NAGMAMADALI ang dalaga dahil huli na sya sa kanyang klase pababa na sya ng makita ang ina.
" Mama, aalis na ako" sigaw niya sa ina na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.
" Monroe, kumain kana muna, " saka lumapit sa dalaga.
" Late na ako ma" nakangusong sabi niya sa ina.
" Monroe! Di ba sabi ko hindi ka aalis kung hindi kapa nag uumagahan!" Matigas na sabi nito.
" Si mama naman oh" kumakamot sa ulong sabi nito at umupo na sa hapagkainan. Magana syang kumain na ikina iling nalang ng ina.
" Kita muna? Gutom na gutom ka" sermon ulit ng ina. Hindi nalang sumagot si Monroe at binilisang kumain para makapasok na.Nang matapos ay kaagad itong umalis. Nandiyan na ang guro ng pumasok siya buti nalang hindi siya napansin kaya nakahinga sya ng maluwag. Tiningnan naman niya ang kaibigang si beth na nakairap sa kanya, kaya tinaasan nya ito ng kilay,. ' tsk! Ano kaya ang problema ng babaeng to' .
Madami pa ang itinuro ang guro pero hindi sya nakikinig, sa labas lang nakatingin at nakatulala kaya nagulat siya ng may pumitik sa noo nya
"aray!" Daing niya at nakita nya si beth na nakasimangot.
" Tapos na ang klase, kanina kapa dyan nakatulala! " Hindi parin mapinta ang mukha.
"Oh? Bakit nakabusangot ka?" At kinuha ang bag at tumayo na.
"Monroe naman eh! Kinalimutan mo talaga?" Naiinis na sabi nito. Naalala naman nya na birthday pala nito at hindi nya ito natawagan para batiin. Ngumiti naman siya dito at nag peace sign.
"Sorry okay? But happy birthday then, maya na gift mo" sabi ko at niyakap siya.
"Eh! Sige na nga tara na" inakay na siya patungong cafeteria. Nang makahanap ng pwesto ay kaagad silang umupo at nag order ng spaghetti, coke, at lumpia.
Masaya silang kumakain ng mapahinto siya dahil sa nararamdaman, parang unti unting tumitigil ang oras sa hindi niya alam na kadahilanan
Napatingin siya sa kaibigan at nakahinto ito, kaya kinabahan siya kaya tumingin siya sa paligid at lahat ng students ay parang na freeze, siya nalang ata ang nakakagalaw kaya dali dali siyang nagpa invisibility, sa sobrang takot ay hindi sya gumagalaw para na syang maiiyak, kahit may kakayahan siya hindi naman nya sinanay at ayon naman ito sa mama raya nya. Nakaupo lang siya sa inuupuan niya hindi nagtagal may dalawang tao ang pumasok babae at lalaki, puti ang buhok ng babae at kulay pula naman ang lalaki kaya alam niyang mga hindi normal ang dalawa.kahit malayo sa kanya masasabi nyang magandang lalaki ito, at maganda din ang kasama nitong babae
" Kuya Pyro! wala naman atang kakaiba sa mga estudyante dito, we just wasting our time here!" Bakas ang inis sa boses nito. May hawak ang dalawa na parang detector at inihaharap sa mga estudyante na parang ini examine.
" C' mon , sis, malapit na to para makabalik na tayo agad sa Academy" baliwalang sabi nito sa kapatid ata nito. ,idinidikit nila ang detector sa katawan ng mga estudyante, Lahat ng estudyante ay ginawan nila nito, hanggang sa makalapit sa mesa nila at sa kaibigan nya tinatama ang detection, lalo syang kinabahan na baka mapansin sya. Nang walang nangyari ay tumayo lang ang gwapong lalaki, ngayon lang sya nakakita ng ganyan ka gwapong lalaki, hindi nya namalayan na nakatulala na pala sya habang nakaharap sa lalaki.nawala ang kaninang takot nya.
" Ohh, wala ba?" Sabi ng isang tinig sa likod nya. kaya nagulat sya at napasinghap. Napansin ata ng lalaki na tinawag ng kapatid nyang Pyro kaya napaayos ito at nagpalabas ng apoy sa kamay na lalo nyang ikinaputla sa takot.
"So, someone's here, show your self!" Malamig na sabi nito.
" Hahaha apoy, humihina na ata ang senses mo hahaha"Tumatawang sabi ng lalaki na bigla nalang sumulpot sa likod nito.
"Kuya, hindi ko maramdaman ang presence nya" sabi ng babae, Ang kapatid ni Pyro.
"Earthro! Bantayan mo si Ezra!" Sabi ni Pyro sa lalaki kaya lumapit ang lalaking bigla nalang sumulpot kay Ezra. Gusto nyang tumakbo dahil sa takot, kaya dahan dahan syang tumayo, hindi nila maramdaman ang presensya ko kaya hindi nila malalaman kung tatakas ako. Aalis na sana siya ng may bigla ulit na pumasok lalaki at babae.
"Leecha, Thunder ! Mag ingat kayo. Someone is here! " Sigaw ni Ezra. Kaya biglang humangin at sa tingin nya ay yong Leecha ang may gawa. Bigla ring kumidlat at naging puti ang kulay ng mata ng lalaki na tinawag nilang Thunder. Wala na akong choice kung hindi ang mag teleport, kahit natatakot ay nilabanan ko ito. Walang mangyayari kung mag papadala ako sa takot. Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko at bigla kaming nag teleport sa classroom, buti nalang walang estudyanteng nakakita dahil nakahinto ang oras kaya napahinga ako ng maluwag. Bigla namang bumalik ang malay ni beth dahil umandar na ulit ang oras.
" Are you okay Beth" nag aalalang sabi ko, " t-teka, diba nasa cafeteria tayo kumakain?" Naguguluhang sabi nito.
" H-ha? Okay ka lang? May saltik ka siguro no? Nakatulog ka kaya. At tapos na tayong kumain. Gutom ka pa ata hahaha" natatawa kong sabi. Napakamot naman ito ng ulo.
" Oo nga no? , " Sabi nalang nito. Kinakabahan ako baka malaman ng mga ito na dito kami napunta lalo na at bigla nalang nawala si Beth.
-
Third Person
NAGULAT nalang sila ng bigla nalang mawala ang babaeng nakaupo kanina sa harapan nila.
" Invisibility!" Sabi ni Leecha, na parang siguradong sigurado.
" Pano mo naman nasabi? Wag tayong mag conclude, hindi natin alam kong anong ginamit nya bakit hindi natin sya makita!" Sabi naman ni Earthro na biglang sumeryoso. Sinamaan naman ito ni Pyro.
" Kung hindi ka naman kasi tatanga tanga, eh di nahuli na natin kong sino man yon. Sabi nito bago umalis. Kakamut kamut nalang ng ulo ang huli. Bago sumunod. Kaya sumunod nalang din ang iba habang pinag uusapan ang nang yari.
"So what we gonna do now?" Sabi ni Leecha sa kay Ezra,
" I don't know, maybe we're going to stay here, were not gonna leave, unless we find that person, iyon din ata ang gagawin ni kuya Pyro" sabi nito. Habang nakasunod sa mga kasama palabas, Ng makalabas ay bumalik na ang oras, naging busy na ang mga estudyante.
"Papasukin ba natin ang lahat ng classroom just to find her or him?" Sabi ni Thunder sa katabing si Pyro.
" We must, hindi tayo aalis hanggat hindi nahuhuli kong sino yon. Masyadong dilikado." Matigas na sabi nito. Ang dalawang babae naman ay nagbubulungan.
" crush ko pa naman ang kuya Pyro mo, ez, kaso ang sungit...! Hihihihi" bulong ni Leecha kay Ezra at napahagikhik. Tumatawa lang ang mag kaibigan, narinig naman ito ng mga kasama Pero binaliwala lang dahil sanay na sila dito.
"Bakit si kuya? Ang sama ng ugali hihihi kay kuya Thunder ka nalang hahaha " bulong nitong sabi pero parang mamamatay na sa tawa.
" Ezra! Nakakainis ka naman eh," nakangusong sabi nito na tinawanan lang ng huli.
" Gusto mo bang ilibing ng buhay ni ate Maria?" Pananakot pa nito kay Leecha na lalong ikinasimangot.
" Eh kung sabihin ko kaya kay Earthro na crush mo sya!" Ganti nito kay Ezra, napatahimik naman ito kaya lalong nagbunyi si Leecha dahil nanalo na naman ito sa tuksuhan kay Ezra. Inirapan lang ito ni Ezra at hindi na nagsalita. Ang plano nila ay pumasok nalang sa paaralan, kaso naisip nila baka mahuli sila sa due date na binigay ng Head Master, kaya nag desisyon nalang na tatlong araw manatili before leaving the mortal world.
Lady Kimmy