Chapter 29 : I Love You Julian's Pov, "Ikaw ang lalaking hinahanap ko, ikaw lang ang mahal ko,"naiiyak na sambit ni Kristin. Hindi ko siya maintindigan. Binuksan ko yung lampara para maliwanag, 'di ko alam kung anong mararamdaman ko nang sinabi nyang mahal n'ya ko. Although five hundred years ko ng alam 'yun. Hinahanap n'ya ba ko kase sabi nya ako daw ang hinahanap n'yang lalaki at mahal nya ko? O baka dahil nawalan siya ng ala-ala kaya tanging ako lang ang naaalala niya, at hindi pa gano'n kalinaw. "Matulog ka na,"hiniga ko s'ya sa kama, sana lang alam nya 'yung mga sinabi n'ya ngayong gabi, hindi kase 'yan maniniwala kapag sinabi ko 'yun sa kanya ng hindi n'ya alam. Bumalik na ko sa kama ko at humiga na. Sana may magandang mangyayari bukas, hindi 'yung puro kaguluhan nalang lagi.

