"Magandang umaga Prinsipe Gray!" "Magandang umaga Victor!" Masayang bati ko pabalik. "Magandang umaga Prinsesa Shane!" "Good morning," maarteng sagot ni Julia. Sa pangalang Julia at Julian. Doon kami nakilala. Pero ang tunay pala talaga naming pangalan ay Gray at Shane. Nakakatuwa lang na hindi naging dahilan ang matagal na pag-kawala namin sa Dark Kingdom upang manibago ang mga bampirang naninirahan dito. Ang Vamp City, Victorian University at Ang iba pang lugar sa city ay pawang imahinasyon lamang namin. Ang lugar na iyon ay gawa lamang ni Vlack upang protektahan kami laban sa mga magulang niya. Ang Ministry Academy ay ang Dark Kingdom. Ginawang paaralan upang hindi na mahanap pa ng mga magulang ni Vlack. At oo. Si Vlack at Luna ay aming tunay na mga magulang. Nakakapanibago, oo.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


