Pinangako ko bago kami humarap sa judge na gagawin ko ang lahat mapasakin lamang ang puso ni Jared ng buong-buo. Handa akong buuin ang malamig niyang puso para magawa niya akong mahalin ng higit pa sa pagmamahal ko. I am willing to fix his heart and broken life before me. Pero bakit parang ako ang nasasaktan ngayon? Bakit mas naniwala siya sa pictures at sinasabi ng kanyang Mama kesa sa akin na asawa niya? Umiling siya nang tanungin ko siya kung may tiwala ba siya sa akin. Gaano ba kalaki ang kanyang tiwala? Sunod-sunod na naman na tumulo ang mga luha ko. Napahawak ako sa hawakan ng hagdan nang maramdaman ko ang panghihina ako. Trust is a big word, lalo na sa mga mag-asawa. Isang buwan pa lang kami, pero bakit nangyayari na ang lahat ng ito? Then I remember noong mga panahon na ka

