Masakit ang katawan ni Shawn nang magising siya sa tinutuluyan nilang bahay na para sa mga trabahador na kagaya niya. Maayos ang bahay na iyon at kompleto sa kagamitan. Mayroon itong banyo, kusina, mini-sala at mayroong apat na malalaking kwarto na para sa kanila. Ang kwarto ay mayroong dalawa hanggang apat na doble deck na higaan at may kani-kaniyang closet. Komportable ang manirahan doon at karamihan sa mga trabahador ng farm ay mga taong walang matirhan, walang pamilya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit loyal na loyal ang mga trabahador kay Mercy at sa mga kaibigan nito. Bukod sa nagkaroon ng maayos na tirahan ay nagkaroon din ang mga ito ng maalagang pamilya. Idagdag pa ang maayos na pagtrato ng mga ito at malaking pasahod. Pamilya ang turing ng mga ito sa mga naroroon at siya laman

