Hindi niya binigyan ng pagkakataon na mag-explain si Shawn. He lied to her. Kausap lamang niya ito that same morning yet she saw him with another woman. Kahit pa sabihing kaibigan nila ito, he still lied to her and that hurt her. Parang andali nitong gawin lamang sa kaniya iyon. Ito ba ang sinasabi ni Ness sa kaniya? Ng kaniyang mga magulang maging ni January? Pinagkatiwalaan pa naman niya ito at she took a risk for them pero magsisinungaling lamang ito? Damn! Hanggang sa makauwi na si Shawn kasama ng kaibigan nito ay naglagi siya sa kwarto niya. She locked herself at bumaba lamang nang masiguro na niyang nakaalis na ang kasintahan. Her parents were looking at her ngunit hindi naman nagtanong. Si Ness naman ay wala at nasa farm kaya doon na siya nagtungo. "Was that really his friend?" t

