Chapter 35 : Acquaintance Julian's Pov, Kahit anong pilit kong suyuin si Kristin na mag-bati na kami ayaw naman nya. Dahil lang sa hindi ko narinig 'yung tinatanong nya sakin inaway na kagad ako. Parang ako pa ang may kasalanan. Bahala sya kung ayaw nya. Sino nga ba ang ipapalit ko sa kanya? Kailangan ko na mag-isip hangga't maaga pa. Mamaya na nga lang sa pagpasok ko aalamin kung sinong pwede kong makasayaw sa acquiantance namin. Bumangon na ko sa higaan after mag-alarm ng orasan ko. Ayaw ko pa sanang tumayo kanina kung hindi ko natandaang acquiantance namin ngayon. Pagkatayo ko sa kama ginising ko na si Jade. Tulog-mantika nanaman s'ya, pero 'di na ko naninibago kase nag-sasalita din 'yan tuwing gabi. "Jade, gising na nga! Acquiantance na natin mamaya!" Sigaw ko sa kaniya habang i

