Chapter 18

2089 Words
Ada’s Point of View Isang linggo na naming kasama sa bahay si Verona at wala naman naging problema na nakasama namin siya dahil mabait naman talaga ang dalaga at wala akong naging problema sa ugali niya. Napansin ko ngang malapit talaga si Nikola at Verona at masaya silang laging nag-uusap. Napapansin ko rin ang mga effort ni Verona para kay Nikola at pinaglulutuan pa niya si Nikola ng agahan at baon sa trabaho na hindi ko nagagawa sa sarili kong asawa. Masaya si Nikola kapag nag-uusap sila ni Verona at kapag ibinibigay ng dalaga ang niluto niyang pagkain sa asawa at ang saya sa mga mata ni Nikola ay nakita niya noon sa La Union noong magkasama sila, na matagal ko nang hindi nakikita. Nakakaramdam ako ng lungkot dahil palagay ko ay hindi magtatagal ay magugustuhan ni Nikola si Verona at hindi magiging katulad namin ang pagsasama nila Verona at Nikola sa oras na ikinasal sila sa Spain at tuluyan na kaming maghiwalay. Napabuntonghininga ako habang nakaupo sa upuan sa shop at nakatingin sa pader na salamin at kita ang labas ng shop. Marami akong taong nakikita na naglalakad at sasakyan na dumadaan pero hindi sa kanila nakatutok ang isip ko kundi sa mga taong wala naman sa lugar na ito. “Ada.” Nagulat ako sa tumawag sa pangalan ko at nakangiting si Loki ang nalingunan ko na nakangiti sa akin saka umupo sa upuang kaharap ko. “Mukhang malayo ang iniisip, ah?” pansin niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya. “Oo, ang dami ko pa kasing dapat asikasuhin,” pagsisinungaling ko. “Napadalaw ka? May bibilhin ka bang vase o product dito?” usisa ko. “P’wede rin,” tugon niya. “Pero nandito ako para kausapin ka,” aniya. Nagtaka akong napatingin kay Loki na may ngiti pa rin sa labi saka sumandal na sa sandalan ng sofa at prenteng nakaupo doon. “Kinausap ako ni Jane at pinakiusapan na tulungan ko raw kayo na maiahon ang negosyo niyo kaya nag-isip ako ng maiaalok sa’yo at sa Papa mo,” umpisa ni Loki. “Hala! Sinabi pala talaga sa’yo ni Jane iyan?” gulat na tanong ko. “Ang babaeng iyon talaga! Nakakahiya naman sa’yo,” nahihiyang sabi ko. “Bakit ka mahihiya? Magkaibigan din naman tayo saka wala naman akong hihingin na kapalit at hindi rin tayo magpapakasal,” natatawang tugon ni Loki. Natawa na rin tuloy ako sa biro ni Loki. “Pero kung papakasal ka, why not?” hirit pa niya na ikinahinto ko ng pagtawa. “Just kidding,” bawi ni Loki sabay kindat. “Pinapakaba mo naman ako, Loki,” natatawa kong tugon. “Masiyado ka kasing seryoso kanina habang nakatingin sa kawalan kaya iniiba ko lang ang vibe rito sa maliit mong mundo at mamaya ay pag-uusapan natin kung paano ako makakatulong sa negosyo niyo,” nakangiting paliwanag ni Loki sa akin. “Pinag-aralan ko ang naging problema ng negosyo niyo kaya bumagsak at madali na lang iyon maiahon para sa akin. Mag-i-invest na rin ako sa kompanya niyo at kung gusto niyong bayaran ang perang ginamit ko sa investment ay kahit paunti-unti, hindi naman ako magmamadali—“ “No need for your help, Loki. I can solve the problem of my wife's father's company.” Nagulat na napatingin ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko na si Nikola iyon at seryosong nakatingin sa akin. Napalingon si Loki sa gawi ni Nikola at napangiti sa kaibigan pero seryoso pa rin si Nikola. “Pre, nandito ka pala?” gulat na tanong ni Loki. “I just visited my wife,” tugon ni Nikola kay Loki. “Ikaw? What are you doing here, and why are you talking about investing in Ada's Dad's company? Didn't she tell you that I was taking care of that?” usisa ni Nikola kay Loki. “Hindi ko alam. Jane spoke to me and asked me if I could help Ada's Dad problem with the business, and as her friend, I would help as much as I could,” tugon ni Loki kay Nikola. “Hindi na kasi nagkausap muli ni Jane tungkol sa negosyo ni Papa na