"It's better to be late, than never.." Umiling ako, it's better to be never than this late. Atleast ako lang ang masasaktan, wala ng iba. Gusto kong sabihin sa kaniya 'yun pero nawalan ako ng lakas ng loob. Huminga ako ng malalim at sa huling pagkakataon ay nakiusap sa kaniya ng maayos, "Xian, just let me go." Subalit iling lang ang isinagot nito. Mahigpit ang pagkakabuhol ng mga braso niya sa katawan ko na tila ayaw talaga akong pakawalan. I sighed, we can't stay like this forever. Kung ayaw niya akong pakawalan pipilitin kong makaalis. Sinubukan ko siyang itulak pero wala iyong nagawa, he's like a wall I'm trying to push. Sinubukan ko ulit, paulit-ulit kahit na wala namang silbi, kahit na wala naman talagang paraan para makawala sa kaniya. "I hate you! I really really hate you!" Sig

