Lara Mae
Kinurot ko ito sa tagiliran.. “Ikaw yung mga ganyang bagay hindi yan ginagawang biro MAtteo” Napakunot ito ng noo at Hindi binibitawan ang titig saaking mga mata. “Sino bang nag sabing nagbibiro ako? Seryoso ako MOO Wala nga akong hawak na sing sing ngayon pero gusto na kita talagang pakasalan ano payag kaba?” Napakagat ako ng labi sa kilig. “Oo gusto kong maging asawa mo” nahihiya kong sagot. Nakita kong nag ningning ang mga mata nito at kay lapad ng ngiti. “ I love you MOO and soon to be Lara Mae Mendoza Mondragon.. bagay na bagay MOO” nakangiti nitong sambit. “ I love you too Matteo my soon to be hubby” Sagot ko. Nang hahalikan ako nito sa labi ay bigla namang May kumatok. Natawa ako kasi nabitin tuloy ang nguso niya. “Ah sir sorry po gusto ko Lang po paalam nandito na po si Mr Montemayor” saad ng secretary ko. “Ah ok thanks for letting me know” Sagot ni Matteo. “Oh Sige na MOO balik na ako sa office ko love you” Paalam ko dito. Pag labas ko ay siya naman pasok ng ka meeting nito. Sobrang busy talaga ni Matteo kaya na appreciate ko lahat ng effort niya at time na binibigay saakin. Naka upo ako ngayon sa swivel chair ko pero ang utak ko ay lutang. “ shocks engaged na nga ba kami ni Matteo? Wala pa ngang singsing pero tinanong na niya ko at nag OO na ako” kausap ko sarili ko habang kilig na kilig pA din ako. Wala naman akong Pinangarap Kung Hindi ang mapangasawa ang unang lalaking mamahalin ko at pag aalayan ko ng sarili ko. Bumalik Lang ako sa realidad ng May kumatok sa aking glass door. Napa ngiti ako ng makita ko si Maribel. Nang makapasok ito ay agad ko itong yinakap. “Bruha ka ang Ganda ng bago mong office kaya pala Hindi ka na nagpapakita sa department natin.” Biro nito. “Sira.. kakauwi Lang namin galing sa out of town business meeting” Sagot ko dito. “Wehhh anong business meeting yan baka monkey business kamo.” Asar nito. Natawa ako sa sinabi Nito. “Bakit ano ba bagong chismis ngayon.?” Usisa ko. “Naku!!! Naku!!! Naku!!! Mam Lara Mae kunyari kapa alam mo na ang bagong chismis ngayon ay kayo ni Sir Matteo. Marami nakakita Sainyo girl na mag ka holding hands papasok sa building at hinalikan ka pa daw” chismis ni Maribel. Totoo naman lahat yun dahil marami naman talagang nakakita at walang pakealam si Matteo. “So ano totoo ba ang chismis kayo ni Boss pogi?” Usisa nito Tumango ako ng sunod sunod habang naka ngiti. “Acccchhhkkkktt!!! Gaga ka kunyari kapa ngayon kinain mo salita mo” kilig na Sambit nito. “Iba siya Maribel.. ibang iba siya sa Matteo na sinasabi ng mga taong Hindi siya kilala.” Seryo Kong Sagot dito. “At Bakit ikaw matagal naba kayo mag kakilala para sabihin mong kilala mo na siya” Seryoso ding Tanong nito. Medyo nawala ang ngiti ko dahil sa kabilang banda tama si Maribel bago pa Lang kami mag kakilala ni Matteo pero Ganoon pA man na pasok ko din ang mundo ni Matteo na Hindi lahat ay pinapapasok nito kaya masasabi kong mas kilala ko ang tunay na Matteo. “Hindi pa man ganoon ka tagal pero masasabi kong OO mas kilala ko si Matteo kesa sa mga chismosang palaka.” Sagot ko dito “Ah bago ko makalimutan kaya pala ako nandito eh para maki balita Kung na approve na ni Boss Yung budget at event natin next week?” Alalang tanong nito. “ next week na ba yun eh Bakit ngayon Lang pina rereview?” Taka Kong tanong “haayy nako madam matagal nang inabot yan sa secretary ni Boss pero Hindi ni rereview inuna pa ang out of town landian niyo” biro nito. Nahiya ako ng slight at ito ang ayaw ko mangyari kahit na alam Kong nagbibiro lang si Maribel I’m sure ang ibang tao yun talaga iniisip na Hindi nanamin nagagawa ang trabaho namin. “Don’t worry napirmahan na niya busy Lang Kaya Hindi pA na iabot sa secretary niya .” Tipid Kong ngiting Sagot. “Oh Sige na balik na ako sa baba na miss Lang kita.. actually namin lahat miss ka namin sa HR department” Natuwa naman ako kasi kahit pala madalang lang ako lumabas ng office ko at minsan masungit pa eh namimiss din pala nila ako. “Osige sama ako saiyo sa baba i checheck ko ang department natin baka relax na relax na Kayo Doon dahil Wala ako”biro ko dito. “Ay iba ka madam ako kaya nag tapos ng trabahong iniwan mo kahapon dahil May meet the parents na daw na naganap?totoo ba? Engaged na ba Kayo?” Muli Ay Usisa nito habang nag lalakad kami palabas ng office ko. Ngumiti Lang ako at Hindi sumagot. “Ayyy silence means YES.. ikaw na talaga Mam Lara Mae” bago kami bumaba ay nagpaalam muna ako sa secretary ni Matteo para alam niya na chineck ko Lang ang HR department. Nang makarating kami ni Maribel sa department ko ay ramdam ko ang paninitig ng mga ito saakin at ang iba ay nagbubulungan pa. “Hi everyone just checking up on you guys Kung may kailangan Kayo just let me know maaaring nalipat nga ang office ko pero Hindi pA din nagbabago ang open door policy ko Kung May problema tanong tulong na kailangan anytime pwede niyo ako puntahan sa office ko.” Seryoso Kong saad sakanila. “Ah mam imposible po yung anytime puntahan ka namin sa office niyo dahil May mga body guard po Doon si Boss Hindi basta basta nag papasok ng walang appointment” saad ng isa empleyado. “Maribel papaano ka naka punta sa office ko kanina?” Taka kong tanong . “Tinawagan ko muna ang secretary ni Boss at sinabi Kong iaabot ko Lang yung mga tinapos kong trabaho mo kahapon” Sagot ni Maribel “oh ok.. well we have to respect our boss privacy so Ganoon nalang ang gagawin natin Kung may kailangan kayo saakin Tawagan niyo muna ang secretary ni Matteo. Don’t worry sasabihan ko siya na basta HR department ang nag Hanap saakin Papasukin agad.” Sagot ko. “ eh Bakit po kasi mam Hindi nalang Kayo dito ulit mag office para isang Katok Lang masilayan na namin ang kagandahan niyo” biro nung isang empleyado. Nagulat kami lahat ng marinig namin nag salita si Matteo sa likod ko. “Excuse me?!! What Did you say?” Galit na tanong ni Matteo napayuko yung lalaking empleyado ng marinig si Matteo. “Ah MOO nag Kakabiruan Lang kami.” Awat ko dito dahil alam ko sobrang seloso nito pero Hindi ito nag Paawat. “Wala kayong karapatan na kwestyunin ang desisyon ko Bakit ko nilipat si Ms. Mendoza sa CEO floor” masungit na saad nito. “Sorry boss” Hingi nila ng paumanhin. “No it’s ok guys Sige na back to work na tayo” pero ayaw talaga tumigil ni Matteo. “Bago kayo bumalik sa mga trabaho niyo just to let all of you know Ms Mendoza is my fiancée so ako Lang ang anytime pwedeng masilayan ang Ganda niya” muli Seryoso nitong sambit. Nakita ko ang mga empleyado na nagulat ang iba ay nag bulungan. Habang pAbalik kami sa taas ay Hindi ko ito Kinikibo nakakahiya ang inasal nito kanina Wala na siyang pinipiling Lugar sa pagseselos. “Oh Bakit wala kang kibo diyan ikaw pa galit ngayon?”masungit na tanong nito. “Matteo naman Kasi Wala ka ng pinipiling Lugar sa selos selos na yan Eh.” Maktol ko dito. “Hindi mo narinig sinabi nung lalaking yun gustong masilayan ang Ganda mo. He’s flirting on you.. Kaya tama lang ang desisyon ko na ilipat ka ng office.” Masungit pa din nitong Sagot. “Yan!! Yan pang office ko.. I have an open door policy sakanila para matugunan ko ang mga kailangan nila pero dahil nandito ang office ko sa floor mo kailangan pa nila mag pa appointment sa secretary mo para makita ako dahil Hindi sila pinapapasok ng body guard mo” reklamo ko dito. “Do you want to go back there?!!! Ok fine sige bumalik ka na Doon tutal mas gusto mo silang kasama!!” Galit na saad nito sabay labas na mabilis sa elevator at iniwan ako. Napabuntung hininga nalang ako at mabilis ko itong Sinundan. “Hindi na ako babalik sa office ko Doon sa baba at kahit dito sa office ko sa taas mag re resign nalang ako para Hindi mo na ako makita at mawalan ka ng problema!! Galit ko din saad dito. Wala na akong pakialam kahit marinig pA kami ng body guard at secretary niya. Nakakainis na siya sobra. Dirediretso akong pumasok sa office ko ganoon din ito. Niligpit ko ang gamit ko at sabay labas ko muli sa office ko para umuwi. “Uuwi na po kayo mam?” Tanong ng secretary ni Matteo “ahh.. oo sa bahay ko nalang tapusin ang trabaho ko.” Sabay lakad kong mabilis. Nag taxi nalang din ako pauwi dahil wala naman akong dalang sasakyan. Mayamaya lang narinig ko na ang phone ko na nag riring. Si Matteo natawag. Hindi ko ito sinagot dahil una maririnig pa ni manong driver ang LQ namin pangalawa ayoko pA siyang makausap dahil Naiinis pA ako. Pareho pa kaming mainit Kaya maganda na munang magpalamig muna. text ni Matteo Siraulo talaga ito Meron bang nag wowalk out na nag papaalam. Hindi ko nalang ito ni replayan. Tumawag ito muli at nag text pa pero Hindi ko sinagot. NakAramdam naman ako ng guilt. Ayan tayo self eh konting Banat Lang bigay agad eh Talagang Ms.marupok 2022 ang title ko” Kastigo ko sa sarili ko. Nang makarating ako sa bahay ay inabutan ko ang nanay at Tita Carmen na nanood ng TV. “Oh nandito kana pala. Sige Flor itext mo si Matteo para Hindi mag alala sabihin mo nandito na” Utos ni Tita Carmen Kay nanay. So nagtext pala sa mga kakampi niya. “Oh ano nangyari Bakit kayo nag away?” Tanong ng nanay. Nag mano muna ako bago ako naupo sa couch.. “Hindi naman po away nay Tita ,, tampo Lang po at inis,, masyado po kasing seloso si Matteo Wala ng pinipiling Lugar. Kahit po may relasyon kami sana po ma isip niya na empleyado pa din niya ako at May responsibilidad ako sa mga nasasakupan ko” paliwanag ko. “Eh Bakit Hindi niyo pag usapan ng maayos Hindi na kayo mga teen ager na pag galit walk out nalang basta” saad ng Nanay. “Balak ko naman po kausapin nag papalamig Lang po pareho pa pong mainit ang ulo namin wala pong mangyayari sa pag uusap namin Kung pareho pa kaming Inis sa isat isa” magalang Kong Sagot. “Oh narinig mo yun Matteo.. kakausapin ka naman nag papalamig Lang..” saad ng nanay sa phone niya. Napahawak ako Sa noo ko dahil Hindi ko akalaing tinawagan pala ng nanay ito at naririnig pala ako ni Matteo. “Kayo din Ho Nay Tita Hindi rin ho maganda yang ginawa niyo ako ho ang ka dugo niyo pero lagi niyo hong pinagbibigyan at kinakampihan si Matteo kaya lumalaki ang ulo” angil ko.
“Anong ulo ang lumalaki Lara Mae yung sa taas o sa baba” Tanong ni Tita Carmen. “Pareho po” masungit Kong Sagot sabay tayo at paalam na papasok na ako sa kwarto ko dahil Wala naman akong mapapala sa mag kapatid na ito parang si Matteo Lang puro kalokohan. Nang matapos ko ang trabaho ko ay naligo ako at nag skincare routine matapos ay nagsuot ako ng cotton na dolphin short at spaghetti straps shirt. Nang mahiga ako sa kama ay Binasa ko ang mga Text ni Matteo.
Matteo: let me know kung Kailan tayo pwedeng mag usap? Sana bago ako matulog kausapin mo ako ok Lang kahit sigawan mo ako gusto ko Lang marinig boses mo”. NakAramdam ako ng kirot sa puso ko dahil Hindi din ako sanay na matulog na Hindi ko naririnig ang boses nito. “Tawagan ko ba o Hindi?”