Hanna's POV Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng araw na magkausap kami ni Rex sa library. Nitong mga nakalipas na araw ay lagi na lang siyang sumusulpot mula sa kung saan para samahan ako sa kung anuman ang ginagawa ko. Hinahayaan ko lang siya sa gusto niya. Mas okay na rin ito at guusto ko rin talagang magkaayos na kaming dalawa. Gusto kong tapusin na ang alitan namin. Hindi naman siguro mahirap ang gawin iyon lalo pa at maayos naman kaming naging magkaibigan noon. "I don't think so. Because I don't have you." Noong araw din na sabihin niya ang bagay na ito ay hindi ko siya sinagot. Ngumiti lang ako at saka ko binago ang usapan. Ayokong buksan ang usapang iyon dahil bumabalik lang ang ala-ala ko noong araw na bustedin ko siya sa restaurant. Ayoko ng maalala ang araw na iyon dahi

