akin? Parang ang desperada ko naman kapag ganoon?” tanong ko sa kaibigan. Napangisi naman si Jane na ipinagtaka ko. “So, pumapayag ka kung sakaling interesado siya sa’yo?” tanong ni Jane sa akin. “H-hindi ko naman sinasabi na pumapayag ako sa sinasabi mo—“ “Aminin mo na kasi! Lahat tayo may landi sa katawan kaya ayos lang iyan, Ada. Huwag ka nang umastang Maria Clara diyan,” natatawang tugon ni Jane sa akin. “Oo. Aamnin ako na hinahangaan ko si Nik, kasi nakita mo naman na gwapo siya at hindi lang iyon. Mabait, gentleman at masarap kausap kaya sino ba naman ang hindi magkaka-interes sa kaniya?” amin ko. Natawa si Jane sa pag-amin ko dahilan para lalong mamula ang buong mukha ko at inis na tumayo sa kinauupuan saka naglakad patungong maleta at naghanap ng masusuot na bagong damit. “Hayaan mo dahil gagawa ako nang paraan para magkaroon ng katuparan iyang hinahangad mo at sinisigurado ko na si Nik ang makakawasak sa iyong perlas ng silangan,” nakangising tugon ni Jane sa kaniya. “Kahit sabihin mo pang magkaroon kami ng pagkakataon ni Nik, ay hindi ko pa rin ibibigay sa kaniya basta na lang ang virginity ko! Nakakahiya naman na ipakita ko sa kaniya na parang desperada akong ibigay kanino na lang ang sarili ko,” tugon ko. “Huwag ka nang mag-inarte riyan! Gwapo at hunk naman makakauna sa’yo kaya wala kang pagsisisihan. Mamaya iyong mapapangasawa mo ay pangit at mataba pala pagsisisihan mo pang hindi mo naibigay kay Nik iyang nilulumot mong perlas,” nakangising tugon ni Jane. Inis na binato ko kay Jane ang damit na nakuha sa maleta pero tinawanan lang niya ako sa ginawa ko saka kumuha muli ng damit at nagpalit na ng damit sa banyo. Kinabukasan ay nagulat ako dahil pinuntahan kami ni Jane nina Loki at Nik at niyaya nila kami na sumakay sa yate na inupahan daw ni Loki para makapamasyal sa karagatan. Nakadama pa ako ng hiya dahil halatang pinagpa-partner kami ni Jane ni Nik at hindi pa ako nakakasagot kung pumapayag ba ako sa pagyayaya ni Loki at Nik sa amin o hindi ay sumagot na kaagad si Jane at sinabing sasama sila. Ngayon ay nasa yate na kami at si Loki at Jane ay nag-iihaw ng isda para pananghalian namin habang kami ni Nik ay inutusan ni Jane na mag-ayos ng mesa at plato kutsara na gagamitin namin sa pagkain. “Ang kulit ng kaibigan mo. Mukhang umaastang kupido siya at gumagawa ng paraan para makapagsolo tayong dalawa,” natatawang sabi ni Nik dahilan para mapatingin ako sa kaniya at alam kong namula na ang mukha ko. “H-hindi naman,” tanggi ko. “Hindi ba? So, nag-a-assume lang ako na gusto ng kaibigan mo na magkamabutihan tayo?” tanong ni Nik sa akin. “Sayang gusto pa naman kita,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa binata. Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Nik at napahinto ako sa ginagawa ko. Ngumiti sa akin si Nik saka inayos ang mga plato sa mesa ganoon na rin ang kutsara at mga baso. “Papayag ka ba kung yayayain kitang mag-date bukas? May magagalit ba kung sakali?” tanong ni Nik sa akin habang abala siya sa ginagawa. “W-wala namang magagalit,” tugon ko. Tumingin si Nik sa akin at ngumiti. Bakas sa mukha niya ang saya sa narinig na sinabi ko. “Wala kang boyfriend?” tanong niya. “W-wala.” “Pero ikakasal na ako,” dagdag na sagot ng isip ko pero hindi ko na iyon nailabas sa bibig ko dahil ayaw ko naman mabago ang ngiti sa labi ni Nik kapag nalaman niyang ikakasal na ako sa lalaking hindi ko naman kilala. “So, can we date?” tanong ni Nik sa akin at tumitig na sa mukha ko. “Oh, sige,” tugon ko. Nakadama ako ng kilig sa pag-aya sa akin ni Nik at nakalimutan kong bigla na ikakasal na ako kaya pumayag ako na makasama sa isang date ang binata. Siguro mabuting sundin ko ang pinayo sa akin ni Jane lalo pa at si Nik naman ang unang lumapit at nagsabing gusto siya nito at niyaya pa ako. Pero hindi ko naman naiisip na pati ang katawan ko ay ibibigay na lang basta kay Nik, habang nandito at may isang gwapong lalake na gusto akong makasama sa date at hinahangaan ko rin naman ay papayag na ako at lulubus-lubusin ko na habang hindi pa ako kinakasal sa isang lalake na hindi man lang nag-aksayang makipagkita ako sa personal. “Oh my God! Niyaya ka ni Nik makipag-date?” kinikilig na bulalas ni Jane sa akin matapos kung maekwento sa kaniya ang pagyayaya sa akin ni Nik sa akin. “Huwag kang maingay! Baka marinig tayo ni Nik at ng Kuya Loki mo!” sita k okay Jane. Nasa loob naman sina Nik at Loki at sila ang nagmamaneho ng yate habang nag-uusap at kami naman ni Jane ay nasa main deck ng yate at pinagmamasdan ang malawak na karagatan habang umaandar ang yate ng marahan. “Ano? Pumayag