"You! You..." galit na wika ni Mercy nang makita si Shawn sa tabi niya. She was tricked by him again. Ano ang gustong mangyari ng lalaking ito? Alam ba ng kaniyang pamilya na nawawala siya? Na kinuha siya ng lalaking ito? At nasaan siya ngayon? This is not a hotel room. Definitely not. Tinangka niyang bumangon upang tumayo at upang hambalusin ang walang hiyang lalaking ito ngunit hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at muling ibinalik sa pagkakahiga. Nagpumiglas siya ngunit mas malakas ito sa kaniya. Pinning her this close to him, nagririgodon ang kaniyang puso. "Stop, Mercy! Please. Hear me out!" pakiusap nito sa kaniya. "Damn you! Ikaw ang tumigil sa ginagawa mo!" sigaw niya rito. "Ang kapal ng mukha..." "I'm sorry---" "Sorry? You're always asking, apologizing pero ano?

