Chapter 13

2084 Words
Nikola’s Point of View Pagbalik ko sa kwarto ni Ada ay nakahiga muli siya sa kama at nakatalikod sa kinaroroonan ko. Inilapag ko ang tray na may lamang pagkain sa kama saka umupo ako na rin ako sa kama. “Kumain ka na habang mainit pa ang pagkain,” sabi ko kay Ada. “Iwanan mo na lang diyan ang pagkain, kakain din ako mayamaya,” tugon ni Ada sa akin. “I want to talk to you too,” sabi ko. “If you are mad about what I did before and you say bad things to me again, just tell me tomorrow. I’m so tired now of the hurtful words from you. I also need a break,” walang emosyon na tugon sa akin ni Ada saka umupo at kinuha ang tray. Napabuntonghininga ako at nag-umpisa namang kumain si Ada na walang kahit anong emosyon sa mukha. “We talked to your Papa, and we also talked about how to revive your business. I will not give him money and I will take action to get your business back that you failed. But I also gave him a condition, and that is that I will be one shareholder of your company,” mahabang paliwanag k okay Ada. Napalingon sa akin si Ada at nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabi ko. Mukhang natuon na ngayon ang atensiyon niya sa akin at dahil sa mga sinabi ko sa kaniya. “A-anong sabi niya? Pumayag ba siya?” tanong ni Ada sa akin. “Oo. Wala naman siyang choice pero may binigay din naman akong advantage as the company shareholder,” tugon ko. “Ano iyon?” tanong ni Ada. “That I am sure that your company will never collapse and that I will expand it, including your pottery business,” tugon ko. “P-pati ang shop ko?” gulat na tanong ni Ada. “Oo, naisip kong mag-bukas pa ng maraming branches ng negosyo mo para mas makilala siya. Iyon sana ang pag-uusapan natin kung natuloy ang pagkain natins a restaurant kaya lang hindi natuloy dahil sumama ang pakiramdam mo,” tugon ko. “Pero bakit mo naisip na isama ang negosyo ko?” tanong ko sa kaniya. “To ensure your future as well. You will no longer depend on your Papa once your business grows and you will learn to stand on your feet. I don’t want you to go back to your Papa when we split up and you won’t be able to decide for yourself. Surely by the time your business succeeds and you earn more, you will stand on your own two feet without relying on your father,” tugon ko sa kaniya. “W-why are you thinking about how I will be when we separate? Hindi ba dapat wala ka nang pakealam sa akin—“ “You became my wife and when our past comes out and they find out that I neglected you after our separation, all the damage will also return to me. My name is important to me and I don’t want my past to ruin it,” putol ko sa sasabihin pa sana ni Ada kaya natahimik na rin siya na nakatingin sa akin. “Gusto kong sumama ka sa nalalapit na birthday celebration ni Papa at ipapakilala kita sa mga kilala ko na may collection ng vase at hihilingan kong subukan nilang bumili sa shop mo at mag-invest sa ipapatayo pa nating branch ng negosyo mo. Magang simula iyon para sa negosyo mo,” paliwanag ko pa kay Ada. “Isasama mo ako sa kaarawan ng Papa mo? Hindi ba galit siya sa Papa ko at gusto niyang mapawalang-bisa ang kasal natin?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ada. “B-baka kapag dumalo ako sa birthday celebration ng Papa mo ay magalit siya—“ “Hindi ka ipapahiya ni Papa sa maraming tao. Oo, magagalit siya dahil sa hindi ko pagsunod sa gusto niya pero hindi siya ang taong mamahiya ng isang tao sa maraming tao saka kakausapin ko na rin si Papa sa plano natin matapos ang party niya,” tugon ko sa kaniya. Kita pa rin sa mukha ni Ada ang takot dahil sa sinabi kong isasama ko siya sa party ni Papa at makakaharap niya si Papa. “You don’t have to be afraid of facing Papa again, because the