Hindi na ako nakatulog sa sobrang ingay ni Samantha kanina. Siguro ay nakatulog na ito sqa sama ng loob at sa sobrang kalasingan. Tahimik na silang tatlo kaya't nagpasya na lang ako na bumaba na muna. Naguguton na rin ako kaya kailangan kong maglagay ng laman sa aking tiyan lalo pa't may laman na ito. Marami pang tao sa baba ng hotel. Sa bandang pool side ay puro tawanan ang maririnig. Pumasok ako sa loob ng kanilang resto at pumila ako sa cashier. I'm craving for cheese cake and pineapple juice. May nauna pa kasing nakapila sa akin kaya nagpasensya nalang muna ako sa pagtayo. "Come just have a seat ano ba ang gusto mong kainin?" napalingon ako nang may humila sa aking braso. Si Terrence Geller iyon 'yong lalaki kanina sa dalampasigan. Sinenyas nito ang isa sa mga staff at mabilis nam

