Hindi sinagot ni Mercy ang kahilingan ni Shawn nang araw na iyon. Her thought, kailangan muna niyang makilala ang pamilya, maka-bonding ang mga ito lalo na at naghirap ang mga ito noong nawala siya. Plus may atraso siya sa mga magulang bago nag-disappear. Gusto muna niyang bumawi sa mga ito. At iyon nga ang ginawa niya. Sa ngayon ay nandirito ang kaniyang pamilya sa rest house at masaya silang nagba-bonding. Naaalala na niya ang mga ito at nakakasabay na rin sa mga kwento ng mga ito. Siyempre kasama na roon si January, ang asawa nito at ang cute na cute na baby. Nang malaman ng mga magulang ang tungkol sa pagkawala ng mga alaala niya ay panay ang hingi ng tawad ng mga ito dahil sa mga pagkukulang daw noong pinalayas siya sa pamamahay nila. That was already in the past kaya naman nagpas