inaasikaso na ngayon ni Nikola at hindi ko nasabi sa kaniya na huwag nang humingi ng tulong sa’yo, Loki,” sabat na paliwanag ko. “But I thought the two of you would fix the annulment?” tanong ni Loki sa amin. “Iyan din ang dahilan ni Jane kaya siya nakiusap siya sa akin, na tulungan ka na ayusin ang problema ng Papa mo sa negosyo para hindi mo na kailanganin ang tulong ni Nik,” aniya. “Really? Why didn't you tell me that, Ada? I thought I was the one you needed to solve your Dad's problem with the company, but you ask someone else for help?” tanong ni Nikola sa akin at may halong panunumbat iyon. “H-hindi. Nagkakamali ka—“ “Hindi si Ada ang humingi ng tulong sa akin, Nik, si Jane at huwag kang mag-isip ng masama sa aming dalawa ni Ada. Magkaibigan kami at best friend niya ang kapatid ko kaya wala naman masamang tulungan ko siya,” sabat ni Loki. “Kagaya nang sinabi ko kanina ay hindi na kailangan ni Ada ng tulong mo dahil inaasikaso ko na iyon at ako nang bahala sa problema ng kompanya ng Papa niya,” seryosong tugon ni Nikola. Napabuntonghininga si Loki saka tumingin sa akin at ngumiti. Nakaramdam tuloy ako ng hiya kay Loki dahil ang tanging nais lang naman niya ay tulungan ako at pinakiusapan pa siya ni Jane. “Salamat, Loki, dahil handa kang tulungan ako,” nakangiti ko na lang sabi sa kaniya. “Hindi ka naman na iba sa akin. Parang kapatid na rin kita kagaya ni Jane,” nakangiting tugon ni Loki. “Sige na, aalis na ako at hindi na rin naman pala matutuloy ang dahilan ng pagpunta ko rito,” paalam niya saka tumayo at lumakad na palapit kay Nikola saka hinawakan ang balikat ng asawa ko. “Be good to her, Nik. Mabuting babae si Ada at iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya,” sabi ni Loki kay Nikola at seryoso pa siya. Hindi tumango si Nikola at matalim pang tumingin kay Loki na ginantihan din ng talim ng tingin ni Loki dahilan para kabahan ako at mapatayo sa kinauupuan pero inalis na ni Loki ang kamay sa balikat ni Nikola saka nakangiting tumingin sa akin at tumango saka tuluyang umalis. Nakahinga ako nang maluwang dahil hindi nag-away sina Nikola at Loki pero nang lapitan ako ni Nikola at walang ingat na hinablot ang braso ko saka matalim ang tingin niya sa akin ay doon ay bumalik ang kaba ko. “What do you want to convey to Loki and Jane, so you ask your friend for help? That I'm a bad husband and I won't help you?” galit na tanong sa akin ni Nikola. Mahigpit ang pagkakahawak ni Nikola sa braso ko dahilan para masaktan ako sa ginagawa niya at napansin kong nakatingin na sa amin ang ibang mga tauhan ko kaya tinulak ko na si Nikola. “H-huminahon ka, Nikola, dahil nasa shop tayo at baka kung anong isipin ng mga tauhan ko dahil diyan sa ipinapakita mo sa kanila,” tugon k okay Nikola. Pinakawalan na niya ang braso ko at ginulo niya ang buhok sa galit na nararamdaman. “Wala akong sinasabi kahit ano kay Jane at ang kaibigan ko ang nagkusang tulungan ako. Hindi ko iyon hiniling,” pagtatanggol ko sa sarili ko. “Gusto lang ni Jane na maghiwalay tayo na hindi na madadagdagan ang utang na loob ko sa’yo—“ “At ano ang kapalit? Ano ang kapalit mo kay Loki, iyang katawan mo?” putol ni Nikola sa sasabihin ko pa sana. Mahina lang ang boses niya pero punong-puno ng galit at sa tingin ko ay hindi naman narinig ng mga tauhan ko ang sinabi ni Nikola pero dahil sa sinabi niya ay nasaktan ako at pakiramdam ko na naman ay hinati ang puso ko kaya hindi ko nagawang magsalita. “Lahat talaga ay kaya mong gawin para lang hindi ka maghirap. Kulang pa pala ang kaya kong ibigay sa’yo at gusto mo pang may ibang lalaking tutulong sa’yo sa pangangailangan mo at ng pamilya mo!” pang-iinsulto ni Nikola sa akin. “F-ck! Muntikan na naman akong magpadala sa kainosentihang ipinapakita mo sa akin hindi ko naisip na manggamit ka nga pala para sa kayamanan