Hanna's POV
"Huy!" Ito na naman tulala na naman ako.
"Ah- Sige tara na, hanapin na natin para makauwi na tayo." Pero sana mas matagal pa kitang makasama.
"Mukha ngang kailangan na nating umuwi, may sakit ka ata eh. Tara na, nasa Chemistry lab ang susi."
Pagkatapos nun agad rin kaming tumakbo patungo sa chemistry pab dahil nasa kabilang building pa siya.
Dahil nga may posas ang magkabilang kamay namin. Magkahawak ang kamay namin na may posas. Magkahawak lang pero hindi magka-holding hands.
Natutuwa nga ako sa kaniya dahil bigla-bigla na lang siyang lilingon sa akin at ngingiti. Ewan ko ba kung anong meron at sa loob lamang ng isang araw napalapit ang loob ko kay Dan. Matagal ko rin siyang hinangaan dahil alam kong mabait siya, pero iba pala kapag naka close mo na yung tao. Ewan ko lang sa kaniya kung pareho kami ng iniisip, baka kasi para sa kaniya normal lang ang ganito, pero pagdating sa akin iba.
Pagkatanggal namin ng posas parang bigla akong nalungkot.
"Hayss salamat naman at natanggal na natin yung posas noh?" Tumingin siya sa akin habang hinihimas ang kamay niya na nilagyan ng posas. "Bakit parang ang tamlay mo ata? Gusto mo bang pumunta sa clunic?"
"Ah hindi na, salamat. Sige… balik na ako sa room. U-uwi na rin ako, mag ga-gabi na rin kasi eh." Saktong paalis na ako ng hawakan niya yung braso ko.
"Sandali lang." Nilingon ko siya na nagkakamot ng batok niya. Di ko nga siya maintindihan dahil bigla siyang yuyuko tapos titingin sa kisame at pasimpleng titingin sa akin.
"Dan, bakit?" tanong ko.
"Ahm... pwede bang... ahm… ano kasi...”
"Ano nga?"
"Ahm... Kase, p-pwede bang makuha yung number mo?" Utal niyang tanong. Tipid akong ngumiti at hinayag ang kamay ko.
"Yun lang ba? Akin na yung phone mo, ilalagay ko."
"Talaga?" Nakangiti at masigla niyang tanong.
"Oo nga. Bilisan mo at baka magbago ang isip ko." Pagkasabi ko nun ay agad niyang binigay sa akin ang cellphone niya.
"Yes! Salamat talaga. I'll text you later." Ibinigay ko na ang cellphone niya.
"Sure. Nice to meet you Dan." Huling salitang sinabi ko bago ako maglakad palabas ng chemistry lab. Narinig ko pa siyang nag salita.
"Bye Hanna! Nice to meet you too!" Nakangiti ko siyang nilingon at nag-wave ako habang naglalakad ng nakatalikod.
Hayss… para talaga siyang 7 years old. Ang cute niya at ang kulit.
BEST DAY EVER!
_________
Halos mapunit na ang mukha ko sa sobrang ngiti dahil sa nangyari kanina.
'Dahil nga ba sa nangyari o dahil kay Dan?'
'Shut up Hanna!'
Hayss pati ba naman utak ko nagtatalo na.
Ewan ko ba, nagalit ako sa kaniya kaninang umaga tapos ganon-ganon na lang kami nagkaayos. Mapapa-WOW MAGIC ka na lang talaga.
Yung feeling na yung dating crush ko magiging ka close ko ng dahil lang sa event na naganap ngayon. Wow magic talaga.
Dumiretso na agad ako papasok sa loob ng kwarto ko, naligo at nagbihis ng mabilis. Na-feel ko kasi na nagugutom na ako. Naalala ko na hindi ko na nagawang kumain kaninang lunch dahil magkasama kami ni Dan.
Bumaba ako ng may ngiti pa rin sa labi na agad namang napansin ni manang April Joy Davadilla 'April' for short, na kasalukuyang naglilinis ng bahay.
"Anong meron at hindi ata matanggal ang ngiti sa labi ng alaga ko?" Nakangiti ring tanong ni manang.
"Wala naman po, manang. Masaya lang talaga ako."
"So ibig sabihin ba nito ay taon-taon mo ng magugustuhan ang event sa inyong eskwelahan?" Mapanuksong tanong ni yaya.
Alam niya na naiinis ako sa event na naganap ngayon dahil taon-taon na lang akong nagkwe-kwento sa kaniya kung gaaano ako naiinis sa mga malalanding estudyante na nakikita kong nakikipaglandian sa mga 'crushes' nila kuno. Sumasakit ang mata at tenga ko dahil sa kanila. Kumbaga sa klase, ito raw ang 'ice breaker' ng pasukan para ganahan ang mga estudyanteng pumasok at maging 'inspired' sa kanilang mga crushes.
Mga kunsintidor. Ewan ko ba kung bakit pinayagan ng Dean at mga magulang ang ganitong event, samanthalang kalandian lang naman ang natututunan ng kanilang mga anak sa ganitong gawain.
Napakunot na lang ako sa naisip ko at muling nabalik sa reyalidad ng marinig ko ang kumakalam kong sikmura.
"Mukhang gutom ka na, sandali lang at ipaghahanda kita ng makakain." Tumango naman ako kay manang ng nakangiti.
Mukang natabunan ng saya ang inis na nararamdaman ko taon-taon dahil sa nangyari sa akin kanina. Parang gusto ko na lang tuloy magpaulit-ulit ang araw na ito at wag ng matapos pa.
Sumunod na ako kay manang papasok sa kitchen at naihanda na nga niya ang pagkain ko.
Nag-thank you ako kay manang pagkatapos ay bumalik na siya sa ginagawa niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at napakunot na lang ang noo ko ng makita ang isang unknown number na nag text.
"Sino naman to?" Kunot noo ko pa ring tanong pero inopen ko rin ang message.
Muntik pa akong mabulunan nang mabasa ko ang message at malaman kung sino ang nagtext.
-09*********
Hi, si Dan to :)
Uminom muna ako ng tubig dahil hindi ko kinaya ang message niya. Nakalimutan ko na ibinigay ko nga pala sa kaniya ang number ko. Agad ko rin sinave ang number niya at tsaka ako nag reply.
- To Dan
Hello, na save ko na ang number mo. Nice meeting you ulit :)
Itinuloy ko na ang pagkain ko ng mai-send ko na ang message ko. Susubo pa lang sana ako ng bigla ulit mag-vibrate ang phone ko kaya ang ending binaba ko muna ang kutsara ko at tsaka ko kinuha ang phone ko.
- From Dan
Thanks. Sana maging ka-close kita :)
-
'Of course you can, sino bang hi-hindi sa gwapong nilalang na katulad mo? Tanga lang ang hi-hindi sa crush niya.'
Ka-text ko pa rin si Dan. Hindi ko na alam kung ano na ba itong nararamdaman ko, paghanga na nag-level up at naging infatuation dahil sa mga naganap kanina. Hayss, hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa akin pagnag-level up pa ito ng tuluyan.
- To Dan
Sure, beside, classsmate naman kita di'ba?
Muli kong ibinaba ang phone ko sa mesa at nagsalin ng tubig at uminom. Hindi ko pa halos nakakalahati ang pagkain ko dahil sa lalakeng 'to. Muli kong kinuha ang kutsara ko at sa pagkakataong ito hindi ko na talaga na pigilan ang inis ko ng muling mag-vibrate ang phone ko.
- From Dan
Yeah hehehe :)
-
- To Dan
Uso maghintay ng two minutes bago mag-reply. Pasubuin mo naman ako ng pagkain bago ka mag-reply! Hindi porque may gusto ako sayo ay hindi na ako maiinis ah..
Sent.
Inis kong ibinaba ang phone ko sa mesa at tsaka ko isinubo ang kanin sa kutsara ko na kanina pa naka-tengga.
Agad na nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung anong itinext ko. Nagmamadali kong kinuha ang phone ko at tinignan ang sinend ko at hindi nga ako nagkamali dahil na itext ko sa kaniya ang nasa isip ko.