Chapter 28 | The Truth Behind Their Past "Pasensya na, anak. Pero wala sa kahit na sino sa kanila ang hinahanap natin. Dahil wala naman akong nakitang kahina-hinala mula sa nakaraan nila at maging sa mga naisip nila." Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Dad. "It's okay, Dad. You already did your part. You should go back now to the palace and take some rest. It will take some time for you to regain your strength again." Napatango siya at marahan akong tinapik sa balikat. Nilingon ko naman si Althea na nanghihina na rin sa isang sulok habang inaalalayan ng kakambal niyang si Athena. "Ikaw rin, Althea. Marami ka na ring nagamit na kapangyarihan magmula pa lang no'ng nakaraan." She just gave me a weak smile. Ang mga kasama naman naming protectors at royal guards na ang nagbalik sa mga es

