KABANATA 53 MYCA'S POV Dapat na siguro akong magpasalamat lalo na at nakauwi kaming hindi nag-iimikan. Ewan ko lang kung kuha ni Ian na ayaw kong magsalita at nirerespeto niya iyon. Basta paulit-ulit siyang napapasulyap sa akin habang ako ay kung ano-ano na ang ibinabatong salita sa sarili ko para lang huwag ipahalata ang tunay kong nararamdaman. Baka matakot pa siya kung sisigaw ako at magtatalon-talon sa kanyang harapan dahil sa tuwa! Ihinatid ako ni Ian sa harap ng kwarto ko. That was his first time seeing where I stay. Hindi naman siya nagpumilit na pumasok sa loob kahit inaya ko siya, basta ay sa tapat lang siya ng pinto ko nakatigil. I commend him for that. Kasi hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin sa kanya o kung ano ang pag-uusapan namin sakaling pumayag siyang pumasok. "S

