ANA MAE AFTER 8 YEARS Masaya akong nakatingala dito sa labas ng malaking restaurant dito sa Toronto Canada. After 8 years ng iniwan ko ang Pilipinas at nag bagong buhay dito sa Canada. Ngayon natupad ko na ang aking pangarap. Ang makapag tapos ng culinary arts na maging isang chef at magkaruon ng sariling restaurant. Simula nang umalis ako sa Pilipinas wala na akong balita sa lahat pati na kay Haide. Alam ko naman na maayos na ang buhay ni Haide kaya hindi na ako nag alala pa. Nagpadala lang ako ng message kay Mama na huwag niya ako'ng alalahanin dahil nasa maayos naman ang buhay ko. Nag-aral ako ng mabuti dito sa Canada namuhay mag-isa. Kahit minsan bindi ko maiwasan na isipin siya. Kahit kasi anong busy ko sa pag-aaral at trabaho. Bigla nalang siyang pumapasok sa isipan ko. Naging maga