important thing is that I can rebuild your company and grow your business. If you refuse to come, I will not continue our agreement. After all, what I’m asking you to do isn’t hard, and it’s for your own good,” seryoso kong tugon kay Ada. Tumingin sa akin si Ada saka nagbago ang emosyon niya sa natatakot at naging desidido ang mukha niya. “Sige, sasama ako. Hindi naman mahirap sa akin iyon kasi makapal naman ang mukha ko,” tugon ni Ada. Bumuntonghininga ako saka tumayo. “Keep eating, and I also want to apologize for what I told you earlier and made you do. I also won’t make you do all the things I told you before because I’m not that kind of person. I’m just annoyed with you earlier, so I said all that,” mahinahon kong paliwanag kay Ada. Nagulat na naman siyang napatingin sa akin. Halatang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko ngayon at paghingi ko rin ng tawad sa kaniya. “I will try to be civil to you and avoid saying bad things. That would be better so that we will leave no resentment to us once we continue to separate,” dagdag ko pa. Napakagat ng labi si Ada saka yumuko halata ang lungkot sa mga mata niya kahit itinatago niya iyon. “T-thank you,” mahinang tugon ni Ada sa akin. “Iiwana na kita ngayon para maipagpatuloy mo ang pagkain mo,” paalam ko na at nang tumango si Ada ay saka ako lumabas ng kwarto at muling napabuntonghininga. Masarap pala sa pakiramdam na maging maging mabuti kay Ada kahit pa ginagamit lang niya ako para makuha ang gusto niya. Siguro mas magiging mapayapa ang hiwalayan namin kung parehas kaming magiging mabuti sa isa’t-isa habang magkasama dahil nakakaramdam din naman ako ng konsensiya sa tuwing nakikita kong nasasaktan siya sa lahat ng mga lumalabas na insulto sa bibig ko patungkol sa kaniya. Hindi rin naman ako masamang tao pero hindi ko rin talaga mapigilang makapagsalita ng masasakit kay Ada dahil sa tapang niyang harap-harapang ipamukha sa akin na kailangan niya lang ako para sa negosyo nila. Naiisip ko na hindi na ba ako makakahanap ng babaeng mamahalin ako hindi dahil sa pangalan at pera ko? Mas mahalaga ba sa mundong ito ang pera at kilalang pangalan? Tuluyan na akong bumaba sa hagdanan at lumabas ng bahay saka sumakay ng kotse. May mahalaga lang akong pupunntahan. Ada’s Point of View Nagulat talaga ako sa sinabi ni Nikola kanina na pagtulong niya sa negosyo namin at pati ang negosyo ko na ibinigay rin niya sa akin ay mas palalaguin pa niya lalong-lalo na ang paghingi ng tawad sa akin ni Nikola, sa mga masasakit na nasabi niya sa akin. Parang may humaplos na mainit na kamay sa puso ko at hindi ko mapigilang mapangiti ngayon. Kahit paano ay mabait pa rin pala si Nikola sa akin at nakonsensiya sa mga sinabi niya sa akin. Nakahinga rin ako nang maluwang dahil hindi naman pala totoong ipapagamit niya ang katawan ko sa iba, maghiwalay man kami ay siya lang ang makakagamit sa katawan ko at dahil mag-asawa naman kami ay ayos lang iyon kahit walang involve na pagmamahal at tanging l-bog lang ang dahilan niya para angkinin ako. Napagana tuloy ang pagkain ko at ngayon ay nawala ang sama ng pakiramdam ko kanina. Matapos kumain ay inayos ko na ang sarili saka bumaba ng unang palapag subalit wala si Nikola at ang sabi ng kasambahay ay umalis daw siya. Siguradong may inasikaso na naman mahalagang bagay ang asawa ko kaya wala na naman sa bahay. Hindi na ako aasa na makakauwi siya ngayong araw at sanay na rin naman ako, ang mahalaga ay kahit paano ay maayos-ayos na ang pakikitungo niya sa akin. Matapos nang ilang-araw ay isinama ako ni Nikola na bumili ng susuutin namin sa kaarawan ng Papa niya. Sa ilang-araw ding iyon ay kung aalis si Nikola ay umuuwi naman siya at hindi umaabot nang hating-gabi kaya