"ARE you not cold?" Inalis ko ang atensiyon sa tanawing nasa harapan ko at bumaling sa tabi ko, kay Castiel. Maliit akong ngumiti bago umiling bilang tugon sa tanong niya. "Hindi naman." Napatango-tango siya dahilan para alisin ko na ang tingin sa kanya. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ang paligid ng M Tower. Dahil gabi na, tanging ilaw na lang ang nangingibabaw sa madilim na gabi. Pero kahit na gano'n ay nalilibang pa rin akong pagmasdan ito. Ito na ang pangatlong gabi na magpunta at kumain kami rito sa rooftop ng M Tower. Talagang nagustushan ko rito kaya binalik-balikan. "Siguro, talagang nami-miss ko na ang lumabas," biglang sabi ko. Ramdam ko agad ang pagtuon ng atensiyon sa akin ng taong nasa tabi ko. Maliit akong ngumiti nang hindi siya nililingon. Hindi ko naitago ang tot

