Ilang minuto ko pang hinintay ang kuya ko. I have waited there, silently crying. Pilit kong tinutuyo ang mga mata ko ng luha. Namamanhid na rin ang mga mata ko dala ng matagal na pag-iyak at nahihirapan na akong huminga. Ramdam ko din ang mga tingin ng iilang taong dumadaan dito sa parking lot. But, I wouldn't mind. Kapag talagang sobrang bigat ng kalooban mo ay wala ka ng pakialam sa paligid mo. Kahit na ba videohan o pagtawanan ka pa nila. I stayed there for another minute hanggang sa mapagod ang mga paa ko sa kakatayo. Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo. Nagsimula akong maglakad palabas sa parking lot when I suddenly, stopped. Someone hug me from behind. "Lara..." Natigilan ako kasabay nang pamumuo na naman ng luha sa mga mata ko. Mas humigpit ang pagyakap niya sa bewan

