"Ate, sige na sumama ka na sa amin," pamimilit ni Ness sa kaniya. Gusto nitong isama siya sa Davao del Norte na treat nito sa kanilang mga magulang. Kasama rin sa lakad na iyon sina January. May reservation na rin sila sa isang hotel doon. She wanted to come because she was intrigued with the beach place she was refering to pero hindi niya maiwan-iwan ang kaniyang negosyo. "Kayo na lang para makapag-bonding din kayo nila Nanay," sagot niya rito. "KJ ka talaga," ingos nito sa kaniya. "Ngayon na nga lang ako nag-aya sa inyo gamit ang pinaghirapang sweldo ko pero ayaw mo pang maki-ride on sa akin." Pinalyngkot pa nito ang mukha para makumbinsi siya. Tiningnan niya ang kapatid sa sinabi nito. Oo, gets niyang may bahid ng pangungonsensiya ang tinig nito at aminin man niya o hindi ay naa

