ANA MAE "Welcome to our family iha! I'm so happy that finally kasal na talaga kayo ni James. Kahit hindi kami naka attend ng kasal niyong dalawa masaya kami na naging parte ka ng pamilya namin. But in your wedding in the church, ako ang bahala sa lahat. Hindi ako makapapayag na hindi maging engrande ang kasal ng Unico ijo ko. So let's go? Naka handa na ang pagkain sa mesa." Masayang turan ni Tita. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni James habang papasok kami kanina sa kanilang bahay. Ang akala ko magagalit si Tita at Tito. Pero hindi lala, sa halip masaya siya na nagpakasal kami ni James. "Welcome to our Family iha. Huwag ka'ng mag-alinlangan dito sa bahay. Dahil simula ngayon bahay mo na rin ito." Magiliw din na sabi ni Tito. "Maraming salamat po Tita, Ti..." Hindi ko na natapos ang aki

