Hanna's POV "Umalis ka na. Layuan mo na ako. At simula ngayon kalimutan mo ng nakilala mo ako..." "Hanna, h'wag namang ganito." Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod at hawakan ang isang kamay ko. Agad ko siyang nilingon. Hindi ko alam kung kailan pa siya umiiyak, basta ang nakikita ko ngayon ay ang mukha niya na basa na ng luha. Para tuloy akong nagkabara sa lalamunan dahil sa itsura niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na umiiyak at dahil pa sa akin. "Please, kahit anong hilingin mo gagawin ko, susundin ko. Pero ang hilingin mo na layuan at kalimutan ka, hindi ko kayang gawin." Saglit siyang yumuko at lumunok ng ilang beses pagkatapos ay muli akong tinitigan sa mga mata. Parang umatras ang lahat ng galit at tapang na inipon ko para palayuin siya dahil sa nakikita ko ngay