ka ba?” tanong ni Jane sa akin at kitang-kita ang excitement sa mukha niya. “Oo,” tugon ko. Malapad na napangiti si Jane sa tugon ko at mas mukhang tuwang-tuwa siya sa date namin ni Nick. Masaya rin naman ako at kahit paano ay magagawa ko ngayon ang dating iniiwasan ko kahit pa may paghanga ako sa mga lalaking nagyayaya sa akin dati. Tumatanggi ako noon dahil gusto ko munang tapusin ang pag-aaral ko at noong nakapagtapos naman ako ay nagsipag naman ako sa trabaho ko sa kompanya namin bilang isa sa mga may nakakataas na posisyon. I hoped that Papa would notice all my efforts and let me do what I wanted, especially when choosing a man to marry. However, I was wrong because, until marriage, Papa still decided who I would marry and didn't just ask me if I would agree or not to what he wanted. “Dapat maganda ang susuutin mo sa date niyo at kaakit-akit ka dapat—“ “Jane!” sita ko sa kaibigan at dahil din sa sinabi niya ay biglang bumalik sa reyalidad ang isip ko. “Bakit? First date mo iyan dahil ngayon mo lang naisipang pumayag kaya dapat paghandaan!” diin ni Jane sa akin. “Dapat dahil first at maaaring last mo na rin na makipag-date sa ibang lalake ay gawin mo na ang lahat ng best mo at magpaganda ka.” Bigla ay hindi ako nakapagsalita at napaisip dahil tama rin naman ang sinabi ni Jane na first date ko ito at maaaring last na rin kaya mas mabuti ngang mag-effort ako para sa date naming ito ni Nik. “T-tutulungan mo ba ako, Jane? Alam mo namang wala akong alam pagdating sa susuutin sa date o hindi kaya sa pag-aayos sa sarili,” sabi ko. Malapad na ngumiti muli si Jane at nangingislap pa ang mga mata niya na mukhang may magandang naisip. Kinabahan tuloy ako dahil baka hindi ko magustuhan ang ipapasuot at ang ayos na binabalak niya sa akin. Buong maghapon kami sa yate at kung hindi nag-ikot-ikot ang yate sa dagat ay huminto naman iyon sa gitna ng dagat para makapag-swimming o mamingwit kami ng isda. Masaya ang ginawa naming ngayong araw dahil masayang kasama si Loki at Nik ganoon din si Jane na hindi nauubusan ng kwento sa kanila. Nang sumapit ang hapon ay naisipan na nilang bumalik sa pangpang at nilapitan kaagad siya ni Nik. “Mamaya sunduin kita sa cabin niyo ni Jane,” sabi ni Nik sa akin. “S-sige,” payag niya. Ngumiti si Nik sa kaniya kaya kitang-kita ko ang puti at pantay na mag ngipin niya at ang saya sa kulay brown niyang mga mata. Ang gwapo talaga ni Nik, kahit anong anggulo ay hindi maitatago ang ganda niyang lalake at kahanga-hanga na napakabuti rin niyang tao. Hindi mayabang kagaya ng ibang lalake na alam nila kung gaano sila kagandang lalake. “Excited ako sa date natin mamaya,” nakangiting sabi ni Nik sa akin. Gusto kong mapangiti ng abot-tenga dahil sa sobrang kilig na nadarama pero pinigil ko lang iyon at baka hindi ako magandang tignan sa paningin ni Nik at umayaw siya sa date namin dahil sa pangit kong ngiti kung nagkataoon. Sayang naman kung mapupurnada ang date namin dahil lang ngumiti ako ng nakakatakot. “A-ako rin,” tugon ko habang pinipigil ang malapad na ngiti at kilig ko sa buong katawan. Para akong teenager ngayon sa pakiramdam ko at na-realize ko na ang kilig pala ay hindi lang para sa mga bata at teenager kundi sa kahit anong edad ng taong makakaramdam niyon at hindi kalandian at kaartehan ang tawag doon kundi pakiramdam na hindi mapipigila nino man. “May dream date ka ba na gusto mong gawin natin para naman mapaghandaan ko at hindi ako mapahiya sa’yo mamaya?” tanong sa akin ni Nik at napakamot pa sa batok at mukhang nahihiya pa. Hindi ko na napigilang matawa sa nahihiyang mukha ng binata. “Kahit mag-date lang tayo sa tabing dagat. Simple lang ay ayos sa akin basta pinag-effot-tan,” nakangiting tugon ko. Napangiti si Nik at mukhang nakahinga siya ng maluwang sa sinabi ko. “Sige, puntahan mo na si Jane at mukhang inaantay ka na,” tugon niya. “Mamaya pagsisikapan kong maging maganda at masaya ang date natin at iyon tipong mauulit muli ang date nating iyon,” nakangiting tugon ni Nik sa akin. “Sa tingin ko ay hindi ko talaga makakalimutan ang date na mararanasan ko sa’yo mamaya,” nakangiting sabi ko naman. “Ikaw kasi ang unang lalaking hindi ko tinanggihang makipag-date sa akin,” amin ko sa binata. Nagulat si Nik na napatingin sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya. “Sige na, Nik. Kita na lang tayo mamaya,” paalam ko sa kaniya. “Oo,” tugon niya. Tumakbo na ako palapit kay Jane na may ngisi sa labi habang nakatingin sa akin saka sabay na silang naglakad patungo sa cabin na tinutuluyan naming dalawang magkaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD