Napagkasunduan namin ni Ate Charie na huwag ng sabihin sa mga Kuya namin ang nalaman namin tungkol kay Jared dahil nangako na akong hindi na babalik pa sakanya at ipapasikaso na ang annulment namin. Ngunit, wala talagang impossible kapag mapera dahil mabilis nakarating sakanila ang information at ngayon nga ay namumula na sila sa galit. "How dare him cheat on you?!" Galit na sigaw ni Kuya Santi na anumang oras ay handang sapakin si Jared kung nasa harapan niya lang. Isang linggo pa ako nanatili sa hospital bago ako tuluyang makalabas at ngayon nga ay nandito na ako sa malaking bahay 'daw' namin kung saan nakatira silang tatlo pati narin sina Ate Charie at ang kambal nitong anak habang bumalik sa New York si Jace para ayusin ang iilang papers para maging filipino citizen na din sila at