magkatabi kami lagi sa kama at kasama na rin ang patuloy na maiinit na pagtatalik na halos araw-araw. Magaling din naman kasi magpaligaya sa kama si Nikola at hindi ko iyon itatangi subalit sa aming dalawa ako talaga ang umiibabaw kapag sa kama namin gagawin at mabuti na lang ay hindi naman nagtataka si Nikola ay pumapayag din sa gusto ko. Iyon ang isa sa gusto ko kay Nikola na kahit alam kong mababa ang tingin niya sa akin dahil inisip niyang pera at pangalan niya lang ang habol ko ay pagdating naman sa pakikipagtalik sa kama ay hindi naman niya ako binababoy at hindi na rin ako nakarinig sa kaniya ng masasakit na salita. Gentle man pa rin siya kahit sa pagtatalik namin dahil napapansin kung gusto niya rin na maligayahan ako at hindi lang sa pansarili niyang kapakanan ang iniisip. Ngayong araw ay namimili kami sa isang kilalang boutique ng mga damit para sa kaarawan ng Papa niya at lahat nagugustuhan kong damit ay pinapasukat muna niya sa akin saka gusto ni Nikola na makita kung maganda ba sa aking tignan kaya kahit nahihiya ako ay wala naman akong magawa kundi sundin ito. “Almost everything is wonderful for you, but I prefer you wear the yellow gown you choose for the party. That’s better than all the ones you’ve chosen, but we’re going to buy all the clothes,” komento ni Nikola sa akin matapos kung ipakita sa kaniya ang huling gown na isa sa napili ko para sa party. Ang gown na tinutukoy ni Nikola ay talagang maganda at isa sa pinaka-gusto kong gown. Dilaw ang kulay ng gown na iyon na may mahaba at nagpapakita ng A-line silhouette na palda na may slit, kita rin ang buong likod ko sa gown sa oras na sinuot ko na iyon sa party saka boat neckline at desenyo sa harap kaya hindi makikita ang cleavage ng dibdib ko. Hindi ko masasabing simple ang gown dahil mamahalin ito at maganda talaga pero hindi tago naman ang pang-itaas na bahagi ng katawan ko kaya magmumukhang konserbatibo pa rin ako kahit kita ang likod ko. “Hindi mo ba gusto ang napili kong gown na susuutin mo?” untag na tanong sa akin ni Nikola dahilan para mapatingin ako sa kaniya. “H-hindi. Gusto ko nga iyon kasi hindi masiyadong makikita ang katawan ko,” tugon ko. “I know a lot of men will admire you because that gown is just good for you and you are really beautiful, but I don’t want them to see the lust in their eyes if you wear it too sexy,” seryosong tugon sa akin ni Nikola. Napatango na lang ako sa sinabi ni Nikola. Ayoko rin naman na ganoon ang mga tingin sa aking ng mga lalake dahil naiilang ako saka hindi rin naman talaga ako mahilig magsuot ng sobrang sexy na damit lalong hindi rin ako masiyadong nagpupunta sa mga parties at nakikipagsosyalan sa mga mayayamang tao. Lumaki akong mayaman subalit hindi ako katulad ng ibang anak ng mayaman na masiyadong sosyalera dahil tanging inaatupag ko noon pa man ay pag-aaral at pagtatrabaho sa kompanya namin dati. “Matapos nito ay sa mga jewelry shop naman tayo,” sabi ni Nikola sa kaniya. “Kailangan pa bang magsuot ako ng alahas? Ayos na sa akin na binili mo ako ng mga damit kaya kahit hindi na ang mga alahas—“ “I want you to not look like a simple person at Papa’s party. They didn’t even know that you were my wife, but you were my partner that night, so they should look at you as they look at me.” Seryosong nakatingin sa akin si Nikola saka tumayo at lumapit sa akin. “So you should not only wear expensive clothes that night but also jewelry and sandals,” sabi sa akin ni Nikola. “O-okay,” ayon ko na lang para hindi pa humaba ang usapan namin. Hinawakan ni Nikola ang kamay ko saka binayaran na niya ang lahat ng biniling damit para sa akin saka kami nagpunta sa isang mamahaling jewelries shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD