Lara Mae Kinabukasan dinala ko si MAtteo sa Farm niya ang bilin kasi ng Doctor ay dalin daw si MAtteo sa mga Lugar na marami itong magagandang alaala makakatulong daw ito kaya itong farm ang una kong naisip. “ MAtteo saiyo din ang Farm na ito.. mahal na mahal mo ang mga trabahador mo dito Hindi mo sila tinuring ibang tao” Ngumiti ito saakin at pinakatitigan ako sa mga mata. Nakita ko si Carmela na hinigpitan ang kapit sa braso ni MAtteo kaya nabaling ang atensiyon nito kay Carmela. Isa isang nag lapitan ang mga tranbahador nito. “ Bossing ibang iba itsura natin ngayon ha bad boy na play boy ang dating” biro ni Manong Fred. “Welcome back po sir sobra po kami nag dalamhati ng malaman naming naaksidente kayo” Segunda ni Manang. “Ahh Manang Wala pa pong maalala si MAtteo sa ngayon kaya ho din