at pangalan!” Napabuntonghininga ako. “Bahala ka na kung anong gusto mong isipin. Hindi ko na ipagtatanggol pa ang sarili ko dahil mukhang kahit anong sabihin ko ay hindi mo papaniwalaan,” mahinahon kong tugon. Aalis na sana ako para iwanan si Nikola dahil ayoko nang makarinig pa ng masasakit na salita mula sa kaniya pero hinawakan niya ang kamay ko at kahit palihim ko iyong hinila ay hindi niya iyon binitawan. “You use your body to get what you want, so that's what you use to pay for everything I do in your Dad's business. By the time you refuse, I will not continue to help,” galit na sabi ni Nikola sa akin. “Hindi na rin ako madadala ng pagpapaawa at ng iyak mo!” Hinila na ako ni Nikola palabas ng shop at nagpadala na rin ako dahil wala rin naman magandang mangyayari kung hindi ako papayag lalo pa at nakasalalay kay Nikola ang kompanya namin. Isa pa, hindi lang naman dahil sa kompanya kaya pumapayag akong angkinin ni Nikola kundi dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Inakala ko noon nang mawalay ako kay Nikola ang isang-taon na walang kahit anong balita, komyunikasyon at hindi niya ako kahit saglit dinadalaw sa bahay ay nawala na ang nararamdaman ko noon sa kaniya nguniy nagkakamali pala ako. Mahal ko si Nikola. Mahal na mahal at handa akong paulit-ulit na pagbigyan siya na angkinin ako dahil mahal ko siya at masaya akong pinapaligaya siya subalit ayoko na ring sabihin sa kaniya ang totoo at ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa niya dahil nakikita ko naman na mas karapat-dapat talaga si Verona kaysa sa akin, na ginamit lang ni Papa noon para maisalba ang kompanya noon sa pagkalugi kaya nagsinungaling siya sa Papa ni Nikola. Hindi rin ako gusto ng Papa ni Nikola at galit pa siya dahil sa panloloko na ginawa ni Papa sa kaniya kaya mas mabuti pang hindi ko na ipaalam ang nararamdaman ko dahil malabo na talaga na mahalin ako ni Nikola. Mas mabuting maging masama na lang ang tingin niya sa akin para mas mapadali sa kaniya na hiwalayan ako at maging masaya siya kasama si Verona, na mas karapat-dapat na mahalin at maging asawa niya. Pakiramdam ko tuloy ay naging sumpa na ang kasunduan na iyon ng mga magulang namin at ang pangloloko ni Papa sa Papa ni Nikola kaya mas pinili kong itago na lang ang nararamdaman ko at hayaan na maghiwalay kami ni Nikola pagdating nang panahon. Nagulat ako at napaiki nang hawakan ni Nikola ang buhok ko at hilahin. Dahil doon ay nawala ang malalim na pag-iisip ko at marahas na ipinasok ni Nikola ang pagkal-lake sa loob ko dahilan para malakas akong mapaungol. Nasa kotse lang kami sa isang parking ng bahay ni Nikola at hindi na siya nakapag-antay pang makarating kami sa kwarto. Nasa likod kami ng van ni Nikola at nakatalikod sa kaniya saka mabilis nahubad ang pants ko at naangkin ako pero masakit ang pagkakahila niya sa buhok ko. “N-Nikola, you’re hurting me,” mahinang reklamo ko habang patuloy siyang marahas na umuulos. Imbes na bitawan ang buhok ko ay hinawakan naman niya ang isa kong braso saka walang habas na inangkin ako na halos nagpaalog na sa sasakyan sa sobrang bilis. Tumulo ang luha ko sa sakit at sarap na nararamdaman ko subalit hindi ako nasisiyahan sa ginagawa sa akin ni Nikola at upang hindi niya mapansin na umiyak ako at mariin kong kinagat ang labi ko para mapigilan ang hikbi ko. Pinabayaan ko si Nikola sa gusto niyang gawin sa akin at pakiramdam ko pinaparusahan niya ako dahil siya lang ang bukod tanging nasisiyahan habang ako ay nagtitiis sa mahigpit niyang paghila sa buhok ko o hindi kaya sa paghawak niya sa katawan ko. Masakit pero hindi na ako nagreklamo at pinabayaan na lang siya na gawin ang gusto niya hanggang sa matapos siya at iniwanan na lang ako sa loob ng kotse na hubad at nanghihina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD