CHAPTER ELEVEN

1046 Words
NAHAHAPONG lumabas ng sliding door si Rachelle. "Uuwi ka na Ms. Madriaga? wait kukuhanan na kita ng taxi."agaw-pansin ni Mang Danilo rito. "Huwag na po, magdyi-dyip na lang ako Manong,"wika ni Rachelle. "Pero gabi na iha, mag-a-alas otso na,"nag-aalalang sabi nito. "Meron pa naman hong bumabiyahe papuntang Kamuning sa may kaliwang bahagi ng eskinita Manong."naisagot na lamang ni Rachelle. Naglakad na siya. "Pero iha, kako delikado na sa mga ganitong oras. . . babae ka pa naman,"pahabol pa ni Mang Danilo sa dalaga. Ngunit ipinag-kibit na lamang ng balikat ni Rachelle ang sinabi ng matanda sa kaniya. Sa isip niya'y dati rati naman siyang umuuwi ng alanganin oras sa gabi. Kaya wala ng ipinagkaiba iyon sa oras ng uwi niya ngayon. Mas late pa nga siyang umuwi dati, naalala pa niya na alas-kuwatro na siya ng umaga nakarating sa apartment niya noong gabi na nagkasama sila ni Bimbi at may nangyari sa kanila nito sa may condo ng huli. Sa pagkaalala sa gabi kung saan ganap siyang naging babae sa kandungan ni Benedict ay tila may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan niya sa tuwing maalala niya ang naganap sa kanila nito. Gusto niyang paniwalaan ang mga sinabi sa kaniya ni Bimbi, na may nakita raw itong kakaiba sa kaniya sa babaeng nakakatagpo nito. Pero, sa dulo ng pag-iisip niya nalalamangan ng takot ang puso't isip niya. Ayaw niyang sumugal sa isang relasyon na sa tingin naman niya'y wala naman kasiguraduhan. Wala siyang karapatan na makaramdam ng kung anuman sa totoo lang kay Benedict, dahil binayaran lang naman siya upang aliwin at paligayahin ito. Mahirap sa kaniya na isuko ang pinakaingat-ingatan niya sa taong hindi pa naman niya nakikilala ng lubusan. Ngunit kinakailangan niya iyon para sa pagpapagamot ng Mama niyang nagda-dialysis. Kung ibang babae lamang siya ay agad na siyang maniniwala rito at papayag sa offer nito, sino ba naman talaga ang makakatanggi sa isang Benedict Castellejo. Mayaman at napakagwapo pa nito. Tanga na siya dahil hindi pa niya pinatos iyon, ang sa kaniya lang kasi ay ang makakabuti para sa sarili. Marami na siyang pinagdaanan na mapapait na karanasan magmula pagkabata, hinding-hindi na niya dadagdagan iyon sa pagpapasok lamang ng katulad ni Benedict sa buhay niya. Pasasaan ay kusa na rin itong titigil sa kakakulit sa kaniya. MATAMAN naman pinagmamasdan ni Bimbi ang dalaga na kasasakay lamang sa pampasaherong dyip. Maiigi niyang minanmanan iyon, hanggang sa tuluyan tumigil sa harapan ng isang lumang building ito. Pinasibad na ni Benedict ang kotse niya ng masigurong nakapasok na ito sa loob. Mag-a-alas diyes na ng makarating si Bimbi sa condo niya. Muli na naman niyang ininit sa oven ang pagkain na inorder niya. Nanatili lamang siyang nakatitig sa screen ng hawak na iPhone. "Tawagan mo na kasi,"pilyong sagot ng isang tinig sa utak niya. Hindi na namalayan ni Bimbi na sinunod na nito ang tinig. "Hello sino 'tu?"sagot ng isang tinig na kilalang-kilala niya. "Hai Ellechar. . ."paos ang tinig na tugon ni Benedict. "Sorry pero mukhang maling tao po ang natawagan niyo, ibaba ko na po."nagugulumihan sabi ni Rachelle. "Wait! Not so fast baby, s-si Bimbi 'tu. . ."Ewan ng binata ngunit bigla siyang nahiya sa babae. "Damn you! Bimbi para kang teenager na nakikipag-usap sa crush mo noong highschool. . ."naiiling na naibulong lamang sa isipan ng binata. "S-Sir, saan niyo po nakuha ang number ko?"takang-tanong ni Rachelle. "S-Sa bio-data mo of course, k-kumain ka na?"sunod-sunod niyang sabi. Gustong-gusto na niyang hampasin ng matigas na bagay ang sarili dahil sa pagkatense niya. "K-Kumakain na po sir,"kiming sagot ni Rachelle. "Oohh, anong ulam mo."patuloy na pagtatanong ni Benedict. Napatayo ito at agad na kumuha ng malamig na tubig sa may ref. Tuluyan niyang sinalinan ang baso na nasa lamesa. Ewan niya pero kinikilig siya sa kadahilanan na magkausap sila ng babae. First time in history ay nagkakaganito siya sa isang babae! kinikilig dahil lang sa isang phone call buhat rito. "H-Hotdog Sir," "Oohh, do you miss mine. . ."wala sa sariling sabi nito, nagpatango-tango si Benedict. "S-Sir?!"nagulat na sagot ni Rachelle. Lihim naman napamura sa isip si Benedict. "Ooohhh! sorry, i-it's not that my mean. . ."napaubo siya dahilan ng pagkasamid niya sa iniinom. "Kung wala ka ng magandang sasabihin, papatayin ko na."masungit na sabi ni Rachelle. Magsasalita na sana si Bimbi, ngunit tuluyan ng pinatayan siya ng babae. "What's in your head huh! Benedict? baliw ka talaga. . ."banas na baling nito sa sariling katangahan. Inis na inis ito, sa dinami-dami ng masasabi ay iyon pa. "Good job self! ngayon, paano ka haharap sa kaniya bukas? hmmm."gigil niyang paninisi sa sarili. Pinilit niyang kontakin ang cellphone number nito, ngunit out of reach na ito. KINABUKASAN sa pagkagulat ni Mang Danilo ay naroon na ang boss nilang si Benedict. "Goodmorning Sir, ang aga niyo ngayon. . . "tarantang pagpapaumanhin nito sa binata na nakasandig sa may kotse nito. "Morning po, may aasikasuhin po kasi ako rito sa restau." Maang pang pinatitigan ni Mang Danilo ang binata, bago nito tuluyan inilabas sa may bulsa ang susi at ini-angat ang sliding metal niyon. Takang-taka ito, dati-rati ay hindi ito sumasagot sa pagbati niya. Mabilis na nitong binuksan ang sliding door pagkatapos. Naiiling na lamang sinundan ng tingin ito ni Mang Danilo. "Mukhang bumabait na ang boss namin may toyo."wika nito, tuluyan na itong pumwesto sa station nito. Dumiretso naman si Bimbi sa table nito. Mataman siyang nangalumbaba at tinapunan ang wall clock na nasa gilid, mag-a-ala-siyete pa lamang ng umaga. Mukhang napaaga ng isang oras ang dating niya. Seven thirty kasi ang pasok ng mga staff nila. Sa totoo lang ay hindi siya masiyadong nakatulog dahil sa kakaisip sa nangyari kagabi. Inaalala niyang galit pa rin si Rachelle sa kaniya. Ang totoo'y ibang-iba ito sa mga babaeng nakilala niya. Kung iba ang kausap niya'y tiyak niyang sinabayan na siya sa trip niya. Naiiling na lamang niya ang ulo, in the end kasi ay siya ang napahiya. Gusto niyang pabayaan at kalimutan na lamang ang nangyari pero paano. Heto siya't maagang dumating para makahingi ng dispensa rito. "Paano kung mawalan ng saysay ang effort mo?"piping kastigo niya sa sarili. Unang beses na gagawin niya iyon, hiling niya na sana'y pansin siya mamaya ng babae. "Bahala na. . ."nausal ni Bimbi habang mano-manong nakatitig sa kawalan. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD