Lara Mae
Umatras ako dahil sobrang lapit nito sa muka ko.
“Hoy Sir Matteo Hindi porket binigyan mo ko ng bulaklak at pagkain ay ok na tayo.. At isa pa Bakit ka ba lapit ng lapit saakin Kung sa tingin mo bayarin akong babae” Inis Kong saad dito
“ I told you I’m sorry.. Hindi ko sinasadya naiinis Lang ako kasi lagi mo akong iniiwasan. Hindi ako marunong manuyo ng babae Lara.. pero para saiyo susubukan ko” Seryosong Sagot nito
Tumalikod ako.. upang Hindi nito makita ang pag Ngiti ko dahil nakakakilig. Tang ina ang rupok ko din eh noh. Ma tapos ay humarap akong muli sa napaka gwapong nilalang na ito.
“ Hindi mo ako kailangan suyuin.. Hindi mo ako girlfriend Sir.. Hindi mo din naman ako nililigawan kaya Hindi niyo po ito kailangan gawin” pakipot Kong Sagot habang kunyaring nag liligpit ng pinag kainan.
Lumapit ito muli saakin.. kaya heto nanaman ang puso ko sobrang bilis ng pintig.
“But I want to Honey..” bulong nito na halos dumikit ang labi nito sa tenga ko at nagdulot ng libo libong kuryente saakin.
“Bahala ka Sir sa buhay mo buhay mo yan.. Pero please Huwag naman ho sana sa opisina ayoko po ng tsismis” sabay iwas ko dito. Hinawakan nito ang aking braso.
“So ok Lang ligawan kita kahit saan Huwag Lang sa office?”
“s**t ano daw liligawan niya ako”
Napalunok ako at namula sa tinuran nito.
“Ho? Bakit niyo ako liligawan?”
Napa iwas ito ng tingin saakin.
“Gusto ko.. sabi mo buhay ko ito gawin ko gusto ko.. bakit ngayon ang dami mong tanong..”
Napangiwi ako sa tinuran nito at napa bulong sa aking sarili.
“Sa lahat ng manliligaw siya yung napaka sungit”
“May sinasabi ka ba”?
“Wala po sir.. sabi ko po tapos na lunch ko mag tatrabaho na po ako”
Para naman Hindi ako narinig nito at nag lakad lakad pA sa office ko.
“Ang daming lalaki dito sa HR department.. ipapalipat kita sa floor ko” saad nito sabay labas ng office ko.
“Ano? Sir!!” Habol ko dito
“May saltik talaga yung Matteo na yun!! Nakakainis!! Padabog akong bumalik sa swivel chair ko. Sigurado ako pag nilipat ako ni Matteo sa CEO floor Magtataka ang mga empleyado Bakit. Ayoko man makita muli ang muka nito (kasi nagiging marupok ako ) kailangan ko siyang kausapin na Huwag na akong ilipat. Nang off na ako sa work I called his secretary first.
“Hi.. this is Ms. Mendoza from HR department is the boss still at his office”
“No Ms. Mendoza.. he just left nagmamadali nga po eh”
“Sh*t” mura ko
Nagmadali akong pumunta sa parking lot hoping na maabutan ko ito. Pero Wala na ito sa parking space niya. Kaya nagdrive na ako pauwi at bukas ko nalang siya kakausapin. Nang makarating ako sa tapat ng gate Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pamilyar na sasakyan na naka park sa harap ng bahay ni kuya Jacob.
“Sh*t Kay Matteo yun ha”
kanina pA ako naka park pero kinakabahan akong pumasok sa loob ng bahay. Bumaba na ako ng sAsakyan dahil Hindi naman ako pwedeng tumambay dito hanggang makaalis si Matteo. Pagbukas ko ng pintuan dinig na dinig ko agad ang tawanan ng Nanay ko ni Tita Carmen at Matteo sa living room. Sabay sabay silang napalingon ng ako ay tumikhim.
“Oh anak nandito kana pala kanina ka pA inaantay ng manliligaw mo” dire direstsong saad ng nanay ko.
Nakita ko si Matteo na napa ngiti ng makitang Namula ang muka ko.
“Nay ano po bang sinsabi niyo boss ko po si Matteo Hindi ko po siya manliligaw” nahihiya Kong Sagot
“Lara Mae Huwag ka ng pabebe diyan.. si Matteo na mismo ang nag sabi sa Amin na gusto ka niyang ligawan. Siyempre pumayag na kami para naman Hindi ka Amagin at May makinabang saiyo.” Walang prenong saad ni Tita Carmen.
“Tita naman.. nakakahiya po yung sinasabi niyo sa harap ng boss ko” sinamaan ko ng tingin si Matteo dahil tawang tawa ito.
“Nay.. Tita.. iwan niyo muna po kami ng boss ko kaka usapin ko Lang po.”
“Ay Hindi anak dito Lang kami.. kayo nalang ni Matteo ang pumunta sa kwarto mo Kung gusto niyo mapag isa.” Saad ng nanay ko
Si Matteo naman mabilis tumayo at lumapit saakin.
“Let’s go honey saan ang kwarto mo?”
Sinamaan ko ito ng tingin at inambaan ko ng suntok.
“Eto gusto mo”? Tawang tawa nanaman silang tatlo
Pinag ti tripan ako ng mga ito nakakahalata na ako.
“Tama na Hindi kayo lahat nakakatuwa” maktol ko
“Sige na papasok na kami sa loob ng kwarto.” Paalam ng nanay at Tita sabay Alis
Umupo ako sa couch at ibinaba ang bag ko.
“Sir Matteo Ano bang ginagawa niyo dito” Inis Kong tanong
“Nanliligaw.. sabi mo Huwag sa office tagal kong nag antay mag uwian para mapuntahan kita sa bahay niyo tapos ang sungit mo” Sagot nito
“Nanliligaw? Wala ka ngang dalang flowers or chocolate eh”
“Ganoon ba yun?.. sorry naman.. sabi ko naman saiyo Hindi ako marunong manligaw eh pero para saiyo pag aaralan ko” sabay ngiti nito na makalaglag panty.
“Diyos ko lord.. Huwag niyo ho akong hayaan bumigay dito konti nalang talaga”
“Wala ka bang mapag tripan at ako Napili mo” tumayo ako at pumunta sa kusina upang igawa ito ng juice.
Nakita kong May tinawagan ito tapos ay sumunod saakin sa Kusina.
“Hindi kita pinag titripan honey Seryoso ako I want to know you more gusto nga kita ligawan promise cross my heart” tinaas pa nito ang kanang kamay.
“Oh ayan juice mo.. uminom ka para mahimasmasan ka”
“May beer ba kayo?”
Aba demanding pA ito..
“Bakit ka iinom eh mag da drive ka pa pauwi” taka Kong tanong dito.
Nakita kong kinagat nito ang pang ibabang labi na tila pinipigilan ang kilig.
“Joke Lang yun.. sinusubukan ko Lang Kung concern ka saakin..”
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko this time.
“Ang corny mo Sir Matteo” sabay irap ko
Mayamaya naman May nag door bell.
“Teka lang po sir check ko Lang sinong tao sa Labas” Paalam ko
“For Lara Mae Mendoza po” Bungad ng delivery boy na May dalang vase ng red roses at box ng chocolate
“Ah ako po si Lara Mae”
“Boys ipasok niyo na yan”
Nanlaki ang mata ko ng Makita kong Hindi Lang isang vase ng bulaklak ang pina deliver ng Kung sino mang nag bigay nito. Kung Hindi isang truck at bawat vases my box of chocolate.
“Manong ang dami ho saakin ho ba lahat yan”
“Opo mam galing daw po Kay MM pag tinanong niyo daw po”
Tinignan ko si Matteo na ngayon ay nakatingin at nakangiti saakin. Lumabas naman ang dalawang tsismosa ang aking nanay at Tita (joke)
“Ay anak ang dami niyan kanino galing yan” Usisa ng nanay
“ saakin po nay nag rereklamo po kasi si Lara Mae bakit Wala daw akong dalang bulaklak at chocolate.. Kaya nag pa deliver ako ng isang truck”
“Ay sana all May Matteo” kilig na sabi ni Tita Carmen.
Na Pailing ako sa kanila. Pero nabaling ang tingin ko Kay Matteo na ngayon ay nakikipag kulitan saaking nanay at Tita Carmen. Ang gwapo niya talaga lalo na pag naka ngiti. Sino ba naman Hindi mag yeyes dito pag ito ang nanligaw. Wala din itong arte sa katawan Kung makipag kulitan kila nanay at Tita parang ang tagal na nilang mag kakilala.
“Hoy Lara Mae Sara mo bibig mo tulo laway mo Kay Matteo” asar ni Tita Carmen
Nakita ko si Matteo Ngumiti saakin. Kahit kailan talaga itong magkapatid na ito pahamak eh.
“Ah Lara Mae.. aalis na ako May emergency Lang balik ako bukas”
“Hmmm.. emergency?” Nakataas kilay kong tanong
“Oo work related” nakakunot noo nitong Sagot. Tapos biglang napangiti.
“Are you jealous? You think I’m going to see other girls?”
“Sh*t mang huhula ba ito o sadyang obvious Lang ako”
“Ha? Neknek mo Hindi no.. Sige Alis na kahit Huwag ka ng bumalik” Taboy ko dito.
“Lara Mae bibig mo Huwag kang bastos.. pumunta dito yung tao ng disente kung ipag tabuyan mo” bawal saakin ng nanay
“ I’m sorry sir Matteo”
“No it’s ok I know you didn’t mean it.” Sabay kindat nito.
“Alis na po ako nay Tita Carmen..
una na ko honey see you tomorrow..” Paalam nito
“Thank you Sir Matteo and ingat ka” nahihiya kong Paalam
“Siyempre naman mag iingat ako Hindi mo pa ko sinasagot eh”
“Sh*t lakas mag pA fall nito pati panty ko na po fall na”
Kinabukasan sa trabaho dinala ko ang ibang flowers sa office. Pero ng makarating ako sa opisina ko Walang na mga gamit ko.
“Maribel!! Tawag ko
“Nasaan ang mga gamit ko? Sisante na ba ako?”
“Sira!! Sisante agad. Pinalipat ni sir Matteo sa CEO floor ang office mo. Kayo lang dalawa doon girl.. may something kayo no” Usisa ni maribel
“Wala no!!” Kaila ko dito sabay lakad Papunta sa CEO floor bitbit ko pA din ang flower vase
“Saan ang hR manager office dito” tanong ko sa sekretarya ni Matteo
“This way mam”
“Sh*t talagang magkaharap Lang kami ng office ni Matteo.”
Namangha ako dahil lahat ng gamit bago doble ito sa laki kumpara sa office ko sa HR department.
“Did you like it honey” Nagulat pa ako at may biglang nag salita sa likod ko
“Sir kayo pala.. sana ho Hindi niyo na ako linipat dito nagtataka po ang mga taga HR”
“You did not answer my question.. did you like your new office”?
“Opo sir.”
“Good that’s all that matter to me.”
Hindi na ako kumibo dahil mukang Hindi na magbabago pasya nito. Basta mana tili kaming professional sa isat isa while nasa office walang problema saakin.
“Ah Lara Mae.. Hindi ako makakadalaw today sa bahay mo May out of town meeting ako baka sa week end pA uwi ko” Paalam nito
“Sir Matteo.. Hindi niyo po obligasyon na ipaalam saakin ang lakad niyo..” pero sa Totoo Lang mamimiss ko siya.
“ do you like me Lara Mae? May Chance ba ako saiyo” Seryoso nitong tanong
“Ho? Bakit nagmamadali ka yata? It’s ok Sir Kung Hindi niyo kayang manligaw pwede na po kayo tumigil”
Binaba ko ang vase sa table ko.
“Who said I’m giving up? I’m just asking”
“Tinatanong pA ba yan Binigay ko nga yung Kipay ko saiyo malamang may pag Asa ka” sigaw ng utak ko
“May kailangan pa po kayo sir?”
“Oo ikaw kailangan kita”sabay abante nito papalapit saakin.
“Hindi ko yata kayang Hindi kita makita ng 3 days honey.. please come with me sa out of town meeting ko.. please..” he’s begging me
“Sh*t paano ako makakatangi sa gwapong lalaking ito”
“Ha?eh may trabaho po ako dito Hindi ko pwedeng iwan”
“Please honey feeling ko mababaliw ako pag hindi kita nakita ng 3 days” mamungay mungay pA ang mata nito
“Diyos ko Lord ano ba ito pigilan niyo po akong bumigay”
“Say yes please” pilit nito saakin
Nakita ko na Lang ang sarili Kong tumango sakanya.
“Haayyy Lara Mae marupok ka!!! Sarap mong kutusan!!!” Kastigo ko sa sarili ko.