ANA MAE "Nag enjoy ka ba Habibi? masaya ka ba habang kasama mo ako Habibi? Kasi kung ako ang tatanungin mo, masayang masaya ako na kasama ka. Kung pwedi nga lang na huwag ka nang magtrabaho kay Doktor Valdez. Sa akin ka nalang, pero hindi kita pipilitin. Masaya na ako na kasama kita sa tuwing day off mo." Wika ni James habang nandito kami sa loob ng kanyang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ni Doktor Valdez. Araw ng lunes kaya umuwi na kami galing sa Tagaytay. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinagsiklop sa aming palad. "Masayang masaya ako kapag kasama kita James. Pero hindi pa siguro ang tamang oras upang umalis ako kay Doktor Valdez. Matagal na ako sa kanila at naging mabuti sila sa akin. Sa amin, kaya parang ayaw namin silang iwanan. Saka kailangan pa muna maging maayos sa pagitan

