Hanna's POV Lunes na ngayon. Dalawang araw din akong absent dahil sa nangyari. Mabuti na lang at may nairason ako kina Daddy at Mommy kung bakit hindi ako pumasok ng dalawang araw. Mugto pa rin ang mga mata ko hanggang ngayon dahil ilang gabi akong iyak nang iyak. Mabuti na lang at may concealer ako at make up na puwedeng gamitin upang tapalan ang kahayupang ginawa sa akin ni Dan. Bago pa ako lumabas ng kuwarto ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. I already deleted his number. Alam ko lang na siya ang tumatawag dahil pang one hundred and fourty-six times na ito na tumawag siya sa number ko simula pa noong biyernes. May five hundred plus messages din siya, yung iba ay repeated messages na lang. Tinitigan ko lang ito at saka ko pinatay ang phone ko at inihagis sa kama. Wala naman s

