[Alona's pov] Nakadisguise ako lumabas ng condo ni Shia. Hindi ko naman maisama si Shia dahil para pa rin siyang buhay na zombie. "saan ba ako magsisimula?" bulong ko sa sarili Bigla ako napahinto sa paglalakad ng may dumaang babae. Lahat ay makakaramdam ng takot sa kanyang presensiya. Napakunot ang noo ko na tila pamilyar ang babae. "saan ko nga ba siya nakita?" bulong ko sa sarili Ano mang pilit kong isipin ay hindi ko maalala kung saan ko nakita ang babae Siguro mas maganda kung umalis na ako dahil mukhang nakahalata ang babae na nakatingin ako sa gawi niya. Dali dali ako naglakad palabas ng condominium building. Naisipan ko dumaan muna ng mall para bumili pa ng ibang pangdisguise. Biglang nagningning ang mga mata ko ng makita ang isang magandang dress. Pero pangdisguise ang bi

